You are on page 1of 20

Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Patuloy na Panawagan:
Pagsunog ng Basura,
Itigil Na!
Layunin:
Nakatutulong sa pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan ng kapaligiran
saanman sa pamamagitan ng:
 pag-iwas sa pagsunog ng anumang
bagay
1. Pagmasdan muli ang mga larawan. Anong pangyayari
sa mga sitwasyon ang maaring dahilan ng
pagkakasakit ng mga tao at hayop at pagkasira ng
kapaligiran?
2. Nakaamoy ka na rin ba ng mga sinusunog na plastic o
anumang bagay? Ano ang karaniwang nararamdaman
mo?
3. Kung palagiang magsusunog ng basura o anumang
bagay ang mga tao, ano na lang ang mangyayari sa
mga tao sa mundo?
4. Sa iyong palagay, may kinalaman ba
ang pagsusunog ng basura sa pagkakaroon
ng sakit ng mga tao o hayop, pagdumi ng
hangin at kapaligiran sa ating bansa at sa
buong mundo?
5. Kung may batas na nagbabawal sa pagsunog ng
basura at patuloy pa ring ginagawa ito, anong
pag-uugali ang ipinakikita nito?
ANTI-BURNING LAW
Ayon sa Section 48 ng Republic Act 9003 or the
Ecological Solid Management Act (Section 48, Para 3) o
tinatawag na Solid Waste Management Act , ang
pagsisiga ay ipinagbabawal sa ating bansa dahil sa
masamang epekto nito sa kalikasan at gayundin sa mga
mamamayan . Ito ay ipinatupad ng ating gobyerno sa
pangunguna ng National Solid Waste Management
Commission Secretariat sa ilalim ng opisina ng
Environmental Management Bureau ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR)
A. Sabihin na Tama kung ito ay karapat-dapat at Mali kung
hindi.
Mali
______1.Ang usok na galing sa pagsusunog ay mabuti sa ating
kalusugan.
Tama May kaukulang batas na mahigpit na ipinagbabawal
______2.
ang pagsusunog ng kahit anumang basura.
Mali Puwedeng sunogin ang mga dahon upang maiwasan
______3.
ang lamok na sanhi ng sakit na dengue.
Tama Nakakaapekto sa ating kapaligiran ang usok na galing
______4.
sa sinusunog na basura.
Tama Ang pagsusunog ng basura ay nagdudulot ng polusyon
______5.
sa hangin.
B. Iguhit ang kung napapakita ng kaayusan sa
pamamahala sa basura at kung hindi naman.
A. Sabihin ng TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ang
pahayag ay mali.

________ 1. Ang kalikasang dapat nating iniingatan ay unti-unti nang


nasisira dahil sa maling gawain ng mga tao. Isa na rito ang
pagsusunog ng basura.
________ 2. Ayon sa Section 48 ng Republic Act No. 9003 o tinatawag na
Solid Waste Management Act, ang pagsisiga ay
ipinagbabawal sa bansa.
________ 3. Sinusunog ko at ng aking mga kapatid ang mga basurang
papel upang maitaboy ang mga lamok sa aming bahay.
________4. Sa pagsusunog mo ng basura ay gumagawa ka rin ng lason.
________5.Tuwing sasapit ang Bagong Taon, nagsusunog ng goma sa
bakuran ang aming pamilya.
A. Sabihin ng TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ang
pahayag ay mali.

________ 6. Dapat ng itigil ang pagsusunog ng basura.


________ 7. Palagi kang inuutusan ng Lola mo na sunugin ang mga
tuyong dahon sa paligid ninyo.
________ 8. Hindi alam ng inyong kabarangay na bawal ang pagsusunog
ng basura.
________9. Magiging sanhi ng sakit sa baga ang palagiang paglanghap ng
usok ng basura lalo na yong mga kemikal.
________10.Dapat simulan sa ating bahay ang pangangasiwa ng basura.
B. Ayusin ang mga letra upang mabuo ang
tamang salita.
Takdang Gawain / Kasunduan
 
Maglahad ng sariling karanasan
tungkol sa nararamdaman ninyo sa
tuwing may nagsusunog ng basura sa
kapaligiran.
RELIGIOUS
INSTRUCTION

You might also like