You are on page 1of 26

ANG BUWANG

HUGIS SUKLAY
Sa inyong palagay, bakit nga ba sa gabi ay
buwan ang lumalabas at sa umaga ay ang
araw?
Paglinang sa talasalitaan
Mia Noi Salitang Lao na
nangangahulugang
pangalawang asawa
na mas bata pa sa
una.
MGA TAUHAN
1. Mangingisda
2. Lolo
3. Lola
4. Anak na lalaki
5. Tagapangalaga ng tindahan
6. Asawang babae
Ang buwang hugis suklay
Noong unang panahon, may isang mangingisda ang
lumuwas ng siyudad upang bumili ng kanyang gagamitin
sa pangingisda.
Bago ito umalis ay nagbilin ang asawa at anak nito na
bumili ng kendi at suklay na hugis buwan. Upang hindi
malimutan ng mangingisda ang bilin ng asawa na bumili
ng suklay na hugis buwan, ay tumingala lamang daw ito
sa langit upang maalala ang bibilhin.
Noong araw na iyon, ang buwan ay nagsisimula
nang maghugis suklay. Nagsimula nang
maglakbay ang mangingisda at inabot din ng ilang
araw bago ito makarating sa syudad. Nang
makarating ay agad itong pumunta ng tindahan at
binili ang kanyang kailangan sa pangingisda pati
na rin ang kendi para sa kanyang anak. Ngunit
nakalimutan naman nito ang pinabibili ng kanyang
asawa.
Kayat ang lalake ay nagpa ikot ikot sa tindahan
upang hanapin kung ano ba ang pinabibili ng
kanyang asawa. Napansin ito ng nagtitinda at nag
tanong kung maari ba nitong tulungan ang lalake
sa kanyang hinahanap. "Hinahanap ko ang
pinabibili ng aking asawa" saad ng mangingisda.

"Pampapula ho ba ng labi"? Saad ng nagtitinda


"Hindi" tugon naman ng mangingisda
"Pitaka?"
"Hindi rin"
"Unan?"
"Ah naalala ko na!" saad ng mangingisda.
Sinabi nito na tumingala lamang daw upang
maalala ang kanyang bibilhin.
Doon ay nakita ng mangingisda at nagtitinda ang
bilog na bilog na buwan. Nang makita ang buwan ay
inabot ng nagtitinda ang isang bilog na salamin.
Sigurado daw ito na ang salamin ang pinapabili ng
asawa ng mangingisda.
Nang matapos na sa pamimili ay agad ding
umuwi ang mangingisda at nang makarating sa
kanila ay nag-aabang na ang kanyang asawa, anak
at ama't ina ng mangingisda.
"Kumuha ka ng kendi" saad ng mangingisda sa
kanyang anak.
"Natandaan mo pa ang pinabibili ko sayo?" saad ng
asawa ng mangingisda
Agad namang inituro ng lalake ang kanyang pinamili.
"Wala naman dito ang suklay na hugis buwan!" tugon
ng misis ng lalake. Kinuha naman ng mangingisda ang
kanyang mga pinamili at inabot sa kanyang asawa ang
lalagyan na may lamang salamin.
Nabigla naman ang asawa ng lalake ng makita
ang nasa repleksyon ng salamin.
"Bakit ka nagdala ng mia noi?"
(Ang mia noi ay mga salitang Lao na katumbas ng
pangalawang asawa na mas bata sa unang asawa.
Ito'y bahagi ng lipunang Thai at Lao.)
Kinuha naman ng ina ng lalake ang salamin at
ganoon din ang naging reaksyon nito ng tignan ang
salamin.
"Nakakadiri ka at naguwi kapa ng mia noi na
matanda at kulubot pa!".
Kinuha naman ng anak ng lalake ang salamin at
sinabi nitong
"Lolo tignan nyo kinuha nya ang aking kendi at
kinakain pa". Dali daling hinablot ng lolo ang
salamin mula sa bata at nang makita din ang
repleksyon ay nainis ang matanda dahil tila nang
aasar
ang taong nasa salamin. Dahil sa inis ay kumuha
ang matanda at patalim nakita rin nito na may
patalim din ang taong nasa salamin. "Sasaksakin
din nya ako!" galit na tugon ng lolo. At dahil dito
ay inundayan ng saksak ng matanda ang salamin.
"Ngayon ay hindi kana makakagambala pa" Saad
ng lolo.
pakinggan natin ang kwento
1. Bakit tinawag na hugis-suklay ang buwan?

2. Saan patungo ang mangingisda at ano ang


ipinabibili sa kanya ng kanyang asawa at
anak?

3. Ano ang dahilan ng pagkakagulo ng mag-


anak? Ilahad.
4. Ano-ano ang mga kaugaliang
ipinakita ng bawat karakter?

5. Magtala ng mga gawi, kilos, at


karakter ng mga tauhan na nabanggit
sa akda.
ANG PAGLALAPI
Ang paglalapi ay ang pagbubuo ng salita
sa pamamagitan ng pagsasama ng panlapi
at salitang-ugat. Nagkakaroon lamang ng
iba't ibang anyo at kahulugan ang
salitang-ugat kapag ito ay kinakabit sa
iba't ibang panlapi.
Sa lingguwistika, ang panlapi ay isang
morpema na ikinakabit sa isang
salitang-ugat upang makabuo ng isang
bagong salita o anyo ng salita.
1. Pag-uunlapi. Ang panlapi ay makikita
sa unahan.
Halimbawa: kina+kain= kinakain
Um+alis= umalis
magkasin+tunog= magkasintunog
2. Paggigitlapi. Ang panlapi ay makikita
sa gitna ng salitang-ugat.
Halimbawa: -mu+kuha= kumuha
-ngi+mangisda= mangingisda
-mu+luwas= lumuwas
3. Panghuhulapi. Ang panlapi ay
makikita sa hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa: -in+saksak= saksakin
-an+dilig= diligan
-hin+basa= basahin
4. Pag-uunlapi at paghuhulapi. Ang panlapi ay
makikita sa unahan at sa
hulihan.
Halimbawa: ka+bayan+an= kabayanan
ka+gamit+an= kagamitan
makikipag+pusta+han= makikipagpustahan
na+tanda+an = natandaan
maraming salamat
sa
pakikinig
PANUTO: Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat
upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. ______alis ang aking Tito papuntang


Singapore.
2. Ang mga bata ay _________aaral para sa
pagsusulit bukas.
3. _______laro ako sa park kanina.
4. T_________ulong ako sa aking guro
magbuhat ng libro.

5. Maari mo ba akong
sama__________ sa bookstore?
PANUTO: Punan ng angkop na panlapi ang
mga salitang-ugat na nasa kahon. Gamiting
gabay ang halimbawa.

You might also like