You are on page 1of 11

DISASTER

MANAGEMENT
Disaster Management
■ ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop
sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa,
pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol
Mga termino o konsepto sa Disaster Management
■ Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
a. Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa mga hazard na
bunga ng mga gawain ng tao.
b. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
■ Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
■ Vulnerability - Tumutukoy ito sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard.
■ Risk - ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng
isang kalamidad.
■ Resilience - Ito tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot
ng Kalamidad
Community-Based Disaster Risk
Management
■ ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga
pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari
nilang maranasan.
bottom-up approach

■ Isa sa mga katangian ng approach na ito ay ang


malawak na partisipasyon ng mga mamamayan
sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain
sa pagbuo ng desisyon
top-down approach
■ Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa
pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na
tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
Gawin Natin:
Sa pamamagitan ng iba’t- ibang malikhaing pamamaraan gaya
ng Pagsulat ng Sanaysay, Tula, Poster Making at Slogan Making
o iba pa. Gumawa ng isang likha na may Tema o Paksa na “Ang
Epekto ng Climate Change at ang aking simpleng tugon
upang malutas ito”. Gawin ito ng malikhain.

You might also like