You are on page 1of 5

Ikalawang Markahan

sa Filipino
Patria Amanda{1916}
Dula mula sa Cebu
Saan nagmula ang salitang Dula?

Ano ang Dula?


 Ang salitang Dula ay nagmula sa salitang Cebuano na ang
kahulugan ay libangan na katumbas naman sa tagalog ay dula
rin.

 Ang Dula ay isang uri ng panitikan. Ito ay nahahango sa


salitang Griyego na “Drama” na nangunguhulugang gawin o
kilos. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa tanghalan o
entablado. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang
bahagi ng buhay ng tao.
Mga Elemento ng Dula
 Iskript o nakasulat na dula – Ito ang pinakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naayon sa isang iskript.

 Gumaganap o Aktor – Ang mga aktor ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa dula; sila ang
nagpapahayag ng mga dialogo at sila rin ang binibigyang pokus ng mga manonood.

 Tanghalan – Anumang pook na pinagpasiyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag


na tanghalan. Maaring ang tanghalan ay sa plasa, bakuran ng isang bahay, kalye, sa loob ng
klasrum , tanghalang pagtanghalang at iba pa.

 Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskript, siya ang
nagsasagawa ng nilalaman ng iskript mula sa pagpasiya sa hitsura ng tagpuan, kasuotan ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbitiw ng dialogo ng mga tauhan ay
nakabatay sa interpretasyon ng direktor sa iskript.

 Manonood - Ang saksi sa isang pagtatanghal. Hindi na maiituturing ang isang pagtatanghal
kung walang manonood sapagkat layunin ng dula na maitanghal ito sa mga manonood.
Alam mo ba na…

Ang sumulat ng dulang “Patria Amanda” ay si Amando


Osorio na mula sa katutubong bayan ng Dumagete City.
Ipinanganak noong ika-6 Pebrero 1890, at anak nina
Ricardo Osorio at Filomena Navarrete.

Ang dulang “Patria Amanda” ay inaalay ng may akda sa


kaniyang magulang. Itinanghal ito noong ika-9 ng Pebrero,
1916 sa unang Carnival Fair sa Dumageta na idinerehe
mismo ni G. Osorio.

You might also like