• Instructor: Jerwin Kennard M. Bacani KOMUNIKASYONG TEKNIKAL KOMUNIKASYON Pagpapahayag ng mensahe o impormasyon sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan TEKNIKAL • May katangiang espesyal na ginagamit lamang sa natatangi o espesyal na sitwasyon • Espesyalisadong anyo ng komunikasyon na naihahalintulad sa iba pang uri ng mga sulatin bagaman ito ay may tiyak na awdiyens layunin, estilo, pormat, sitwasyon, nilalaman at gamit bilang pangunahing element. Mga Elemento ng komunikasyong teknikal: • Awdiyens • Layunin • Estilo • Pormat • Sitwasyon • Nilalaman • Gamit AWDIYENS
•Nagsisilbing tagatanggap ng mensahe LAYUNIN
• Ito ang dahilan kung bakit
kinakailangang maganap ang pagpapadala ng mensahe. ESTILO •Kinapalolooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung papaanong mahusay na maipadadala ang mensahe. PORMAT •Ginabayang estruktura ng mensaheng ipadadala SITWASYON
•Pagtukoy ito sa estado kaugnay
sa layuning nais iparating ng mensahe NILALAMAN •Dito nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon. GAMIT •Ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang mensahe KATANGIAN Oryentasyong nakabatay sa awdiyens
•Ang mensahe ay kinakailangang
mula sa pananaw ng awdiyens at hindi sa manunulat. NAKAPOKUS SA SUBJECT
• Sa pagsulat teknikal higit na binibigyang-
pansin ang pangunahing paksa ng usapan dahil dito ibinabatay ang lahat ng impormasyong sangkot sa pagtalakay Kumakatawan sa manunulat • Ang katangiang ito ang nagpapakilala kung ano at sino ang sumulat o ang kultura ng organisasyong kaniyang kinabibilangan. Tumutukoy rin ito kung anong imahe ang nais ipakita ng manunulat na sumasalamin sa samahang kabahagi siya. Kolaborasyon • Maituturing itong proceso tungo sa mahusay na pagbuo ng anumang uri ng komunikasyong teknikal. Dito nagsasama-sama ang iba’t ibang indibidwal na may magkakaibang kasanayan sa pagbuo ng komunikasyong inaasahan. Pagsusuri Teknikal Komunikasyon Pormat Gamit Layunin Kolaborasyon Awdiyens Nilalaman Manunulat •Oryentasyong nakabatay sa awdiyens •Nakapokus sa subject •Kumakatawan sa manunulat •kolaborasyon