You are on page 1of 17

NOBE

LA
NOBELA
• Ang isang nobela ay nagtataglay ng maraming
ligaw na tagpo. Ito ay may mahabang kawing
ng panahon at ginagalawan ng maraming mga
tauhan. Kakikitaan din ito ng mga tunggalian o
labanan sa pagitan ng magkakasalungat na
puwersa gaya ng sumusunod:
Tao vs. kalikasan- Ang tunggaliang ito ay sa
pagitan ng tao laban sa mga elemento at
puwersa ng kalikasan.

Halimbawa: ulan, init, bagyo, lamig, lindol,


pagsabog ng bulkan, at iba pa.
Tao vs tao- Dito naman ang tao ay laban sa kapwa tao, ang
kanyang problema o kasawian ay dulot ng kanyang kapwa. Ito
ay labanan ng bida at kontrabida o mabuting tao sa masamang
tao.

Halimbawa: suntukan, sinabunutan ng kaaway, pinaputukan ng


baril
Tao vs. sarili- Ito ay uri ng tunggalian ng tao laban sa
kanyang sarili. Masasalamin dito ang dalawang
magkasalungat na hangad o pananaw ni iisang tao.

Halimbawa: pinoproblema kung ano ang pipiliin, ang tama


o mali, ang masama o mabuti, kawalan ng tiwala sa sarili,
at inggit.
Tao vs. lipunan- Umiiral ang panlanbas na
tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan o mga
tauhan sa mga pamantayang itinakda ng
lipunan.

Halimbawa: mapaniil na kultura at ideolohiya, kahirapan, kurapsyon


ELEMENTO NG NOBELA

Tauhan- Ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.

Tagpuan- Ang lugar at panahon ng mga pinangyarihan.

Banghay- Ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa nobela.


Tema- Ang paksang-diwang binibigyang diin sa nobela.
Damdamin- Ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
Simbolismo- Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa
tao, bagay at pangyayari.
Upang higit na maunawaan ang tinalakay na mga paksa.
Punan lamang ang speech bubble ng iyong sagot.

Ano ang nobela?


Ibigay ang apat na
tungalian.
Ano ang kahalagahan ng tauhan sa nobela?
______________ang nagpapagalaw at
nagbibigay buhay sa nobela.
__________________ay pagkakasunud-sunod
ng pangyayari sa nobela.
__________________ay lugar at panahon ng
mga pinangyarihan
Magbigay ka naman ng sitwasyong
nagpapakita ng tunggaliang tao vs kalikasan.
Ano-ano ang kahalagahan ng tunggalian sa
nobela?

You might also like