You are on page 1of 14

MGA URI NG

TEKSTONG
IMPORMATIBO
Ang pangunahing layunin ng
tekstong impormatibo ay
makapaghatid ng impormasyong
hindi nababahiran ng personal na
pananaw o opinyon ng may akda.
PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI/
KASAYSAYAN

 Ito ay sumasaklaw sa mga paglalahad ng


mga pangyayari sa nakaraan,
kasalukuyan o iba pang panahon.
 Nakatuon ito sa pagsasalaysay ng
mahahalagang kaganapan tulad ng mga
nababasa sa mga pahayagan, almanac, at
aklat sa kasaysayan.
PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI/
KASAYSAYAN

Halimbawa:
 Isinagawa ang 2022 National Elections
noong Mayo 9, 2022 at idineklara ni
Pangulong Duterte bilang non-working
holiday.
 Naganap ang Bataan Death March noong
Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON

 Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng


kaalaman tungkol sa tao, bagay, hayop,
lugar at pangyayari.
 Teknolohiya, global warming, cyber
bullying, mga hayop na malapit nang
maubos
PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON

 Ang pagsulat ng ganitong


uri ng teksto ay
nangangailangan ng
masusing pananaliksik.
PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON

Halimbawa:
 Francisco Domagoso ang tunay na
pangalan ni Isko Moreno. Naging tanyag
lamang siya sa kaniyang screen name
kaya ito na rin ang naging pangalan niya
bilang politiko.
 Si Jose Rizal ang sumulat ng mga sikat na
nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
PAGPAPALIWANAG

 Uri ng tekstong impormatibong


nagbibigay paliwanag kung paano o
bakit naganap ang isang bagay o
pangyayari.
 Layunin nitong makita ng mambabasa
mula sa mga impormasyong
nagsasaad kung paano humantong
ang paksa sa ganitong kalagayan.
PAGPAPALIWANAG

Halimbawa:
 Bumaha sa kabilang barangay
dahil nasira ang kanilang drainage
doon.
 Nanalo si Pacquiao sa bisa ng
isang unanimous desisyon.
1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya
ngayong malaman kung paano at bakit
nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya
ang isang tekstong may pamagat na “Ang
Pagbabagong Anyo ng Salagubang”.

PAGPAPALIWANAG
2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigdig ang
matitinding tag-init at napakalakas na bagyong
nagresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Roel na
magkaraoon ng mas maraming impormasyon ukol dito
kaya’t hawak niya ngayon ang tekstong may pamagat na
“Mga Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran.

PAG-UULAT PANG-
IMPORMASYON
3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating
bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin ang
dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong
malaman ni Donna ang kasaysayan sa likod ng
pinakamahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng
Pilipinas- Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.

PAGLALAHAD NG
TOTOONG PANGYAYARI/
KASAYSAYAN
4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa
hawak niyang pahayagan ang balitang ito:
“51st International Eucharistic Congress,
ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.

PAGLALAHAD NG
TOTOONG PANGYAYARI/
KASAYSAYAN
5. Masayang-masaya si Gianng Cruz sa
balitang nasa pahayagang hawak niya.
Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzback ay nagwagi
bilang Ms. Universe 2016.

PAG-UULAT PANG-
IMPORMASYON

You might also like