You are on page 1of 12

MGA P A H A Y A G S A

P A G B IBI GA Y N G M G A
PATUNAY
•MAY MGA SALITA O PAHAYAG NA GINAGAMIT SA
PAGPAPATUNAY UPANG MAGING KAPANI-
PANIWALA AT KATANGGAP-TANGGAP ANG
IMPORMASYONG INILALAHAD MO.
•ITO AY MAARING DUGTUNGAN O DAGDAGAN NG MGA DATOS
O PISIKAL NA EBIDENSIYA TULAD NG LARAWAN, BABASAHIN,
VIDEO, PANAYAM, MGA DOKUMENTO AT MARAMI PANG IBA
NA LALONG MAGPAPATIBAY SA KATOTOHANAN O
IMPORMASYONG IYONG PINATUTUNAYAN.
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY

1. MAY DOKUMENTARYONG EBIDENSIYA


2. KAPANI-PANIWALA
3. TAGLAY ANG MATIBAY NA KONGKLUSYON
4. NAGPAPAHIWATIG
5. NAGPAPAKITA
6. NAGPAPATUNAY/KATUNAYAN/PATUNAY
7. PINATUTUNAYAN NG MGA DETALYE
MAY DOKUMENTARYONG EBIDENSIYA

•ITOAY MGA PATUNAY NA MAAARING NAKASULAT,


LARAWAN O VIDEO.
HALIMBAWA: PINATUNAYAN NG “I-WITNESS” NA SADYANG
MARAMING KABATAAN ANG NAGSUSUMIKAP SA BUHAY
MAKATAPOS LAMANG NG PAG-AARAL.
KAPANI-PANIWALA

•SA PAGGAMIT NG SALITANG ITO, IPINAPAKITA NA ANG


EBIDENSIYA, PATUNAY O DATOS AY MAKATOTOHANAN AT
MAARING MAKAPAGPAGTUNAY.
HALIMBAWA: AYON SA MGA NAKALAP NA LARAWAN, KAPANI-
PANIWALA NGA ANG MATINDING PROBLEMA NG MINDANAO NA
MAKAAPEKTO SA EKONOMIYA NITO.
TAGLAY ANG MATIBAY NA KONGKLUSYON

•ANG TAWAG SA KATUNAYANG PINALALAKAS NG


EBIDENSIYA, PRUWEBA, O IMPORMASYONG TOTOO.
HALIMBAWA: TAGLAY ANG MATIBAY NA KONGKLUSYON,
HINATULAN NG KORTE SUPREMA ANG MGA SENADOR HINGGIL SA
PORK BARREL SCAM.
NAGPAPAHIWATIG
•ITO ANG TAWAG SA PAHAYAG NA HINDI DIREKTANG
MAKIKITA, MARIRINIG O MAHIHIPO ANG EBIDENSIYA
NGUNIT SA PAMAMAGITAN NITO AY MASASALAMIN ANG
KATOTOHANAN.
HALIMBAWA: ANG PAGTULONG NG DIHS SA MGA NASALANTA NG
BAGYO AY NAGPAPAHIWATIG NG PAGIGING MABUTI NITO.
NAGPAPAKITA
•SALITANG NAGSASABI NA NAG KILOS O PANGYAYARI (NA NAKITA O
NASAKSIHAN) AY PATUNAY SA ISANG KATOTOHANAN.
HALIMBAWA: ANG TULONG MULA SA IBA’T IBANG BANSA NA
UMABOT SA MAHIGIT 14 BILYONG PISO ANG NAGPAPAKITA SA LIKA
NA KABUTING-LOOB NG TAO ANUMAN ANG KULAY NG BALAT AT LAHI.
NAGPAPATUNAY/KATUNAYAN/
PATUNAY
•ANG SALITANG NAGSASABI O NAGSASAAD NG PANANALIG O
PANINIWALA SA IPINAHAHAYAG.
HALIMBAWA: ANG PILIPINAS AY NAKAPALOOB SA TINATAWAG NA PACIFIC
TYPHOON BELT NA NANGANGAHULUGANG DINARAANAN ITO TAON-TATON NA
MARAMING BAGYO. KATUNAYAN, SA BAWAT TAON AY MAY 8 HANGGANG 9 NA
BAGYO ANG PUMAPASOK SA ATING PAR O PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY.
PINATUTUNAYAN NG MGA DETALYE
•MAKIKITA MULA SA MGA DETALYE ANG PATUNAY NG ISANG
PAHAYAG. MAHALAGANG MASURI ANG MGA DETALYE PARA
MAKITA ANG KATOTOHANAN SA PAHAYAG.
HALIMBAWA: PINATUTUNAYAN LAMANG NG MGA NABANGGIT NA DETALYE
NA ANG DIHS AY ISANG TUNAY NA MABUTING PAARALAN.
•MAKATUTULONG ANG MGA PAHAYAG NA ITO UPANG
TAYO AY MAKAPAGPATUNAY AT ANG ATING
PALIWANAG AT EBIDENSIYA AY MAGING KATANGGAP-
TANGGAP AT KAPANI-PANIWALA SA MGA
TAGAPAKINIG MAGING SA MGA NAKAKAKITA.

You might also like