You are on page 1of 2

FIRST QUARTER: Araling Panlipunan Reviewer

Disaster Risk Management System Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama (2008).

Disaster Management
- Tumutukoy sa iba't ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon
ng sakuna, kalamidad, at hazard.

Hazard
- tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.

• ANTHROPOGENIC HAZARD ( HUMAN - INDUCED HAZARD)


- tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
hal: Pabrika, waste/mga basura

• DISASTER
- ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
hal: Bagyo, landslide

• VULNERABILITY
- tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastraktura na may mataas na posibilidad
na naapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang
naimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan.
hal: mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa
hindi matibay na materyales.

• RISK
- ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng
isang kalamidad.
- ang mga lugar na vulnerable ay may mataas na risk ( for example, since vulnerable nga yung
isang lugar, mas may mataas of risk yung lugar na matamaad ng mga hazard kaya mas malaki
ang impact o pinsala nito)

• RESILIENCE
- pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na
harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring
istruktural, ibig sabihin ay isinasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging
matibay. Maaari ring ito ay makita sa mga mamamayan
hal: ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging
ligtas sa panahon ng kalamidad.

TOP DOWN APPROACH


- Sa proseso na ito ang desisyon at konsepto sa mga gawain ay nagmumula sa tao na may
mataas na posisyon. Samantalang, ang mga nasa ibaba ay sumusunod sa iniuutos sa kanila.
GOVERNMENT (susundin) = MAMAMAYAN/COMMUNITY (susunod)

BOTTOM-UP APPROACH
- Sa proseso na ito ang komunidad, empleyado, organisasyon at iba pang walang mataas na
katungkulan ay kabilang sa desisyon. Ang kanilang karanasan ay ginagamit upang mapalawak
ang pagkakaunawa sa problema.
KOMUNIDAD -> GOVERNMENT

You might also like