You are on page 1of 11

Mga Pangunahing

Likas
na Yaman ng Bansa
Alamin Mo

Ano kaya ang dapat na


gawin para
mapanatiling malinis
ang Ilog Pasig at iba
pang mga ilog sa ating
bansa?
Ilog Pasig
Ang tubig na dumadaloy noon
Malinis, malinaw, ginagawang
paliguan
Isa rin itong malaking palaisdaan
Na pinagkukunan ng kabuhayan
Ng karaniwang mamamayan.
Dahil mga pabrika itinayo sa paligid
Ang Ilog Pasig naging tambakan
Mga isda at halamang-dagat
Na doo’y namumuhay, naapektuhan
Pawang naglaho o nangamatay.
• Ang likas na yaman ay ang mga
bagay na nagmumula sa
kalikasan tulad ng lupa,
kabundukan, kagubatan, mga
ilog at lawa, kasama ang mga
depositong mineral na
nagbibigay ng mga
pangunahing pangangailangan
ng tao.

• Mapalad ang bansang Pilipinas


dahil ang lupain at katubigan
nito ay maraming biyaya. Kaya
naman, ang mga mamamayan
nito ay may nakakain at
naiinom, at may nagagawang
Yamang Lupa
• Mula sa lupa, itinatanim at nakapag-
aani ng palay at sari- saring gulay at
prutas. Umaasa rin sa lupa ang mga
hayop tulad ng kalabaw, baka, at
kambing sa kanilang pagkain.
• Ang kagubatan ay bahagi rin ng
yamang-lupa na tirahan ng
maiilap na hayop tulad ng baboy-
ramo, unggoy, at tamaraw. Dahil
sa yamang lupa, pumapangalawa
ang Pilipinas sa buong daigdig sa
pagluluwas ng pinya.
Yamang Lupa
• Dahil sa yamang lupa, pumapangalawa ang Pilipinas sa buong
daigdig sa pagluluwas ng pinya. Ang mga pataniman ng pinya
ay nasa mga lalawigan ng Bukidnon at Cotabato sa Mindanao.
Yamang Mineral
• Ang yamang mineral ay mahalagang sangkap sa
paggawa na kailangan ng mga pabrika at industriya.
Nakukuha ang yamang mineral sa ilalim ng lupa. May
mineral naman na metal tulad ng ginto, bakal, at tanso.
Yamang Mineral

• May mineral na di-metal tulad ng marmol at mineral na


panggatong gaya ng langis, petrolyo, at geothermal na
pinagkukunan ng elektrisidad. Dahil sa yamang- mineral, ang
Pilipinas ay panlima sa may pinakamayamang deposito ng
nickel sa buong daigdig.
Yamang Tubig
• Isang arkipelago ang
bansang Pilipinas,
kaya naman ang
yamang tubig nito
tulad ng dagat, golpo,
ilog, at lawa ay
ginagawang
pangisdaan,
pinagkukunan ng
inumin, paliguan,
daan ng mga
sasakyang pantubig,
planta sa
• Ang likas na yaman ng
bansa ay sapat upang
maibigay ang
mahahalagang
pangangailangan ng
mamamayan at
makapamuhay nang
maginhawa. Pagyamanin at
alagaan natin ito. Bilang
batang Pilipino, kailangan
ang iyong tulong upang
mapagyaman at masagip
ang mga likas na yaman ng
bansang Pilipinas
Tandaan Mo
• Ang bansang Pilipinas ay biniyayaan ng masaganang
yamang lupa, yamang tubig, at yamang mineral.
• Sa mga yamang ito kumukuha ang mamamayan ng
kaniyang pang-araw-araw na pangangailangan.
• Kailangang gamitin nang wasto ang mga likas na yaman
dahil malaking tulong ang mga ito sa mga mama- mayan.
• Bilang batang Pilipino, tungkulin mong pagyamanin at
ingatan ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.

You might also like