You are on page 1of 14

Demand

Kahulugan ng Demand
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyong gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa
isang takdang presyo at particular na panahon.

Ang kakayahan at kagustuhan ng tao na makamit at bilhin ang isang produkto o serbisyo ang
nagtatakda ng kaniyang demand.

Malaki ang kinalaman ng presyo sa pagtatakda ng demand ng mga mamimili.


Presyo
Ang presyo ay ang halagang dapat ibayad para sa yunit ng output.
Demand Function
Ang dami ng demand(quantity demanded) ay ipinakikita bilang “mathematical function”
ng presyo.

Ang demand function ay maisusulat sa ekwasyong ito:

Qd=dami ng demand

a= dami ng demand kung ang presyo ay zero o horizontal intercept

-b=slope ng demand function

P= Presyo (independent variable)


Halimbawa
Kung ang ekwasyon ng demand ng notebook ay :

Qd=100-10P, paano ba ito i-interpret? Kung ang presyo ay zero o libe, ang dami ng demand ng
notebook ay 100. Ito ang pinakamataas na dami ng demand.

Qd=100-10(1)

Qd= 100-10

Qd=90
MGA VARIABLE NA HINDI PRESYO
NA NAKAIIMPLUWENSYA SA
DEMAND
Populasyon o Bilang ng mga Mamimili
Kapag dumami ang populasyon,
ito ay nangangahulugang mas
marami ang konsyumer kaysa sa
produkto o serbisyo kahit na ang
presyo ay nananatili. Gayundin,
kapag nababawasan ang
populasyon, bumababa ang
demand kahit nananatili ang
presyo.
Kinikita
Ang mataas na antas na kinikita ay
nagpapahiwatig ng mas malaking kapasidad
upang makabili ng mas maraming produkto o
serbisyo kahit na ang presyo ay nananatili.
Kapag bumaba naman ang kinikita, bumababa
rin ang demand. Ang tawag sa produkto o
serbisyo na dumarami ang demand kapag
tumataas ang kita at bumababa kung lumiit
ang kita ay normal goods.
Panlasa
Ang desisyon ng konsyumer upang
bumili ng kalakal o paglilingkod ay
dumidepende sa kaniyang panlasa.
Kung nauuso ang produkto o
serbisyo, tumataas ang demand
nito kahit nananatili ang presyo.
•Buuin ang iskedyul at kurba ng demand batay sa function na:
Qd=100-4P
Punto Presyo Qd
A 1._____________________ 0
B 23 2._____________________
C 3. ____________________ 20
D 15 4. ____________________
E 12 5. ____________________
F 6. ____________________ 68
G 7. ____________________ 80
Qd=100-4P
0=100-4P
4P=100
P=100/4 = 25
Qd=100-4P
Qd=100-4(23)
Qd=100- 92
Qd=8
A.Buuin ang iskedyul at kurba ng demand
batay sa function na:
Qd=100-4P
Punto Presyo Qd
A 1. 25 0
B 23 2. 8
C 3. 20 20
D 15 4. 40
E 12 5. 52
F 6. 8 68
G 7. 5 80
25 A
B
Presyo
20 C
15 D
10
5

0 5 10 15 20 25 30 35 40
Qd

You might also like