You are on page 1of 14

6

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:

Ang 1986 EDSA People Power


Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ang 1986 EDSA People Power
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa naglalathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Sangay ng Bohol
Superintendent: Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Assistant Superintendent:

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat :Teodora D. Cadeliña


Editor : Donabel M. Datahan EdD, Neil Michael G. Olaivar EdD, Lolito F. Boaquin
Tagasuri : Danilo A. Aton PhD
Tagapamahala:
Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Schools Division Superintendent
Marina S. Salamanca PhD Casiana P. Caberte PhD
Asst. Schools Division Superintendent OIC Asst. Schools Division Superintendent

Carmela M. Restificar PhD. Jupiter I. Maboloc PhD


OIC – CID Chief EPS-Aral. Pan
Josephine D. Eronico PhD
EPS -LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Division of Bohol

Office Address : 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon, Tagbilaran City


Telefax: : (038) 501-7560
E-mail Address :deped.bohol@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong


kakayahan at interes. Sa nagdaang aralin ay iyong natutuhan ang
ekonomiya ng bansa ay nagsimula nang bumagsak noong mga dekaada ’80.
Ang pagbabago at ang kaunlarang ipinangako ni Marcos sa ilalim ng
pamahalaang Bagong republika ay hindi nagkaroon ng katuparan. Sa
pangyayaring ito, tuluyan nang nawala ang pagtitiwala ng mga mamamayan
kay Marcos. Lalo nilang inasam na makalaya sa diktatoryal na
pamamahala. Sila ay nagmithing makamtan muli ang tunay na
demokrasya at kalayaan. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa
lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa
wastong pamantayan.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahan sa iyo na:
1. natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino
nagbigay-daan sa pagwawakas ng Batas Militar
 People Power

ii
Aralin
Ang 1986 EDSA People Power
1

Tuklasin
Basahin/Awitin ang “Magkaisa”. Pagkatapos, pag-aralan ang mga parirala
ng kantang ito.
Magkaisa
(T. Sotto, H. Flores at E. dela Peńa)

Noon, ganap ang hirap sa mundo


Unawa ang kailangan ng tao
Ang pagmamahal sa kapwa ang ilaan.
Isa lang ang ugat ng ating pinagmulan
Tayong lahat ay magkakalahi
Sa unos at agos ay huwag padadala.

Koro:
Panahon nang pagkakaisa
Kahit ito ay hirap at dusa
Magkaisa (may pag-asa kang natatanaw)
At magsama (bagong umaga’t bagong araw)
Kapit-kamay (sa atin siya’y nagmamahal)
Sa bagong pag-asa.

Ipaliwanag nang lubos ang mga mensahe nito.


1. Tayong lahat ay magkakalahi
2. Sa unos at agos ay huwag padadala
3. Kapit-kamay sa bagong pag-asa
4. Magkaisa

Sa araling ito ay iyong matutunghayan kung paano nakamit ng


sambayanang Pilipino ang demokrasyang kanilang pinangarap. Nawa sa
iyong pag-aaral ng araling ito ay iyong madama at mapahalagahan mo ang
kabayanihang ginawa ng mga Pilipino na totoong hinangaan ng buong
mundo.
Ngunit bago ka magpatuloy, huwag mong kalimutang pag-aralan ang
mga salita sa loob ng kahon para sa mas madali mong pag-unawa sa ating
aralin.
civil disobedience- isang mapayapang paraan ng pagtutol sa mga
ipinatutupad ng pamahalaan; kinapapalooban din ito ng hindi pagtangkilik
sa serbisyo at produkto ng gobyerno
boykot-hindi pagtangkilik o pagsuporta sa isang bagay tulad ng produkto,
serbisyo, at iba pa.
demokrasya- isang anyo ng pamahalaan ng pinamunuan ng nakararami;
tinatawag itong pamahalaan ng mamamayan
diktador- namamahala sa pamahlaang diktatoryal kung saan siya ay
kalimitang namumuno sa pamamagitan ng puwersa at dahas
Lakas ng Bayan- kapangyarihan ng mga mamamayang kalimitang
nagaganap sa pamamagitan ng isang rebolusyon

Suriin
Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa People Power I
Ang Pagtawag ng Snap Election
Idinaos ang Snap Election o
Biglaang Eleksiyon noong ika-7 ng Pebrero
1986. Si Marcos, sa ilalim ng partidong
Kilusang Bagong Lipunan (KBL), ay lubos
na umaasa na siya ay muling magwawagi
sapagkat ilang beses na niyang
napatunayan ang suporta sa kanya ng mga
mamamayan. Ang kanyang nakatunggali ay
si Corazon “Cory” Aquino na sa katunayan
ay hindi ninasang pumasok sa pulitika.
Subalit marami ang sumuporta sa kanya
dahil sa paniniwalang siya ang karapat-
https://www.google.com/search?
q=image+of+corazon+aquinoc dapat na kandidatong lumaban kay Marcos.
Bilang asawa ng pinatay na lider na si Ninoy, siya ang pinakabuhay na
biktima ng kasamaan ng rehimeng hindi marunong kumilala sa karapatang
pantao. Sa pamamagitan ng isang milyong pirmang kinalap ng Corazon
Aquino for President Movement (CAPM) sa pamumuno ni Joaquin “Chino”
Roces si Cory ay napapayag na lumaban kay Marcos.

“Marcos Pa Rin” at “Marcos-More Than


Ever” ang islogang ginamit ni Marcos sa
kanyang pangangampanya samantalang
“Tama Na, Sobra Na, Palitan Na!” ang
islogang ginamit naman ni Cory sa ilalim ng
Partido UNIDO (United Nationalist
Democratic Organization). Si Arturo

https://www.google.com/search?
Tolentino ang Pangalawang Pangulo ni Marcos at si Salvador Laurel naman
ang bise-presidente ni Cory. Sa pangangampanya ni Cory nasa likod niya
ang mayayamang negosyante, mga alagad ng Simbahang Katoliko, ang
Cory’s Crusaders, at maging ng mga kilalang politikong sumusuporta sa
kanilang pamilya at sa pamilyang Aquino. Ang kanyang mga kampanya ay
dinaluhan ng libu-libong taong nagpamalas ng pagsuporta sa kanyang
kandidatura. Tinatayang 500,000 tao ang dumalo sa kanyang miting de
avance na ginanap sa Luneta Park.

Sa panahon ng eleksiyon ay pinahintulutang lumahok sa bilangan


ang NAMFREL (National Movement for Free Elections) na pinamunuan
ni Jose Concepcion, isang mangangalakal. Ang himpilan ng NAMFREL ay
nasa La Salle Green Hills samantalang ang COMELEC (Commission on
Elections) ang opisyal na namamahala sa bilangan tuwing eleksiyon ay
nakahimpil sa Philippine International Convention Center (PICC). Sa
pagbibilang ng boto ay parihong kompyuter ang gamit ng dalawa, subalit
ang nakapagtataka, magkaiba ang itinatalang resulta ng mga ito. Sa bilang
ng COMELEC nanguna si Marcos ngunit sa NAMFREL malinaw na nanguna
si Cory. Dahil ang mga nagbibilang sa COMELEC sa pangunguna ni Linda
Kapunan ay huminto na sa pagbibilang dahil di na nila kayang tanggapin
ang talamak na dayaan.

Sa opisyal na bilang ng Batasan, lumalabas na sina Marcos at


Tolentino ang nanalo subalit hindi ito tinanggap ng oposisyon. Dahil sa
resultang ito, hinikayat ni Cory Aquino ang mamamayang Pilipino na
magprotesta. Isang kampanya ng di pagsunod o Civil Disobedience ang
inilunsad ni Cory upang paralisahin ang rehimeng Marcos.

Alam Mo Ba?

 Si Cory Aquino ay walang intensiyong kumandidato sa pagkapangulo. Sa k


katunayan, isa siya sa mga bumubuo ng Convenor Group na ang layunin
ay pag-isahin ang mga oposisyon at mula rito ay pumili ng isang
kandidato na haharap kay Marcos.

 Ang NAMFREL ay isang samahang kinabibilangan ng mga mamamayang


nagbibigay ng libreng serbisyo para mabantayan ang mga presinto at
maiwasan ang pandaraya sa botohan. Ang mga kasapi nito ay binubuo
ng mga kabataan, mga mag-aaral, propesyonal, mga madre, mga
seminarista, mga guro, at mga empleyado ng mga publiko at pribadong
tanggapan.
Reaksiyon ng mga Pilipino Nang Mawalang Halaga ang Karapatan sa
Pagboto

Ilang linggo bago maghalalan, muling


pinakilos ang National Movement for Free
Elections (NAMFREL). Layunin nitong
magtaguyod ng isang malaya, malinis at tapat
na halalan. Sa kabila ng pagmamalasakit ng
mga tagabantay ng halalan na ingatan ang
balota, marami pa ring iniulat na pandaraya.
Halimbawa:
https://www.google.com/search?
q=image+of+voting+center

 pamimili ng boto
 pang-aagaw ng mga ballot box
 mga flying voter
 hindi pagsasama sa talaan ng ilang pangalan ng mga botante
 pagbabago ng Commission on Elections (COMELEC) sa kinalabasan
ng halalan

Samantala, nanawagan din ang Simbahang Katoliko, sa pangunguna


ni Arsobispo Jaime Cardinal Sin, na magkaisa ang mga mamamayan na
gawing malinis at malaya ang halalan. Nakiisa rin dito ang Muslim,
Protestante at iba pang pangkat ng relihiyon, gayundin ang mga pribadong
sector ng lipunan.

Sa kabila ng pagbabantay na ginawa hindi nagwagi si Aquino batay


sa resulta nito sa COMELEC. Magkaiba ang kinalabasan ng bilang ng boto
ng COMELEC at NAMFREL. Nagprotesta sa Batasan Pambansa ang
oposisyon sa resultang ito. Sa kabila nito, ipinahayag ng Batasang
Pambansa noong Pebrero 15, 1986 na sina Ferdinand Marcos at Arturo
Tolentino ang mga bagong halal na Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Bilang reaksiyon sa ginawang proklamasyon ng Batasan ay nagdaos


ng isang rally na tinawag na Tagumpay ng Bayan ang sambayanang Pilipino
sa pangunguna nina Cory Aquino at Salvador Laurel sa Luneta Park noong
ding araw na idiniklarang nagwagi sina Marcos at Tolentino. Naging maalab
ang suportang ginawa ng sambayanang Pilipino sa panawagang ito.
Ibinoykot ng mga mamamayan ang mga kalakal at paglilingkod na
nagmumula sa mga kumpaniya ng mga crony ni Marcos. Hinikayat din ni
Cory Aquino ang mga mamamayang huwag magbayad ng buwis, kuryente
at tubig, at iboykot ang media na kakampi ng pamahalaan, gayundin ang
mga bangko at komersyal na produktong katulad ng beer, softdrinks, at iba
pa. Ang pagpanig ng maraming Pilipino sa kinikilalang tunay na nagwagi sa
Snap Election ay nagpakita lamang kung paano kinimkim ng sambayanang
Pilipino ang kanilang galit sa rehimeng Marcos.

Alam Mo Ba?
Ang suffrage o ang karapatang bumoto ay isa sa
pangunahing Karapatan ng bawat isang Pilipino. Ang pagpili
sa susunod na pinuno ay nakasalalay sa kanilang gagawing
desisyon.

Ang 1986 EDSA People Power


Nangyari ang mapayapang rebolusyon
sa EDSA noong Pebrero 22-25 1986 bunga
ng pagnanais ng mga mamamayang
magkaroon ng pagbabago sa bansa. Ang
People Power ay nagsimula nang si Juan
Ponce Enrile, Ministro ng Tanggulang
Pambansa at si Hen. Fidel V. Ramos, ang
Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ay
tumiwalag sa administrasyong Marcos.
Naniniwala silang hindi si Marcos ang
inihalal ng taong-bayan kundi si Cory Aquino. Kaya noong ika-22 ng
https://images.app.google/EdKdaWBzgByBEE66

Pebrero 1986 ay ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin sa


pamamagitan ng Radio Veritas at nanawagan sila sa mga mamamayang
suportahan sila at bigyan ng proteksiyon ang mga militar na tumiwalag sa
pamahalaan.
Sa pangyayaring ito ay nanawagan din si Marcos sa telebisyon,
nakiusap siya sa dalawang sumuko at itigil na ang kanilang ginagawang
paglaban sa pamahalaan. Subalit hindi sila natinag sa kanilang ginawang
desisyon. Lalong tumibay ang kanilang loob nang manawagan sina Jaime
Cardinal Sin at Agapito Aquino, kapatid ng yumaong Benigno Aquino na
magtungo ang mga tao sa EDSA (Epifanio de los Santos Avenue) sa paligid
ng Camp Crame at Camp Aguinaldo kung saan nagkukubli sina Enrile at
Ramos kasama ang iba pang mga sundalo. Ilang saglit lamang ang lumipas
at dumagsa na ang napakaraming tao sa EDSA. May dala-dala silang mga
inumin at pagkain para sa mga sundalo. Dito ganap na nagsimula ang
tinaguriang People Power sa EDSA o EDSA I.
Ang Kabayanihang Ginampanan ng mga Pilipino sa Rebolusyon sa EDSA
Ang unang pagsubok sa Lakas ng Bayan o People Power ay
nangyari noong ika-23 ng Pebrero, kinahapunan ng linggo nang ang isang
convoy na kinabibilangan ng tatlong batalyong sundalo sa pamumuno ni
Hen. Artemio Tadiar ay dumating sa EDSA. Ang misyon nila ay gawin ang
pinag-uutos ni Marcos, ang salakayin ang Camp Aguinaldo, subalit sila ay
sinalubong ng napakaraming tao sa panulukan ng EDSA at Ortigas.
Nakaharap nila roon ang mga kapwa nila Pilipino tahimik na nagdarasal at
umaawit. Sa halip na salubungin ng galit ang mga sundalo ay inabutan
nila ang mga tao ng rosaryo, bulaklak, at pagkain. Dahil dito hindi nagawa
ng mga sundalo ang ipinag-uutos sa kanila.

https://images.app.google/ZsbijuLMtosRya4g8

Kinabukasan ika-24 ng Pebrero, Lunes ng madaling araw ay isang


pangkat naman ng mga sundalong marino ang inatasang sumalakay sa
Camp Aguinaldo. Hinagisan nila ng mga tear gas ang mga tao upang
mabuwag ang hanay ng mga ito subalit sila ang umurong sapagkat sa
kanila pumunta ang usok ng tear gas. Hindi nagtagal, dumating naman
ang mga helicopter gunship sa pamumuno ni Col. Antonio Sotelo.
Nakadama ng takot ang mga tao sapagkat wala silang kalaban-laban sa
isang pagsalakay mula sa himpapawid. Subalit isang himala ang nangyari
sapagkat ang mga sakay ng helicopter ay pumanig sa kanila. Bago
magtanghali noong araw na iyon ay maraming sundalo ang kumampi sa
panig ng oposisyon.
Ang Pagwawakas at Resulta ng Rebolusyon
Tinatayang umabot sa tatlong milyon ang bilang ng taong nakiisa sa
EDSA Revolution. Sa lugar ng EDSA, sa Channel 4, at sa mga lansangan
patungong Malacańang ay makikita ang nagkakaisang sambayanang
Pilipino- pari, madre, seminarista, pastor, ministro, matanda, bata,
mayaman, mahirap, kristiyano at maging di mga kristiyano na magkakapit-
bisig habang nagdarasal. Buong tapang nilang sinalubong ang mga kanyon
at tangke, Pinakiusapan nila ang mga loyalistang sundalo na huwag
ipuputok ang mga tangge at kanyon sa mga kapwa nilang Pilipino. Sinikap
nilang palambutin ang kalooban ng mga kawal sa pamamagitan ng pagngiti,
at pagbigay ng inumin at pagkain. Higit sa lahat nagdasal at nagkantahan
ng makabayang awitin ang mga tao.
Noong Pebrero 25, ganap nang
nagtagumpay ang sambayanang Pilipino. Sa
harap ni Mahistrado Claudio Teehankee si
Corazon C. Aquino ay nanumpa bilang pangulo
ng bansa, samantalang si Salvador Laurel ay
nanumpa bilang pangalawang-pangulo sa
harap ni Mahistrado Vicente Abad Santos. Ang
mahalagang pangyayaring ito ay nangyari sa
Club Filipino sa Green Hills, San Juan
https://www.google.com/search?q=image+of+panunumpa dinaluhan ng libo-libong Pilipino.
Sa kabilang dako, sa Malacaňang ay
nanumpa rin si Marcos bilang nagwaging
pangulo diumano sa harap ni Punong
Mahistrado Ramon Aquino. Ngunit batid ng
pamilyang Marcos na wala na silang magagawa
upang sila ay manatili pa sa posisyon dahil ang
taong –bayan ang kanilang kalaban. Dahil dito,
noong gabi ng Pebrero 25, 1986 , ang pamilyang
Marcos, kasama ang kanilang malalapit na
kaibigan ay umalis sa Malacaňang sakay ng
helicopter patungnong Clark Field at mula rito https://images.app.google/A4FZHLFjrDU1hEUT8

ay tumuloy sa Hawaii.
Sa wakas natapos na ang paghahari ng pamilyang Marcos. Ang
mapayapang rebolusyon ay tumagal ng apat na araw at nagwakas sa
paghahari ng pamahalaan diktatoryal. Noong araw na iyon ay napuno ng
kagalakan at pagdiriwang ang sambayanang Pilipino sapagkat sa wakas ay
naibalik ang tunay na demokrasya at katarungang matagal na nilang
inaasam-asam.

Pagyamanin
Basahing mabuti ang mga tanong at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang ahensiya ng pamahalaang opisyal na namamahala sa bilangan


tuwing eleksiyon.
a. NAMFREL c. COMELEC
b. CAPM d. National Election Movement
2. Ito ay nangangahulugang isang mapayapang paraan ng pagtutol sa
mga ipinatutupad ng pamahalaan at di pagtangkilik sa mga sebisyong
ibinigay nito.
a. coup d’etat c. mapayapang demonstrasyon
b. Lakas ng Bayan d. civil disobedience
3. Ang pangulong ito ay gumamit ng islogang “Tama Na, Sobra Na,
Palitan Na!” sa kanyang pangangampanya.
a. Ferdinand Marcos c. Gloria Arroyo
b. Corazon Aquino d. Fidel Ramos
4. Sa mga araw na ito nangyari ang makasaysayang Rebolusyon sa
EDSA.
a. Pebrero 22-25, 1986 c. Pebrero 16-19, 1986
b. Pebrero 19-22, 1986 d. Pebrero 24-27, 1986
5. Ito ang uri ng pamahalaang naghari matapos mapabagsak ang
rehimeng Marcos.
a. aristokrasya c. monarkiya
b. demokrasya d. awtokrasya

Isaisip

 Noong ika-7 ng Pebrero 1986 ay idinaos ang Snap Election o


Biglaang Eleksiyon kung saan sina Ferdinand Marcos sa ilalim
ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) at Corazon Aquino
sa ilalim ng partidong UNIDO ang naglaban sa pagkapangulo.
 Bukod sa COMELEC na siyang opisyal na namamahala sa
bilangan tuwing eleksiyon ay pinahintulutan ding makilahok
ang NAMFREL para matiyak ang malinis at makatarungang
eleksiyon.
 Hindi nagkatugma ang resulta ng ginawang pagbibilang ng
boto ng COMELEC at ng NAMFREL. Di umano ay nagkaroon
ng malawakang dayaan na naging daan upang maglunsad si
Cory ng civil disobedience.
 Noong Pebrero 16, 1986, sa gitna ng kaguluhan ay ipinahayag
ng Batasang Pambansa na si Marcos ang nagwagi sa eleksiyon.
 Hindi natanggap ng sambayanang Pilipino ang naging resulta
ng eleksiyon kung kaya’t nangyari ang makasaysayang EDSA
Revolution na dinaluhan ng milyon-milyong Pilipino.

Isagawa
Pumili ng isang larawan sa ibaba at bigyan ng sariling
interpretasyon/talakayan.
Tayahin
A. Pagtambalin ang mga pahayag sa Hanay A sa mga salita sa Hanay
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
A B

1. Ito ang uri ng pamahalaang naghari a. Hawaii


matapos mapabagsak ang rehimeng b. diktador
Marcos. c. Suffrage
2. Sa kanya nanumpa si Pangulong d. Fidel Ramos
Corazon Aquino bilang pangulo ng e. Claudio Teehankee
f. Vicente Abad Santos
bansa.
g. Demokrasya
3. Sa kanya nanumpa Si Salvador Laurel h. Hen. Artemio Tadiar
bilang pangalawang pangulo
4. Ang heneral na namuno sa isang convoy
na kinabibilangan ng tatlong batalyong
sundalo na dumating sa EDSA
5. Siya ang Vice-Chief of staff ng
Sandatahang Lakas na tumiwalag sa
administrasyong Marcos.
6. Dito tumungo ang pamilyang Marcos
kasama ang kanilang malalapit na
kaibigan noong sila ay umalis sa
Pilipinas.
7. Karapatang Bumuto
8. Namamahala sa pamahalaang diktatoryal
kung saan siya ay kalimitang namumuno
sa pamamagitan ng puwersa o dahas.

B. Suriin ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino nagbigay-daan sa


pagwawakas ng Batas Militar sa pamamagitan ng pagpuno sa mga
nawawalang kaisipan nito. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
9. Inilunsad ni Corazon Aquino ang civil disobedience sapagkat_______________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
10. Libo-libong taong nagpamalas ng kanilang suporta kay Corazon Aquino
dahil______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Sanggunian

Julian, A.G. & Lontoc, N. (2016). Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino, pp.342-
356, ph. 132-136, Phoenix Publishing House Inc., Quezon City, Philippines.

Palu-ay, Alvenia P., (2006), Makabayang Kasaysayang Pilipino 5, ph. 256-265,


LG&M Corporation, Araneta Avenue, Cor. Maria Clara Street, Quezon City
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Bohol

Office Address : 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon, Tagbilaran City


Telefax: : (038) 501-7560
E-mail Address : deped.bohol@deped.gov.ph

You might also like