You are on page 1of 20

Ang Mata

Si Mita ay may
maamong mata. Siya ay
maganda. Ang mga mata
ni Mita ay kamukha ng sa
ama.
1. Sino ang may magandang mata?

2. Paano mo ilalarawan ang mga


mata ni Mita?
3. Kaninong mata ang kamukha ng
mata ni Mita?
Ang Susi
May mga susi sa mesa.
Ang mga susi sa mesa ay
kay Ana. Kay Ana ang
mga susi. Ito ay mga susi
sa bahay ni Ato.
1. Sino ang may susi?

2. Nasaan ang mga susi?

3. Para kaninong bahay ang mga


susi?
Ang Tasa
May tasa sa mesa.
Ang tasa sa mesa ay isa.
Isa ang tasa sa mesa.
Ang tasa ay kay Sisa.
1. Sino ang may tasa?

2. Nasaan ang tasa?

3. Ilan ang tasa sa mesa?


Ang Matabang Tuta
Nakakita ng matabang tuta si Sisa.
May laso ito sa leeg. Hinahabol nito
ang tutubing lumilipad. May
tumatahol na aso. Lumapit dito ang
tuta. Ang aso ay si Ato. Ang tuta ay
anak ni Ato. Ang aso ay kay Ana.
1. Ano ang nakita ni Sisa?
2. Ano ang nasa leeg ng tuta?
3. Ano ang hinahabol ng tuta?
4. Sino ang tumatahol?
5. Ano ng aso ang tuta?
6. Kanino ang aso?
Ang mga Lata
Ang mga lata ay
may tali. Pula ang
tali ng mga lata. Ang
mga lata ay kay Lala.
1. Ano ang may tali?
2. Ano ang kulay ng tali?
3. Kanino ang lata?
4. Bakit kaya may lata si Lala?
5. Ano kaya ang gagawin ni Lala sa
lata?
Ang Goma
Si Gardo ay may lata.
May tali ang lata. Goma
ang tali ng lata. Matibay
ang goma na tinali sa lata.
1. Sino ang may lata?
2. Ano ang tali?
3. Ano ang nakatali sa lata?
4. Bakit goma ang tinali sa lata?
5. Bakit kaya may tali ang lata?
Ang mga Lobo
May mga lobo na nakatali
sa silya. Makulay ang mga
lobo. Lima ang mga lobo.
Ito ay para kay Lito.
Kaarawan niya ngayon.
1. Sino ang may lobo?
2. Ano ang mga nakatali sa silya?

3. Ilan ang lobo?


4. Para kanino ang mga lobo?
5. Bakit kay Lito ang mga lobo?
Ang Kama
Si Maria ay may kama. Ang
kama ni Maria ay malaki. May
sapin na kulay lila ang kama.
Ang sapin ng kama ay
malambot. Masarap dito
matulog.
1. Sino ang may kama?
2. Ano hitsura ng kama?
3. Ano ang kulay ng sapin nito?
4. Bakit may sapin ang kama?
5. Ano ang masasabi mo sa sapin ng
kama?
Ang Pako
May mga pako sa paso.
Lima ang mga pako sa
paso. Matulis ang mga
pako. Ito ay pampako sa
silyang sira.
1. Ano ang nasa paso?
2. Ilan ang mga pako?
3. Ano ang hitsura ng mga pako?

4. Para saan ang mga pako?


Ang Apa
Si Mang Pilo ay isang sorbetero.
Araw-araw siya sa kalye Pajo. Marami
siyang suki rito. Isa sa mga suki niya si
Pia. Kapag narinig na niya ang tunog
ng “klang,klang,klang” ay “Mang Pilo,
isa po! Ang sa akin ay ilagay sa
matamis na apa.”
1. Sino ang sorbetero?
2. Saan nagtitinda si Mang Pilo?
3. Sino ang kanyang suki?
4. Anong tunog ang naririnig ni Pia
kapag parating na si Mang Pilo?

5. Saan nilalagay ang sorbetes?

You might also like