You are on page 1of 65

5th Grade

Araling Panlipunan 5
Day 1
Marso 06, 2023
Pambungad na Panalangin
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at Espiritu Santo.
Amen. Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang
kami ay matuto. Gawaran Mo kami ng isang bukas
na isip at lakas ng loob upang maunawaan namin
ang mga aralin na makatutulong sa amin upang
malinang ang aming pagkamalikhain at karisma
para sa nakararami. Amen.
Layunin:
 Naipapaliwanag ko ang ibig sabihin ng Real audiencia,
residencia at visitador
 Napapahalagahan ko ang importansiya ng
pagkakatatag ng pamahalaang local sa bansa.
 Nakakabuo ako ng konklusyon ng mga gampanin ng
Real Audiencia, Residencia at Visitador.
Mga Dapat Tandan Bago
Magsimula Ang Klase

Makinig sa guro habang nagsasalita


Maupo ng
maayos
Iwasang makipag-usap sa katabi
Kapag may gustong sabihin o itanong itaas ang
kamay
5th Grade

Araling Panlipunan 5
Day 1
Marso 06, 2023
Balikan natin

Polo Y Servicio Sistemang


Encomienda
5TH GRADE

Kalakalang Galyon
at
Ang Patakarang pangkabuhayan
ni Jose Basco Vargas
5TH GRADE

Kalakalang Galyon
at
Ang Patakarang pangkabuhayan
ni Jose Basco Vargas
Kalakalang
Galyon Ang kalakalang galyon o sa ingles
ay tinatawag na galleon trade ay
klase ng kalakalan na nagmula sa
bansang Mehiko na nakilala sa
Pilipinas sa kasaysayan na kung
saan ang pakikipagpalitan ng
produkto ay isnisagawa sa pagitan
ng dalawang bansa.
Ito ay ipinakilala ng mga
mananakop na Kastila na
tinatayang nagtagal ng
mahigit sa dalawang
daang taon. Ang
kalakalang ito ang
nagsilbing tagapag-ugnay
ng mga bansa partikular
na ng Pilipinas ng Mehiko.
Ang mga produktong kalakal ng mga
indibidwal sa Pilipinas ay inilululan sa
barkong tinatawag na Maynilang galyon
o Acapulco upang dalhin sa Mehiko para
sa pakikipagpalitan ng produkto.
5TH GRADE

Kalakalang Galyon
at
Ang Patakarang pangkabuhayan
ni Jose Basco Vargas
Jose Basco Y Vargas
Si José Basco y Vargas ay naglingkod bilang ika-44 na
Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas, noong
panahon ng kolonyalismong Espanyol. Namuno siya
ng siyam na taon mula 1778 hanggang 1787. Di
katulad ng ibang gobyerno sa panahon, itinuon ni
Vargas ang kaniyang pansin sa ekonomiya kaysa sa
militar. Pinalaya niya rin ang koloniyang Pilipinas mula
sa kapangyarihan ng Bagong Espanya (ngayon ay
Mehiko). Ipinangalan para sa kaniya ang Basco,
Batanes.
PATAKARANG
PANGKABUHAYAN NI
JOSE BASCO Y VARGAS
Tinangka niyang paunlarin ang kabuhayan ng Pilipinas upang makapagsarili
ito at huwag nang umasa sa Espanya at Mexico. Nagpalabas siya ng
kautusan na bawal samsamin ng mga may pautang ang lupaing
pansakahan, kalabaw, at iba pangkagamitan pansaka. Ipinagbawal din ang
pag-aresto at pagpapakulong sa mga magsasaka sa panahon ng anihan.
Pangkalahatang
Pangkabuhayang Plano
(PPP)
•Sociedad Economica De los Amigos
•Monopolyo ng Tobacco
•Real Compania De Filipinas
Sociedad Economica De los Amigos
Monopolyo ng Tobacco
Real Compania De Filipinas
Exit Card
Pagsagot at pagtalakay
sa mga tanong sa pag-
usapan natin sa pahina
235 ng libro.
 
Si Jose Basco y Vargas ang ika 44 na kastilang naging gobernador-
heneral ng Pilipinas, noong panahon ng kolonyalismong Espanyol.
Namuno siya ng siyam na taon mula 1778 hanggang 1787. Di katulad
ng ibang gobyerno sa panahon, itinuon ni Vargas ang kaniyang pansin
sa ekonomiya kaysa sa militar. Pinalaya niya rin ang koloniyang
Pilipinas mula sa kapangyarihan ng Bagong Espanya (ngayon ay
Mehiko). Ipinangalan para sa kaniya ang Basco, Batanes.
Pangwakas na Panalangin
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at Espiritu Santo.
Amen. Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang
kami ay matuto. Gawaran Mo kami ng isang bukas
na isip at lakas ng loob upang maunawaan namin
ang mga aralin na makatutulong sa amin upang
malinang ang aming pagkamalikhain at karisma
para sa nakararami. Amen.
5th Grade

Araling Panlipunan 5
Day 2
Marso 07, 2023
Pambungad na Panalangin
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at Espiritu Santo.
Amen. Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang
kami ay matuto. Gawaran Mo kami ng isang bukas
na isip at lakas ng loob upang maunawaan namin
ang mga aralin na makatutulong sa amin upang
malinang ang aming pagkamalikhain at karisma
para sa nakararami. Amen.
Layunin:
 Naipapaliwanag ko ang mga dahilang kung bakit hindi
matagumpay na nasakop ang ilang bahagi ng Pilipinas
 Napapahalagahan ko ang pagpupunyagi ng mga ilang Pilipino sa
pagpapanatili ng kanilang Kalayaan sa pananakop ng mga
Espanyol
 Nakakabuo ako ng konklusyon kung bakit hindi matagumpay na
nasakop ng mga Espanyol ang ilang bahagi ng bansa.
Mga Dapat Tandan Bago
Magsimula Ang Klase

Makinig sa guro habang nagsasalita


Maupo ng
maayos
Iwasang makipag-usap sa katabi
Kapag may gustong sabihin o itanong itaas ang
kamay
5th Grade

Araling Panlipunan 5
Day 2
Marso 07, 2023
 

 Naranasan mo na bang
mautusan ng iyong magulang
na labag sa loob mo ang
pinapautos nila?
 
 Ano ang iyong naramdaman ?
 
Ang di matagumpay na pananakop
ng mga Espanyol sa Ilang Bahagi ng
Bansa
Bagama't mahabang
panahong namalagi ang
mga Espanyol sa Pilipinas
ay hindi nila nagawang
sakupin ang buong
kapuluan. Naging malaking
hámon para sa mga
Espanyol ang mga Muslim
mula pa nang marating nila
ang ating bansa noong
panahon ni Lapulapu
hanggang sa lisanin nila ito.
Ang mga muslim sa Mindanao ay hindi nasakop ng mga
Espanyol bagama’t may mga Gobernador Heneral na
nagpapadala ng mga kawal upang sakupin sila. May mga
pamayanan at kutang itinayo sa sa Zamboanga ngunit
nabigong masakop ang buong Mindanao lalo sa mga lugar
na laganap ang relihyong Islam.
Ang paglaban para sa Islam at ang paglaban sa mga
kaaway ay bahagi rin ng pagtuturo ng Islam. Dahil
dito, ang paglaban ng mga Moro para sa kanilang
buhay at para sa Islam ang nagpatibay ng kanilang
pananampalataya sa loob ng maraming siglo.
Dahilan kung bakit nabigong maitatag ang kapangyarihan ng
espanya sa bulubunking parte ng Luzon:

● Masyadong liblib at masukal ang mga kabundukang


pinaninirahan ng mga Igorot at ng iba pang pangkat etniko ng
Pilipinas

● Walang silang sapat na kakayahan na pasukin ang mga lugar


na ito sa sobrang layo.
Ilang Mga Liblib Na Lugar Sa Pilipinas
Alam mo ba?
Ang kabundukan ng Cordillera ay isang
malawak na bulubundukin sa gitnang
hilaga ng pulo ng Luzon. sa Pilipinas.
Matatagpuan dito ang mga lalawigan ng
Benguet, Abra, Kalinga, Apayao,
Mountain Province, Ifugao, at ang
Lungsod ng Baguio na nasa Lalawigan
ng Benguet. Noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol, ang buong
kabundukan ay tinatawag na Nueva
Provincia (Bagong Lalawigan).
Quick Writes

Pagsagot sa Pag-usapan natin sa pahina 249


sa kwaderno. 1-2 pangungusap sa bawat
katanungan.
5th Grade

Araling Panlipunan 5
Day 3
Marso 08, 2023
Pambungad na Panalangin
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at Espiritu Santo.
Amen. Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang
kami ay matuto. Gawaran Mo kami ng isang bukas
na isip at lakas ng loob upang maunawaan namin
ang mga aralin na makatutulong sa amin upang
malinang ang aming pagkamalikhain at karisma
para sa nakararami. Amen.
Layunin:
 Naipapaliwanag ko ang Mga Reaksyon ng mga
Katutubong pangkat sa mga Armadong Mananakop
 Napapahalagahan ko ang mga Reaksyon ng mga
Katutubong pangkat sa mga Armadong Mananakop
 Nakakabuo ako ng konklusyon kung bakit
nakipaglaban ang mga katutubong Pilipino sa mga
armadong mananakop.
Mga Dapat Tandan Bago
Magsimula Ang Klase

Makinig sa guro habang nagsasalita


Maupo ng
maayos
Iwasang makipag-usap sa katabi
Kapag may gustong sabihin o itanong itaas ang
kamay
5th Grade

Araling Panlipunan 5
Day 3
Marso 08, 2023
1. Bakit kaya gusting sakupin ng
mga Espanyol ang lahat ng
parte ng lugar sa ating bansa?

2. Ano ang layunin ng mga


katutubong Pilipino sa paglaban
sa pwersa ng mga Espanyol?
Mga Reaksyon ng mga Katutubong
pangkat sa mga Armadong
Mananakop
Dahil sa pisikal at kondisyong
pangheograpiya ng Pilipinas bilang
isang bansang kapuluan,
nagtagumpay ang mga Espanyol na
masakop ang mga naninirahan
malapit sa dalampasigan ng Luzon at
Visayas. Isa pa sa mga naging
dahilan ng kahinaan ng mga Pilipino
laban sa paglaganap ng kolonisasyon
ay ang kakulangan ng pagkaunawa
ng mga katutubo sa tunay na motibo
ng pagdating ng mga dayuhan sa
bansa
Samantala, nanatiling malaya ang mga tao sa rural
o sa mga mabundok na rehiyon sa Luzon at Mindanao
hanggang sa kalagitnaan ng ikalabing walong siglo.
Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng di
pagtanggap ng mga katutubong pangkat sa mga
Espanyol ay ang pagtutol nila sa bagong relihiyon.
PAKIKIPAGLABAN
1. PAGLABAN NG MGA
MORO
Mula pa noong simula ng pananakop ng mga Espanyol ay
kapit-bisig na ang mga kababayan nating mga Muslim sa
pagtatanggol ng kanilang kalayaan. Ayaw na ayaw nilang
masakop ng mga dayuhan at maalila. Tanging mga lupain ng
mga Muslim sa katimugan at ibang mga kababayan natin na
pumunta sa kabundukan at nagtago ang nakaiwas sa
karahasang ipinamulat ng mga Espanyol sa mga Pilipino sa
loob ng mahigit 300 taon. Ninais nilang mapanatili ang
kanilang pagkakakilanlan at kultura. Hanggang sa nasakop na
naman ang ating mga ninuno ng iba pang mga dayuhan ay
nanatili pa rin ang mga Muslim sa kanilang matibay na
paninindigan ng malayang lipunan.
Paglaban ni Sultan
Kudarat
Bago pa man umakyat sa trono, nagkaroon na ng ilang engkuwentro
si Sultan Kudarat laban sa mga puwersang Espanyol, at sa
pagbagsak ng Rahanato ng Maynila at Kaharian ng Lusung,
naunawaan niyang malaking banta para sa kasaganaan at
katiwasayan ng Maguindanao ang mga Espanyol. Sa kanyang
pamumuno nagkaisa ang Lanao,Cotabato,Suli, BasilanDavao,
Zamboanga at Hilagang borneo. Ang kampanya ng mga Espanyol
laban sa kanila ay nagbunga ng kanilang pagkakasunduan at
pagkakaisa kasabay nito ang pagdeklara ng jihad o "holy war" laban
sa mga mananakop at mga Kristiyanong katutubo. Para sa
kasarinlan ng Maguindanao, magiting na nakipagdigma si Sultan
Kudarat, kasama ang kanyang 2,000 mandirigmang kung tawagin ay
juramentado, laban sa mga puwersang Espanyol.
Sagutin natin
1. Bakit gumamit ng armadong paraan ang mga
Espanyol sa pagsakop sa mga Muslim? Paano nilla
isinagawa ang paraang ito?

2. Ano ang iyong reaksiyon o masasabi sa mga


Muslim at katutubong ng nagalsa at tumakas sa
mga Espanyol?

3. Tama ba ang ginawa ng mga Muslim sa mga


Espanyol na mananakop? Ipaliwanag ang sagot

You might also like