You are on page 1of 25

SUMMATIVE TEST

NO.1
IN ARALING
PANLIPUNAN 5
By: Sir Rei Marasigan
Alaminos District
Laguna Division
 Iguhit ang masayang mukha ang bilang kung ang pahayag
ay nagpapakita ng kagandahang naidulot na monopolyo ng
tabako, malungkot na mukha kung ito ay nagpapakita ng
kasamaang naidulot nito sa ating bansa. _____ 1. Marami sa
mga opisyal ng pamahalaan ang naging mapagsamantala.
_____ 2. Natutustusan na ng kinikita sa monopolyo ng tabako
ang pangangailangan ng kolonya at hindi na kailangan pang
humingi ng suporta mula sa Espanya
_____ 3. Malaking lupain din ang nalinang upang gawing
taniman ng tabako.
_____ 4. Naging mapang-abuso ang ilang mga opisyal
sa tuwing maghahalungkat ng mga bahay ng
magsasaka na pinaghihinalaang nagtatago ng tabako.

_____ 5. Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng


tabako sa buong silangan.
Narito ang mapa ng ating bansa. Ipinakikita ng marka ang ilang bahagi nito kung
Narito ang mapa
saan naganap ang ng ating
ilan bansa. Ipinakikita
pag-aalsa labanngsa
marka
mga angEspañol.
ilang bahagi Isulat
nito kungkung
saan sino
naganap
angang ilan pag-
namuno sa ng
mgamga
Español. Isulat kung sinoito.
pag-aalsang ang namuno ng mga pag-aalsang ito.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang namuno sa pag-aalsa ng mga Tagalog?
A. Diego Silang C. Hermano Pule
B. Felipe Catabay D. Magat Salamat

2. Bakit nag-alsa si Tamblot? Ano ang ipinaglaban niya?


A. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga
ninuno.
B. Inalis ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares ang karapatang
ipinagkaloob ni Legazpi sa mga katutubo.
C. Ipinadala ng mga manggagawang taga-Samar sa Cavite upang magtrabaho
sa gawaan ng barko.
D. Tinutulan nila ang sapilitang pagtratrabaho ng mga Español.

3. Anong pangkat-etniko sa Luzon ang sumuko sa pakikipaglaban sa mga


Español?
A. Apayao C. Cebuano
B. Badjao D. Gaddang
4. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa
mga Español?
A. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
B. Mabuting pakikitungo ng mga Español sa mga katutubo.
C. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Español.
D. Paniningil ng tamang buwis sa mga katutubong Pilipino.

5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyon ng mga Pilipino laban sa


mga Español?
A. Wala silang pinuno. C. Wala silang pagkakaisa.
B. Wala silang mga armas. D. Wala silang sapat na dahilan.
SUMMATIVE TEST NO.2
IN ARALING PANLIPUNAN 5
Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung tama ang pahayag at
malungkot na mukha naman kung hindi.
____1. Isa sa dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyonginilunsad
ng mga Pilipino ay ang kanilang hindi pagkakaisa.
____2. Ang mga heneral ng mga kilusan ng rebolusyon ay pawang
bihasa at magagaling sa paghawak ng armas.
____3. Maliban sa mga kalalakihan ay may mga kababaihan din na
kasapi ng katipunan at kasama rin sa mga pakikidigma.
____4. Nakapagpapalakas ng loob ng iba pang rebolusyonaryo
kapag nalalaman nila na nagtagumpay ang ibapang rebolusyonaryo
sa mga karatig bayan.
____5. May mga reboljusyong naging matagumpay ang mga
Pilipino.
Ipaliwanag sa maikling pangungusap o talata ang pagbabago
sa kamalayan na naidulot ng mga sumusunot na salita o
kaisipan o pangyayari sa mga Pilipino.
1. Pagbubukas ng Suez Canal
2. Paglaki ng Middle Class
3. Pagdating ni Gobernador-Heneral dela Torre sa Pilipinas
4. Sekularisasyon
5. Pagbitay sa GOMBURZA
SUMMATIVE TEST NO.3
IN ARALING PANLIPUNAN 5
Isulat kung Tama sa patalng kung sang-ayon ka sa pangungusap
sa bawat bilang at Mali naman kung hindi.
_________________1. Walang magandang naidulot ang kalakalang
galyon sa Pilipinas.
_________________2. Lalong umunlad ang mga sakahan sa Pilipinas
dahil sa galyon
_________________3. Ang Kalakalang Galyon ay sa pagitan ng
Pilipinas at ng Estados Unidos.
_________________4. Dahil sa Galyon ay hindi na nakipagkalakalan
sa Tsina at mga karatig na bansa ang Pilipinas.
_________________5. Higit na napagtuunan ng pansin ng mga
namumunong alcalde at gobernadorcillo ang kanilang mga
nasasakupan dahil sa Galyon.
Tukuyin kung alin sa mga pares na sitwasyon ang dahilan
at ang bunga. Isulat ang D kung dahilan at B kung bunga.
_________ Ginamit ang taktikang “divide and rule” ng mga
Espanyol sa pagsupil sa mga pag-aalsa.

_________ Maraming Pilipino ang kinukuha sa mga karatig-


lugar upang maging bahagi ng puwersang Espanyol.

_________ Itak, sibat at pana ang ginamit sa mga pag-


aalsa.

________ Madaling nasupil ang mga pag-aalsang inilunsad.

________ Kawalan ng maayos na maayos na estratehiya

________ Hindi naging matagumpay ang kanilang rebelyon.


________ Bigo ang mga inilunsad na rebelyon.

________ May mga pag-aalsa na isinasagawa para sa


pansariling dahilan

_______ Binubuo lang ng maliit na bilang ng mandirigma.

________ Bigo ang mga inilunsad na rebelyon.

________ May mga pag-aalsa na isinasagawa para sa


pansariling dahilan

_______ Binubuo lang ng maliit na bilang ng mandirigma.


Piliin mula sa kahon ang bayaning tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa inyong notbuk.

Hermano Pule Francisco Dagohoy Tapar

Gabriela Silang Tamblot


_____________________1. Asawa ni Diego Silang na namuno rin sa
pag-aalsa sa Ilocos.

_____________________2. Tinanggihan siyang magpari dahil hindi siya


Espanyol.

_____________________3. Tumanggi ang mga paring Heswitang


bigyan nang Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na isang kawani
dahil namatay ito sa duwelo.

_____________________4. Nais niyang bumalik sa dating


pananampalataya.
_____________________ 5. Hinadlangan ni Fr. Francisco de Mesa ang
pagtatag niya ng isang relihiyong hango sa Kristiyanismo na naging
dahilan ng pagkakapatay niya sa pari.
SUMMATIVE TEST NO.4
IN ARALING
PANLIPUNAN 5
Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangugusap ay
nagpapakita ng pananaw at paniniwala ng mga Muslim at ekis (×)
kung hindi.
______1. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa
kalayaan.
______2. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan.
______3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan
ng malaking digmaan anggang kamatayan
______4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang
relihiyong Katoliko.
______5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang
pagtatanggol sa kanilang kinagisnang relihiyon.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang dahilan ng Digmaang Espanyol- Muslim?
a. Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga
Muslim
b. b. Gustong makuha ng mga Muslim ang makabagong armas
ng mga Espanyol
c. Hindi kinilala ng mga Muslim ang kapangyarihan ng Espanya

d. Nagrebelde ang mga Muslim dahil sa kalupitan ng mga


Espanyol
2. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim na
nakipaglaban sa mga Espanyol?
c. Kasipagan b. Katapangan. c. Katalinuhan
d. Pagkakaisa
3. Bakit nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo?
a. Upang mahinto ang labanan.
b. Upang mahikayat ang mga Muslim sa relihiyong Katoliko
c. Upang malinlang nila ang mga Muslim
d. Upang kilalanin ng Muslim ang kapangyarihan ng Espanya.

4. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?


a. Malawak ang lugar na ito.
c. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.
c. Hindi interesado ang mga Espanyol dito.
d. Nagkaisa ang mga Muslim sa mga Espanyol.

5. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan


ang mga Muslim? a. Masunurin ang mga ito.
b. Mayayaman ang mga ito.
c. Hindi nila unabot ang lugar na ito.
d. Hindi nila masupil ang mga ito.
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M kung
Mali.
_____ 1. Gumawa ng paraan ang mga misyonerong pari upang mabago ang
panahanan ng mga Pilipino.
_____ 2. Malaking tulong sa mga pari ang lapit-lapit na tirahan ng mga
Pilipino.
_____ 3. Nasiyahan ang mga Pilipino sa bago nilang panahanan.
_____ 4. Ang mga Pilipinong nakatira sa kuweba at liblib na pook ay nahikayat
na manirahan sa kapatagan.
_____ 5. Ang parokya ang pinakasentro ng kabisera.
_____ 6. Sapilitang pinababa sa kapatagan ang mga Pilipinong nakatira sa
bundok.
_____ 7. Ang mga bahay na itinayo sa panahon ng Espanyol ay angkop sa klima
ng bansa.
_____ 8. Naging mabisa ang ginawang pagsasaayos ng mga pari sa panahanan
na naging dahilan ng pagkakalapit ng mga tirahan ng mga Pilipino.
_____ 9. Ang Arkitekturang Antillean ay mga gusaling may malalapad na
bubong at palapag.
_____10. Ang pamayanang nagkalapit ng tirahan ay madaling maturuan.
SUMMATIVE TEST
NO.5
IN ARALING
PANLIPUNAN 5
Bilugan ang mga pangungusap na nagsasaad ng pagiging maunlad
ng isang bansa. Isulat ang sagot sa notbuk.
1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang
manilbihan sa ibang bansa.
2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat.
3. Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay
pinagtatrabaho.
4. Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunung- kulan sa
pamahalaan.
5. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao.
6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan.
7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating
bansa.
8. Naaabuso ang mga likas na yaman.
9. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang mga
batas.
10. Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan.
Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa notbuk.
_______1.Hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa dahil sa
pagkakawatak-watak at pagkakanya-kanya ng mga Pilipino.
_______2.Dumanas ang mga Pilipino ng maayos na pamamahala
mula sa mga Espanyol sa loob ng mahigit 300 taon.
_______3.May mga katutubong sumanib sa mga Espanyol at
nilabanan ang kapwa Pilipino sa panahon ng pag-aalsa.
________4.Hindi man nagtagumpay ang mga naunang pag-aalsa
naging simbolo naman ito ng pagiging makabansa ng sinaunang
Pilipino.
_________5.Malaki ang naging epekto ng mga unang pag-aalsa
upang makamit natin ang kasarinlan.
TO GOD BE THE GLORY

You might also like