You are on page 1of 35

Pagsulat ng

Pangulong Tudling
o Editoryal
A. Katuturan ng Pangulong
Tudling o Editoryal
1. Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng
isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng
kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
2. Isang pinag-aralang kuro-kuro batay sa isang tunay na
pangyayari.
3. Isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri o
tumutuligsa tungkol sa kahalagahan ng isang pangyayari.
4. Bagama’t ang pangulong tudling ay sinulat ng isang kasapi
lamang, ito’y paninindigan ng buong pamatnugutan at ng
pahayagan.
B. Katangian ng Pangulong
Tudling
1. May kapangyarihang humikayat
2. Kawili-wili at maliwanag ang paglalahad
3. Makatarungang pangangatwiran at pagpapasya
4. May kaiklian at hindi masalita
5. Iisang paksa lamang ang tinatalakay
6. Hindi nagmumura, nangangaral o nagsesermon
C. Layunin ng Pangulong
Tudling
1. Upang magpabatid, magpakahulugan at
pumuna
2. Upang magbigay-puri, magpaunawa,
manlibang, magturo o manuligsa
3. Upang magpahalaga sa isang tanging
araw, tao o lunan
D. Uri ng Pangulong
Tudling
1. Pangulong Tudling na Nagpapabatid (Editorial of Information)
- Ipinaalam ang isang pangyayari sa layuning mabigyan-diin ang
kahalagahang iyon o mabigyang linaw ang ilang kalituhang
bunga ng pangyayari. Ito’y naiiba sa pangulong tudling na
nagpapakahulugan, sapagkat hindi hayagang nagbibigay ng
pangwakas na pasya o kuro-kuro. Hindi ito tumutuligsa, hindi
nakikipagtalo. Ang tanging layunin ay mabigyan ng kabatiran.
Halimbawa:
 Ano ang nilalaman ng isang memorandum?
 Paano isinasagawa ang pagpaplano ng pamilya?
D. Uri ng Pangulong
Tudling
2. Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation)
- Nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng isang pangyayaring
napabalita o ng isang kasalukuyang ideya, kalagayan o katayuan. Dito
binibigyan ng katuturan ang mga isyu at ipinapakita ang mga taong
may kaugnayan sa pangyayari at ng kanilang layunin. Kung minsa’y,
ito ay nagbibigay ng mungkahi tungkol sa maaaring kahihinatnan.
Halimabawa:
 Ano ang kahulugan at ibubunga ng isang bagong memorandum
ng pinalabas ng punong-guro?
 Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpaplano ng pamilya?
D. Uri ng Pangulong
Tudling
3. Pangulong Tudling na Nakikipagtalo (Editoryal of
Argumentation)
- Bagamat nagbibigay rin ng impormasyon at interpretasyon ang
editoryal na ito, ang tanging layunin ay ang hikayatin ang
mambabasa upang pumanig sa kanyang ideya o paniniwala.
Halimbawa:
 Tama ang punong-guro sa pagpapalabas ng bagong
memorandum tungkol sa pagbabawal ng mahahabang buhok
sa mga lalaki.
 Dapat magplano ng pamilya.
D. Uri ng Pangulong
Tudling
4. Pangulong Tudling na Namumuna (Editorial of Criticism)
- Ito’y hawig sa pangulong tudling na nakikipagtalo. Subalit dito,
kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang
katangian ng isang isyu. Tinatalakay niya ang magkabilang
panig sa kabila ng katotohanang ipinagtatanggol niya ang isa
sa mga ito.
Halimbawa:
Ang Diborsyo: Makabubuti Ba o Makapipinsala?
Ang Aborsyon, Dapat Bang Bigyang Ligalisasyon?
D. Uri ng Pangulong
Tudling
5. Pangulong Tudling na Nanghihikayat
(Editorial of Persuasion)
- Ito’y nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo at
namumuna. Subalit ang binigyang-diin ay ang mabisang
panghihikayat.
Halimbawa:
Itaguyod ang Proyekto ng Punong-guro.
Panukalang Batas Laban sa Diborsyo, Suportahan.
D. Uri ng Pangulong
Tudling
6. Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay-puri
(Editorial of Appreciation, Commendation, or Tribute)
- Pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa;
nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang taong namayapa, na
may nagawang pambihirang kabutihan o sa isang bayani sa
araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.
Halimbawa
Mga Pumpon ng Mga Bulaklak Para sa Bagong Kampeon
Sergio Osmena Sr., Kapurihan ng Cebu
D. Uri ng Pangulong
Tudling
7. Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw
(Editorial of Special Occasion)
- Bagamat ang uring ito ay may kalakip ding pagpapakahulugan,
ito’y may ibinubukod bilang isang tanging uri. Dito ipinaliliwanag
ang kahalagahan ng mga tanging okasyon tulad ng Pasko, Araw
ng Kalayaan, Araw ng mga Bayani, Buwan ng Wika, Linggo ng
Pag-iiwas sa Sunog.
D. Uri ng Pangulong
Tudling
8. Pangulong Tudling na Panlibang (Editorial of Entertainment)
- Ang uring ito ay hindi karaniwang sinusulat, at bihirang
malathala sa mga pahinang pang-editoryal. Dahilan sa ang
layunin ay makalibang, ito’y sinusulat sa paraang di-pormal,
masaya, kung minsa’y sentimental at karaniwang maikli
lamang.
Halimbawa:
Bagong moda sa kasuotan
Mga lalaking nakahikaw
D. Uri ng Pangulong
9.Tudling
Pangulong Tudling na Nagsasaad ng Panagano (Mood Editorial)
- Pambihira ring isinusulat ito. Kalimitan ang pinapaksa ay kalikasan.
Nagpapahayag ito ng pilosopiya. Hindi nakikipagtalo; hindi
nagpapaliwanag.
Halimbawa:
Isang takipsilim, isang maya ang dumapo sa isang sanga. Ito’y humuni ng
isang napakalambing na sonata. Pagkatapos, ito’y tuluyan nang natulog.
Nagbigay ito ng inspirasyon sa isang mamahayag upang sumulat ng isang
editoryal kung saan paglalarawan ang kanyang ginamit na pamamaraan. Ito’y
winakasan niya ng isang paghahambing kung saan niya pinagtulad ang tao at
ang mga hayop na kapwa naghahangad ng katahimikan at mapayapang
pagtulog paglipas ng isang pagal na maghapon.
D. Uri ng Pangulong
Tudling
10. Pangulong Tudling na Bakasan (Pooled Editorial)
- ito’y sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t ibang paaralan
at kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang
pahayagan.
Halimbawa:
Pagtaas ng Matrikula, Huwag Pairalin
D. Uri ng Pangulong
Tudling
11. Pangulong Tudling na Batay sa Tahasang Sabi (Editorial Liner)
- Ang layner ay isang pangungusap o isang talatang tumatalakay
sa isang napapanahong pangyayari o balita at nasusulat sa
paraang masaya, mapanukso, o di-pormal, batay sa kung ano
ang hinihingi ng paksa. Ito’y nalalagay sa katapusan ng tudling
pang-editoryal. Kung minsa’y hindi ito sarili ng sumulat, kundi
pangungusap ng isang dakilang tao.
Halimbawa:
a. Isang mahalagang pangungusap ng Pangulo ng bansa
b.Pangungusap ng mga bayani na angkop sa isang kalagayan ng
bansa.
c. Siniping kawikaan ng angkop sa isang kalagayan.
d. Matalinghagang pangungusap na may kaugnayan sa isang
kalagayan o pangyayari.
e. Isang palasak na kasabihang may ipinahihiwatig na aral.
E. Paghahanda sa Pagsulat ng
Pangulong Tudling o Editoryal
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksang tatalakayin, isang
paksang kawili-wili sa mambabasa.
2. Magkaroon ng isang tiyak na layunin sa pagsulat ng
tatalakaying paksa. Ang layuning ito ay kailangang
makilala sa simula pa lamang.
3. Likumin ang mga talang mahalaga sa tatalakaying
paksa.
4. Suriin at unawain ang suliranin.
5. Isipin ang paraang gagamitin upang akitin ang
mambabasa.
F. Bahagi ng Pangulong
Tudling
Tatlong bahagi ng Pangulong Tudling:
1. Panimula (Introduction)
a. Balitang batayan (newspeg) o ipotesis (hypothesis)
b. Reaksyon sa balitang batayan o sa ipotesis.
Halimbawa:
1) Ang bagong patakaran ng punong-guro na
naguutos sa mga mag-aaral na nahuli sa klase na
mag-aaral muna ng leksyon sa silid-aklatan
habang sila ay naghihintay sa susunod na
asignatura ay isang matalinong pasiya.
F. Bahagi ng Pangulong
Tudling
2) Isang malaking karangalan para sa paaralan ng mga batang
mamamahayag ay muling nanalo sa paligsahan sa pagsulat.
Ang mga nasusulat sa bold face ay mga reaksyon. Ang nasa
tipong roman ay mga balitang batayan.
F. Bahagi ng Pangulong
Tudling
2. Katawan ng Editoryal (body)
Ito’y naglalahad ng mga tala, ideya o paninindigan laban sa sang-
ayon sa paksa.

3. Pangwakas o kongklusyon na maaaring isang pagpapatibay sa


kuro-kuro, mga tagubilin o mga mungkahi.
G. Mga Tuntuning Dapat Sundin sa
Pagsulat ng Pangulong
Tudling/Editoryal
1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula ng maikli lamang
upang akitin ang mambabasa.
2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
katibayan nang maayos at malinaw
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran.Sa
halip ay: 1) gugamit ng mga halimbawa at paglalarawan
upang pagtibayin ang simulan , 2) gumamit ng
paghahambing at pag-iiba-iba, 3)gumamit ng magkatulad na
kalagayan at 4) banggitin ang pinagmula ng mga inilalahad
na kalagayan.
G. Mga Tuntuning Dapat Sundin sa
Pagsulat ng Pangulong
Tudling/Editoryal
4. Tapusin nang naaangkop.
5.Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang mga
pinamula at ang pangwakas.
6. Gawing maikli lamang.
7.Huwag mangaral o magsermon (No preaching). Ilahad lamang
ang katwiran at hayaan ang mambabasang gumagawa ng sariling
pagpapasya.
8.Sundin ang lahat ng simulan na mabisang pagsulat: kaisahan
(unity), linaw (clarity), paglalaugnay-ugnay (coherence) at diin
(emphasis).
G. Mga Tuntuning Dapat Sundin sa
Pagsulat ng Pangulong
Tudling/Editoryal
9. Iwasan ang unang panauhan isahang panghalip. Gamitin ang
editoryal na “tayo” (editorial “we”).
10. Sulatin nang payak lamang.
H. Pagsulat ng Pangulong
Tudling
1. Mga Paraan ng Panimula:
a. Pagtatanong
- Ano ang nangyari tungkol sa pinalabas na palibot liham
(circular) ng DECS na nagbabawal sa pagtataas ng matrikula?
b. Payak na paglalahad ng paksa
- Nagbabalak na naman ang pamahalaan upang humiram ng
pera sa ibang bansa. Napapanahon na upang tayo’y
sumalungat sa binabalak ng Pangulo.
c. Pagsasalaysay ng isang pangyayari o isang insidenteng may
kaugnayan sa paksa
- Masigla at maayos ang mock election na idinaos ng kagawaran
ng araling panlipunan noong Okture 14 bilang paghahanda sa
darating ng pambansang halalan na gaganapin sa Enero 20.
c. Pagsipi
- At sinabi ng Panginoon kay cain “Saan naroroon si abel na
iyong kapatid?”
At sinagot niya,” Aywan ko; ako ba’y tagapagbantay sa
aking
kapatid
e. 1) Kapansing-pangsing panimula
- Ganitong araw rin, labing-walong taon na ang nakakaraan
nang ang mga sibilyan-bata,matanda,babae,lalaki,madre at
pari ay nagsama-sama sa EDSA at sa pamamagitan ng pag-
aalay ng mga bulaklak at ng pagrosaryo ay naibagsak nila ang
isang mapanghimagsik na Pangulo.
2) Paglalahad ng mga kuru-kuro laban o sang-ayon sa paksa.
3) Paglalahad ng mungkahi o tagubilin tungkol sa paksang
binigyan ng kuru-kuro.
-Ang pangatlo at pinakamabisang panlunas ay ang isang
siyentipikong kaalaman at paraan sa pagpaplano ng laki ng
pamilya.
-Sang-ayon kami kay DILG Secretary Joey Lina na dapat
magtulong-tulong ang lahat sa pagsugpo ng krimen.
I. Mga katanungang Pansubok sa
kahusayan ng Pangulong Tudling
editoryal
1. Angkop ba sa anyo at istilo sa nilalaman at sa layunin?
2. Naisakatuparan ba ang layunin?
3. Pinag-isip ba ang mambabasa
4. Malinaw ba, tiyak at payak ang pagkakasulat?
5. Kapapansinan ba ng sapat na kaalaman, at malinaw at
makatwirang pag-iisip
6. Ito ba’y matapat?
7. Maiikli ba ang paksa mambabasa?
8. Mahalaga ba ang paksa sa mambabasa?
9. Ang balitang panimula ba ay makatotohanan at di
artipisyal
10. Nailalahad ba ang paksa sa paraang hindi nanga-
ngaral?
ANG KURO-KURONG
TUDLING
Isang(The Editorial
palagiang Column)
babasahin sa pahina ng
pangulong tudling ay ang kuru-kurong tudling o
ang tudling pang-editoryal. Sa ibang seksyon ng
pahayagan ay mababasa ang tudling pampalaruan
o palakasan (sports column), tudling para sa
kapilitang-pahayagan (exchange column), tudling
panglathalin (features column) at tudling
pampanitikan (literary column).
Katuturan ng
Tudling/Kolum
Ang tudling o pitak ay isang palagiang
lathalain sa pahayagan na nagtataglay
ng palagiang pamagat (kagaya ng Point of
Order ni Joe Guevarra) at kadalasang
hindi nagbabago ng lugar sa pahina sa
bawat isyu.
Katuturan ng Kuru-kurong
Tudling (Editorial Column)
Ang kuru-kurong tudling ay isang pitak na
naglalaman ng kuru-kuro; ideya, opinyon o
paninindigan ng manunudling (columnist) sa isang
paraang kawili-wili tungkol sa iba’t ibang paksa.
Sariling opinyon ito ng manunudling, di tulad ng
pangulong tudling na opinyon o paninindigan ng
buong patnugutan.
Katangian ng Kuru-kurong
Tudling
1. Napapanahon (timely)
2. Tulad ng pangulong tudling, ito’y may balitang batayan (News
Peg)
3. Nasusulat ayon sa istilo ng pagsulat ng manunudling.
4. Karaniwang nanunuligsa; paminsan-minsan nagpapatawa,
nagpapabatid, nagtuturo, nagpapaala-ala at nanlilibang.
5. Maaaring ito’y isang buong salaysay na may isang paksa
lamang. Maaari ring binubuo ng iba’t ibang paksa sa walang
kaugnayan sa isa’t isa.
6. Maaaring patula o pasalaysay.
Katangian ng Isang
Manunudling
1. Malawakang kaalaman at interes sa buhay.
2. May sariling istilo at pagkapamanlikha (style and originality)
3. Mahusay sa displomasya.
4. May kakayahang sumulat sa pamamaraang lathalain
(feature)
5. May malakas na pang-unawa sa kahalagahan ng balita.
6. May dalubhasang kaalaman sa pinapaksa ng tudling.
7. Makatarungang pagpapasya o paghahatold.
Halimbawa:
Palagiang Pamagat – Tingnan Natin
Pamagat ng Tudling – “Pumpon ng mga Bulaklak”
Manunudling (kolumnista) – Ka Uro (Arturo S. Kabuhat)
Pahayagan – The Toreh
Tama o
Mali
1. Hindi lubhang kailangan ang ganap na kawastuhan
(accuracy) sa pagsulat ng pangulong tudling di gaya sa
pagsulat ng balita.
2. Maaari ring hindi pormal na konklusyon ang huling bahagi
ng pangulong tudling.
3. Upang maging mabisa ang pangulong tudling, ito ay dapat
mangaral o magsermon.
4. Hayaang bumuo ng sariling konklusyon ang isang
mambabasa kaysa idikta sa kanya ang dapat niyang
panigan.
5. Kailangang maging magaling na reporter muna bago maging
isang dalubhasang manunudling.

You might also like