Professional Documents
Culture Documents
Demokrasya ng Pilipinas
Mrs. Robe S. Solon
Balik-aral
• Ano ba ang nagging kalagayan ng bansang
Pilipinas sa ilalim ng bagong republika na
pinamumunuan noon ni Pangulong Marcos?
• Nakailang termino ba si Pangulong Marcos sa
pagkapangulo?
• Naging matagumpay ba ang kanyang pamumuno
sa unang termino? Sa ikalawang termino?
Ano ba ang ipinapahiwatig sa bawat larawan?
Mga Pamantayan sa Pakikinig/Panunuod:
•Maupo ng maayos.
•Makinig at manuod ng mabuti.
•Huwag makipag-usap sa katabi.
“Handog ng Pilipino sa Mundo”.
Special_Report__Kasaysayan_ng__EDSA_Revolution_.mp4
Mga pangyayari na nagbigay daan sa 1986
EDSA People Power Revolution:
• SNAP ELECTION
-ang biglaang eleksiyon na idinaraos noong Pebrero 7, 1986. May dalawang partido ang nagtunggali.
*Kilusang Bagong Lipunan (KBL) na si Pangulong Ferdinand Marcos ay tumakbo bilang pangulo at si
Arturo Tolentino.
*United Nationalist Democratic Organization (UNDO) na si Pangulong Cory Aquino at si Salvador
Laurel ang kanyang Bise Presidente.
-Bukod sa COMELEC na siyang opisyal na namamahala sa bilangan tuwing eleksiyon ay pinahintulutan
ding makilahok ang NAMFREL para matiyak ang malinis at makatarungang eleksiyon.
-Hindi nagkatugma ang resulta ng ginawang pagbibilang ng pagboto ng COMELEC at ng NAMFREL. Di
umano ay nagkaroon ng malawakang dayaan na nagging daan upang maglunsad si Cory Aquino ng
Civil Disobedience.
-Noong Pebrero 16, 1986, sa gitna ng kaguluhan ay ipinahayag ng Batasang Pambansa na si Marcos
ang nagwagi sa eleksiyon.
Nagbitaw sa tungkulin sina Juan Ponce Enrile,
Ministro ng Tanggulang Pambansa at Fidel V.
Ramos,Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas.
• Nanawagan sina Jaime Cardinal Sin na magtungo ang mga tao sa
EDSA.
• Sa pamamagitan ng Radyo Veritas na pinapatakbo ng Romano
Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na
pumunta sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa
Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang
bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng pagbibigay ng pagkain
at ng iba pa nilang pangangailangan.
• Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa
pamumuno ng mga pari at madre.
• Nagtipon-tipon ang mga tao sa EDSA na may dalang pagkain,
inumin, bulaklak at rosaryo para sa mga sundalo.
• Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang
tatlong milyong katao ang pumuno sa EDSA mula sa Abenida
Ortigas hanggang Cubao.
• Umabot sa daang libo ang mga tao na walang dalang ibang
sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo at imahe ng
Birheng Maria.
• Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa
kabilang kampo. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo
hanggang Kampo Crame sa pagitan ng mga maraming tao na
nagsusuporta sa kanila.
• Binalita ng Radyo Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng
Marines na papunta sa dalawang mga kampo sa silangan, at mga tangke
na papunta mula sa hilaga at timog. Dalawang kilometro mula sa mga
kampo, hinarang ng libo-libong mga tao ang isang batalyon ng tangke na
nasa pamumuno ni Brigadier General Artemio Tadar sa Ortigas
Ave.Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at nagkapit-
bisig ang mga tao para harangin ang mga sundalo.
Pangkatang Gawain: