You are on page 1of 27

Pagbabagong Pang-Ekonomiya

Sa Ilalim ng Kolonyalismong
Espanyol
ARALIN 11
 Isa sa malaking pagbabagong naganap sa ilalim ng pamamahala ng
mga Espanyol sa Pilipinas ay may kaugnayan sa ekonomikong
kalagayan ng bansa bilang kolonya ng Spain.
 Batay sa merkantelismo, kung saan nagging tagapamagitan ang
pamahalaan sa pagtataguyod ng kayamanan at kapangyarihan ng
estado, nagpatupad ang Spain ng mga patakarang ekonomiko sa mga
kolonya nito, kabilang na ang Pilipinas.
 Ilan sa mga hakbanging isinagawa ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang
mga sumusunod:
 Tiyaking ang iniluluwas na kalakal ay higit na marami kaysa
iniaangkat;
 Gamitin ang mga hilaw na sangkap mula sa kolonya upang makalikha
ng mga bagong produkto sa Spain; at
 Ipagbili sa mga kolonya ang mga bagong produktong galling Spain.
MGA PATAKARANG PANG -
EKONOMIYA
1. TRIBUTO
- Ito ay nasa anyong salapi o katumbas na halaga nito sa
produkto tulad ng palay, bulak, manok, ginto, tela o ano mang
tampok na produkto ng particular na lalawigan o rehiyon.
- Noong 1570, ito ay nasa halagang 8 reales hanggang sa
umabot ito ng 15 reales sa pagtatapos ng pananakop ng Spain sa
bansa.
MGA PATAKARANG PANG -
EKONOMIYA
Mga Naatasang Maningil ng Tributo
 Encomendero(Sistemang encomienda)
 Cabeza de Barangay
1604
- Sa pamamahala ni Gobernador – Heneral Pedro Bravo de
Acuña, ipinatupad ang dalawang paraan ng pagbabayad
ng kalahating halaga ng tributo sa anyong salapi sa
pamamagitan ng pagbebenta ng ilang bahagi ng kanilang
ani sa mga mangangalakal na Tsino.
Pangalawa ang natirang halaga ay kanilang babayaran
ng katumbas na ani o produkto.
Sa ganitong paraan ay nalutas din ng pamahalaan ang
suliranin ng pagtaas ng taripa mula sa panahon ni Gobernador
Heneral Luis Perez Dasmariñas (1593 – 1596).
Sa panahon ni Gobernador Heneral Juan Niño de
Tabora (1626 – 1632), ipinagbawal naman ang
pagbabayad ng salapi. Hinikayat niya ang mamamayan ng
paghusayin ang kanilang pagsasaka upang tumaas ang
kanilang ani na siyang pambayad sa pamahalaan.
Donativo de Zamboanga o Samboangan
- nagkakahalaga ng kalahating reales / katumbas nito sa
palay na sinisingil sa mga taga – Zamboanga upang masupil ang
mga Moro.
Vinta
- Sinisingil sa mga naninirahan malapit sa pampang ng
Bulacan at Pampanga bilang tulong sa pagdepensa sa bantang
pananalakay dito ng mga Muslim.
Falua
- Sinisingil sa mga taga Camarines Sur, Cebu, Misamis, at
mga karatig na lalawigan.

1884
- pinalitan ang sistemang tributo ng cedula personal.
POLO y SERVICIO
POLO y SERVICIO

 Ito ay ang patakaran ng sapilitang paggawa.


 Pwersahang pinalalahok ang mga Filipino sa iba’t – ibang mabibigat na
trabaho tulad ng pagtatayo ng mga imprastraktura, pagtotroso at
paggawa ng barkong pangkalakalan na galyon.
 Alinsunod dito, lahat ng kalalakihan sa kolonya na 16 – 60 taong gulang
ay kinakailangang magtrabaho sa loob ng 40 araw. Napaikli ito ng 15
araw noong 1884.
 Ang mga manggagawa sa polo ay tinatawag na polista.
SISTEMANG
BANDALA
SISTEMANG BANDALA

 Ito ang sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka.


May takdang dami ng mga produkto na dapat ipagbili sa pamahalaan
ang bawat lalawigan. Pinaghatian ng mga bayan ang kabuuang dami o
halaga ng ani na itinakda sa lalawigan.
 Karaniwang promissory note ang ipinambayad ng pamahalaan sa mga
magsasaka kapalit ng mga produkto. Kalimitang hindi napalitan ng
katumbas na halaga ang mga papel na ito sapagkat walang ponding
pambayad ang pamahalaan.
Mga Patakaran sa
Agrikultura
 Ipinakilala ng mga Espanyol sa mga Filipino ang mga bagong uri ng
halaman, hayop at industriya. Kabilang dito ang halamang cacao, sitaw,
kape, mais, mani, tubo, tabako, at trigo, gayundin ang pag – aalaga ng baka,
kabayo, pato, bibe, tupa, gansa at pabo.
 Natuto rin ang mga Filipino ng mgs bagong industriya tulad ng paggawa ng
tisa,sabon, alak,, pag – alalaga ng baka, paghahabi ng sombrero at paggawa
ng tina mula sa indigo.
 Nagpatupad din ng mga patakaran sa agrikultura ang mga Espanyol sa
Pilipinas. Halimbawa nito ay ang sumusunod:
 Pagbawi sa mga lupang pansakahan na hindi nagbunga ng sapat na ani;
 Pagtuturo ng makabagong paraan ng pagsasaka, pangingisda, pagmimina, at
mga gawaing metal; at
 Pagpapaalaga sa bawat pamilya nang hindi bababa sa 12 manok at isang
inahing baboy.
 Pinangangasiwaan din ng Spain ang kalakalang panlabas ng Pilipinas.
 Kilala rin ang naturang kalakalan bilang “Kalakalang Maynila –
Acapulco” dahil sa rutang tinahak ng mga galyon mula Maynila sa
Pilipinas at Acapulco sa Mexico at balikan. Katulad ng Pilipinas, ang
Mexico ay dating kolonya rin ng Spain.
 Limitadong pangkat ng tao lamang ang nakinabang sa kalakalang
galyon. Halimbawa ay ang mga Espanyol na kasapi ng konsulado, mga
Espanyol na naninirahan sa Maynila at ang gobernador-heneral.
 Ang tanging pakikilahok ng mga Filipino sa patakarang
ekonomikong ito ay ang paggawa ng mga galyon. Karaniwang
ipinadal ang mga polista sa Cavite, Mindoro, Marinduque o
Masbate kung saan ginawa ang mga galyon.
 Mahabang panahon at malaking salapi ang iginugol para sa
kalakalang galyon. Napabayaan ng pamahalaan ang
mahahalagang produktong pang-agrikultura gayun din ang iba
pang industriya sa bansa.
 Angkalalakihan ay ipinadala sa malalayong lugar upang
gumawa ng barko sang-ayon sa patakarang polo y servicio.
Marami sa kanila ay sapilitang pinagtanim ng niyog at
abaca na ilan sa mga pangunahing pinagkukunan ng
materyales sa pagbuo ng galyon.
Tuluyang ipinatigil ang kalakalang galyon noong 1815.

You might also like