You are on page 1of 18

Ang Dila

Ang dila ay bahagi ng ating bibig.


Ginagamit ang dila upang malasahan
ang kinakain natin. Kailangang
pangalagaan ang dila. Kapag tayo ay
nagsisipilyo ng ngipin dahan-dahan
itong sepilyuhin.
1. Ano ang isa sa bahagi ng ating
bibig?
2. Saan natin ginagamit ang dila ?

3. Paano pangangalagaan ang dila?


Ang Regalo
Kaarawan ni Rica.May regalo
sa kama niya. Kulay pula ang
laso ng regalo. Bigay ito ni
Rosa. Ito ay bago at usong
radio. Mahilig making ng rdayo
si Rica.
1. Sino ang may kaarawan?
2. Ano ang kulay ng laso?
3. Kanino galing ang regalo?
4. Ano ang regalo ni Lola Rosa kay
Rica?
5. Bakit radio ang ibinigay na
regalo ni Lolo Rosa kay Rica?
Ang Pera ni Maria
Ang pera ni Maria ay marami. Ito ay
mga barya. May piso, sampu, bente
sinko at limang piso. Ang pera ni
Maria ay nasa alkansya. Nag-iipon
siya ng maraming pera. Bibili siya ng
bagong sapatos at damit para sa
pasukan.
1. Sino ang may pera?

2. Ano ang tawag sa mga pera ni


Maria?

3. Saan nakalagay ang mga pera ni


Maria?
4. Ano ang klase ng barya sa
alkansya ni Maria?

5. Saan mo itatago ang naipon


mong pera?
Ang Lumang Gitara
Si Gino ay may gitara. Ito ay gitara pa
ng tatay niya. Luma na ang gitara.
Matibay ang kwerdas ng gitara ni
Gino. Gitarista siya ng pamilya. Maliit
pa siyang bata tinuruan na siyang
maggitara. Mukhang bago ang gitara
dahil alagang-alaga ito ni Gino.
1. Sino ang may gitara?
2. Kanino nanggaling ang gitara?

3. Paano mo ilalarawan ang gitara?


4. Ano ang papel ni Gino sa pamilya
nila?

5. Paano binigyang halaga ni Gino


ang lumang gitara?
Ang Pista ng Bayan
Pista sa aming bayan. Puno ng rosas
ang altar ng simbahan. Lahat ay
masaya. May mga banderitas na
nakabitin sa mahabang tali.
Maraming perya. May mga tindang
bola, espada, gora, robot, torotot, relo
at iba pa. May ati-atihan at musika.
1. Ano ang pinagsasaya ng bayan?

2. Ano ang nakabitin sa mahabang


tali?
3. Ano ang nasa altar ng simbahan?
4. Ano ang mga tindang laruan sa
perya?

5. Ano ang makikita sa parada na


nagpapasaya?
Ang Yoyo
May yoyo si Yoyong. Ito ay kulay itim
at bilog. Ang yoyo ay may tali o pisi.
Iniikot ang pisi sa yoyo. Kapag puno
na ang yoyo ng pisi ay ipinupukol na
ito ni Yoyong papunta sa ibaba. Ito ay
kusang tataas. Paulit-ulit ang larong
papunta sa ibaba ng yoyo.
1. Kanino ang yoyo?
2. Ano ang kulay at hugis ng yoyo?

3. Ano ang nakaikot sa yoyo?


4. Paano nilalaro ang yoyo?
5. Ikaw ba ay marunong maglaro ng
yoyo?
Ang Puno ng Papaya
May puno ng papaya sa aming
bakuran. Ito ay itinanim ni Ama. Pito
ang bunga ng papaya. Malalaki ang
papaya. Mabuto ang aming papaya.
Pumitas si Ina ng isa. Ilalagay sa
ilulutong tinola. Kumain tayo ng
papaya. Ang papaya ay sagana sa mga
bitamina.
1. Saan makikita ang puno ng
papaya?
2. Sino ang nagtanim ng papaya?

3. Ilan ang bunga ng papaya?


4. Ilan ang papaya na pinitas ng
Ina?
5. Bakit kailangang kumain ng
papaya?

You might also like