You are on page 1of 20

Pagbuo ng Konseptong Papel

Mga Kahingian ng Pamanahong Papel para sa


Filipino 2
1. Pinal na Papel
I. Konseptong Papel
II.Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral
III.Panunuri ng Datos
IV. Konklusyon at Rekomendasyon
V. Listahan ng Sanggunian
VI. Apendiks
A.Transkrip ng Panayam
B.Halimbawang Talatanungan

2. Borador ng Kabanata 1, 2 at 3 
3. Evaluation Sheet
4.Peer Evaluation (Indibidwal)
5. Repleksyon (Indibidwal)
Ano ang konseptong papel?
• Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng
ideyang nabuo mula sa isang framework ng
paksang tatalakayin. Ito ang framework o
pinaka-estruktura at pina-ubod ng isang ideya
na tumatalakay sa ibig patunayan, linawin o
tukuyin.
Mga Bahagi ng Konseptong Papel
Limitadong Paksa/ Pamagat
A. Rasyunal
B. Layunin
C. Metodo
D. Haypotesis
E. Tentatibong Balangkas
F. Tentatibong Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral
A. Rasyunal (Kahulugan at Katangian)
• Isang sanaysay na tatalakay sa:
a. Inspirasyon sa pagpili sa paksa na maaaring batay
sa sariling karanasan, pagiging napapanahon, mga
obserbasyon, estatistika, mga nabasang
impormasyon, mga balita o mga kuwento
b. Saklaw at limitasyon ng pag-aaral
c. Mga makikinabang na grupo ng tao, propesyon,
institusyon at ahensya ng gobyerno
• Nilalagyan ng talang parentetikal sa anyong APA
• Isang pangunahing ideya sa bawat talata
A. Rasyunal (Kahulugan at Katangian)

• Sanaysay na NANGANGATWIRAN kung bakit


dapat pag-aralan ang paksa ng pananaliksik
• Naglalaman ng ebidensya ukol sa halaga ng
pananaliksik
• Nagpapakilala sa pagiging tiyak at tuwiran ng
pag-aaral
A.Rasyunal (Halimbawang Proseso)
1.Tukuyin ang:
Limitadong Paksa:
Kasalukuyang Pananaw ng mga Estudyante at Propesor ng UST EE at ECE ukol
sa Paggamit ng Solar Panels ng Pilipinas bilang Alternatibong Hanguan ng
Kuryente

2. Pagmunihan ang:
Saklaw: Konsepto, uri, gamit ng solar panels, alternatibong hanguan ng
kuryente

Limitasyon: kaalaman, pagtingin at pananaw batay sa propesyon, larangan,


edad at lugar

3. Batay sa saklaw at limitasyon, gumagawa ng balangkas ng sanaysay.


A.Rasyunal (Halimbawang Balangkas)
I. Saklaw ng Pag-aaral (Deduktibo)
A.Isyu at konsepto Aternatibong hanguan ng kuryente (A# 13)
B.Kahulugan ng solar panels (A# 11-12)
C. Isyu ng paggamit ng solar panels sa bansa (A#16-17)
II. Mga Dahilan/Inspirasyon sa Pagpili ng Paksa
(Komprehensibo)
A.Ekonomikal- Mas matipid ang solar panels (A #1-3)
B.Pangkapaligiran- Makakalikasan ang solar panels (A #4-5)
C.Ekonomikal-Kapos ang suplay ng kuryente sa bansa (A #6-
10)
A.Rasyunal (Halimbawang Balangkas)
III. Mga Limitasyon ng Pag-aaral
Mga Dahilan ng Pagpili sa mga Katangian ng mga
Kalahok

IV. Kahalagahan ng Pag-aaral:


Mahalaga dahil makikinabang ang mga sumusunod:
a. Propesyon- EE, CE
b. Institusyon-Mga LGU, Tahanan, Korporasyon
c. Ahensya ng Gobyerno- DENR, DoE
d. Iba pa-mahihirap na komunidad
B. LAYUNIN (Kahulugan at Katangian)
Pakay o gustong matamo sa pananaliksik ng napiling paksa
Dalawang Uri:
1. Pangkalahatang Layunin: ipinapahayag ang kabuuang layon,
gustong gawin, mangyari o matamo sa pananaliksik. Kalimitan
tuwiran itong kaugnay ng pamagat/paksa ng pag-aaral.
 
2.Tiyak ipinahahayag ang mga ispesipikong pakay sa
pananaliksik sa pamamagitan ng mas tiyak na mga pahayag at
tanong. Ito ang nagbabalangkas sa daloy ng paglalahad.
KAPAG NASAGOT NA ANG LAHAT NG TIYAK NA LAYUNIN ,
NASAGOT NA RIN ANG PAKAY NG PAG-AARAL.
B.Layunin ng Pag-aaral (HALIMBAWA)

Pangkalahatan:
Masuri ang kasalukuyang pananaw ng mga
estudyante ng Inhenyeriya sa paggamit ng solar
panels bilang alternatibong hanguan ng
enerhiya.

Upang matugunan ang pangkalahatang layunin,


sasagutin ng pag-aaral ang mga sumusunod:
Mga Tiyak na Layunin: (unang bahagi)
1. Ano-ano ang mga uri at gamit ng solar panels
bilang isang alternatibong hanguan ng enerhiya?
2. Gaano kalawak ang kaalaman ng mga
estudyante sa konsepto ng solar panels bilang
hanguan ng enerhiya ayon sa:
a. Katangian at uri
b. Mga gamit
c. Mga kalakasan
d. Mga kahinaan
e. Mga napapanahong isyu
A. Mga Tiyak na Layunin: (ikalawang bahagi)
4. Alin sa mga sumusunod na salik ang higit na
nakaimpluwensya sa kaalaman ng mga estudyante sa
konsepto ng solar panels?
a. Larangan
b. Edad
c. Kurso
d. Propesyon
5. Batay sa tugon sa ikaapat na tanong, gaano kalawak
at kalalim ang pananaw ng mga kalahok sa paksa?
6. Paano higit na mapapaunlad ang kamalayan sa
paksa ng mga nasabing kalahok?
C. Metodo (KAHULUGAN)
Mga Pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng datos
at pagsusuri sa piniling paksa, depende sa larangan
1.Pangangalap ng Datos:
Pagbabasa ng aklat, akademikong artikulo at iba
pang kaugnay na pag-aaral
Pagsasagawa ng sarbey, case study, obserbasyon,
eksperimentasyon
2.Panunuri sa Datos:
Estatiskal na analisis, panunuring tekstuwal,
deskriptibong panunuri
C. Metodo (HALIMBAWA)
A. Paraan ng Pangangalap ng Datos
1.Nakuha ang datos sa pamamagitan ng
pagbabasa ng iba’t ibang tekstuwal na hanguan
gaya ng mga libro, balita, journal na limbag at
elektroniko ukol sa solar panels bilang
alternatibong hanguan ng enerhiya
2. Nagsagawa ng sarbey sa 80 estudyante at 20
propesor ng UST EE sa ikalimang taon gamit ang
talatanungang nilikha ng mga mananaliksik ayon
sa mga layunin ng pag-aaral.
C.Metodo (HALIMBAWA)
B. Panunuri ng Datos
1.Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng
paghahanay ng mga ito ayon sa grapikal na
pamamaraan gaya ng tsart at grap.
2. Ginamit ang tekstuwal at deskriptibong
panunuri sa resulta ng sarbey sa pamamagitan ng
paglalapat ng mga ideya ng mga naunang
akademikong pag-aaral at ayon sa panayam ng
isang eksperto sa paksa.
D. Haypotesis (Kahulugan)
• Pahayag ng paunang palagay ukol sa ugnayan
ng mga salik at konsepto ng paksa ng
pananaliksik.
• Sinasagot kung ano ang nais patunayan ng
pag-aaral.
• Maaaring mapatunayan o hindi, depende sa
nakalap na datos.
D. Haypotesis: (HALIMBAWA)
Ang kaalaman, pagtingin at pananaw ukol sa
kaangkupan ng teknolohiya ng solar panels
bilang alternatibong hanguan ng enerhiya sa
bansa ay maaaring makaapektuhan ng
propesyon, larangan, edad at lugar ng mga
tatangkilik nito.
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
(KAHULUGAN)

INPUT PROSESO OUTPUT


Input: Pangangalap ng datos na kinategorya batay
sa saklaw at limitasyon ng pag-aaral

Proseso: Pagsusuri at pagbibigay intepretasyon sa


input batay sa sekundarya at primaryang
hanguan.

Output: Inaasahang resulta ng pag-aaral na


makapag-aambag sa pagpapayaman sa paksa
E. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS (HALIMBAWA)
• Input:
Talatanungan na tumataya sa kaalaman ng mga
estudyante ng EE ukol sa konsepto, uri, gamit at halaga ng
solar panels bilang alternatibong hanguan ng kuryente
• Proseso:
Pagsusuri at pagbibigay intepretasyon sa tugon ng mga
estudyante ng EE sa ikalimang taon ukol sa talatanungan
batay sa kaugnay na literatura at panayam ng eksperto.
• Output:
Rekomendasyon ukol sa pagpapalalim ng kaalaman at
kamalayan sa konsepto ng solar panels para sa mga mag-
aaral sa una hanggang ikaapat na taon ng UST EE.

You might also like