You are on page 1of 17

Mga Tao na Tumutulong

sa ating Komunidad
Ang mga Pilipino ay likas na matulungin sa kapwa. Tayo ay may
taglay na magagandang ugali na ginagamit sa pagtutulungan para sa
kaunlaran ng bayan.
Ang bawat Pilipino ay may kanya-kanyang paraan ng pagpapaunlad sa
sarili at sa kapwa Pilipino. Pinakamalaking pangkat ng Pilipino ay mga
magsasaka. Sila ang nagbibigay sa atin ng pagkain tulad ng kanin,
lamang-ugat, mais, gulay, prutas, karne. Ang mga mangingisda ang
nagbibigay ng isda at lamang-dagat.
Ang pangkat ng mga manggagawa ay kinabibilangan ng mga
taong naghahanda ng mga pagkain gaya ng mga kusinero sa mga
restawran, mga panadero,at manggagawa sa mga pagawaan ng
de-latang pagkain at processed meat.
May mga manggagawa na gumagawa ng mga damit gaya ng
mga trabahador sa garments factory, mga mananahi o modista,
mga sastre, at mga gumagawa ng bag at sapatos.
May mga manggagawa ng bahay gaya ng karpintero, plumber
o tubero, elektrisyan, mason at iba pa.
May propesyonal naman ang nagbibigay ng serbisyo gaya ng
mga guro, doctor, nars, inhinyero, abogado, dentista, at iba pa.
Mga Taong tumutulong upang
magbigay ng ating pagkain
A. Ang mga magsasaka
Sila ang nagtatanimng maraming produkto upang magsilbing
pagkain ng mga mamayan. Ilan sa kanilang mga pananim ay palay,
mais, gulay, prutas, at iba pang produktong pang-agrikultura. Masipag
ang isang magsasaka. Habang naghihintay ng anihan ay nagtatanim
naman siya ng gulay at mais. Nagtatanim din siya ng mga puno na
nagbubunga ng mga prutas.

B. Ang mga mangingisda


Ang mga mangingisda ay nagbibigay sa atin ng yamang dagat
tulad ng isda, kuhol, talaba, hipon, alimango, at iba pa. Tayong mga
Pilipino ay mahilig sa produktong nakukuha sa mga anyong tubig.
C. Ang mga Nag-aalaga ng mga Hayop
Nagbibigay din ng ating mga pangangailangan ang mga
nag-aalaga ng mga hayop tulad ng baboy, baka, kalabaw,
kambing, manok at iba pa.
Ang alagang mga hayop na ito ay nagbibigay sa atin ng
itlog, gatas, mantikilya, karne at iba pa.

D. Ang mga Panadero


Ang mga Panadero ang gumagawa ng tinapay, cookies,
cakes, at iba pang produkto.
Ang iba sa atin ay kumakain ng tinpay sa almusal.
Mahusay ang mga Pilipino sa paglikha ng iba’t ibang cake,
tinapay o cookies, at iba pa.
C. Ang mga Manggagawa sa Pabrika
Nakakatulong din ang mga manggagawa sa pabrika na
gumagawa ng mga pagkain at itoý isinasalata o pinipreserba. Ang
halimbawa ng mga pagkaing ito ay sardinas, karne, hatdog, gulay,
minatamis na prutas, atsara, at iba pa.

D. Ang mga Mananahi


Ang mananahi o modista ay nanahi ng damit para sa
mga kababaihan. Ang mga damit na iyon sa bestida, palda,
blusa, at iba pa. Ang ibang tinatahi nila ay dinadala pa sa
ibang bansa.
Ang sastre ay nanahi ng damit para sa kalalakihan. Sila
ay nanahi ng pantalon, polo, barong, jacket, short, pants, at
iba pa. Mahuhusay ang ating mga sastre.
E. Ang Sapatero
Ang manggagawa ng sapatos o sapatero ay gumagawa ng
sapatos, tsinelas, bakya, sandals, sinturon, bag, at iba pa.
Kilala sa ibang bansa ang ating mga sapatero at mga sapatos
na kanilang ginawa.

F. Karpintero
Ang mga karpintero ay gumagawa ng bahay at mga
gusali. Sila rin ang nag-aayos ng kasiraan sa bahay at gusali.
Sila ay gumagawa rin ng silya, sopa, mesa, cabinet, kama,
at iba pang kagamitan sa bahay at opisina.
G. Tubero
Ang mga tubero ay gumagawa ng tubo para magkatubig sa
loob ng bahay. Ang tubig ay pinadadaloy nila sa tubo ng gripo at
sa mga palikuran at maging sa andilig ng mga halaman.
Ginagamit ito sa iba pang bagay.

H. Elektrisyan
Ang mga elektrisyan ang nagkakabit ng mga kawad ng
kuryente sa mga bahay at gusali. Isinasaayos din nila ang mga
sirang kawad at iba pa. Kapag hindi maayos ang kawad ng
kuryente, maaari itong pagmulan ng sunog.
Mga Taong Nagbibigay ng mga
Paglilingkod
I. Doktor
Ang mga doktor ay tumutulong upang mapangalagaan
ang kalusugan ng mga mamamayan. Sila ang gumagamot ng
mga maysakit. Nagrereseta rin sila ng gamut upang gumaling
ang maysakit. Mahalaga ang mga doctor sa mga pamayanan.

J. Nars
Ang mga nars ay tumutulong sa doctor sa pangangalaga
ng kalusugan at mga maysakit sa isang pamayanan. Sila ay
matiyagang nag-aalaga ng mga maysakit.
K. Dentista
Ang mga dentista ang nangangalaga ng ating mga
ngipin. Binubunot din nila ang mga sirang ngipin. Inaayos
din nila ang ating mga ngipin na hindi maganda ang tubo.
Tumutulong sila upang mapangalagaan ang mga ngipin ng
mga mamamayan.

L. Guro
Ang mga guro ang nagtuturo sa mga bata na sumulat,
bumasa, at magbilang. Tinuturuan din nila ang mga mag-
aaral na maging mabuting anak at mamamayan. Mahalaga
ang tungkuling kanilang ginagawa sa isang pamayanan. Sila
ang gumagabay sa tin upang bigyan tayo ng kaalaman.
M. Pulis
Ang mga pulis ang siyang nangangalaga sa kapayapaan ng bawat
pamayanan. Pinapanatili nila ang katahimikan sa bawat pamayanan.
Hinuhuli nila ang mga taong lumalabag sa batas. Sila ang
tumutulong sa atin upang maligtas tayo sa masasamang tao at maging
mapayapa ang ating kapaligiran

N. Basurero
Ang mga basurero ang naghahakot ng mga basura sa bawat
tahanan. Tumutulong sila upang maging malinis ang paligid at hindi
kumalat ang anumang sakit na dala ng mga insekto at maduming
hayop. Mahalaga ang ginagampanan. Kapag wala sila ay magiging
madumi ang ating paligid at magkakasakit ang mga mamayan.
PANUTO: Basahin ang mga salita sa kahon. Isulat ang bawat bilang sa tamang hanay sa
ibaba.
Taong tumutulong Taong tumutulong sa Taong tumutulong Taong tumutulong
upang magbigay ng pagsasaayos ng upang tayo ay upang maging
pagkain tirahan maging malusog at maayos ang ating
ligtas pananamit at
kagamitan

1. Sapatero 5. sastre 9. panadero


2. Guro 6. magsasaka 10. basurero
3. Karpintero 7. pulis
4. Dentista 8. tubero

You might also like