You are on page 1of 10

Araling Panlipunan 9

ANG
PRODUKSYON

Barry R. De Castro, LPT


MGA LAYUNIN SA
PAGKATUTO:
• ·Natatalakay ang kahulugan at mga konsepto ng
produksyon.
• ·Nasusuri ang mga proseso na nagaganap sa produksyon.
• Naipaliliwanag ang iba’t ibang anyo ng produksyon.
ANO NGA BA ANG
PRODUKSYON?
KAHULUGAN NG
PRODUKSYON
Ang produksyon ay tumutukoy sa proseso ng
pagpapalit-anyo o transformation ng mga input
upang makalikha ng mga goods at services o
outputs.

Ang input o salik ng produksyon ay ginagamit


sa paggawa ng produkto. Halimbawa nito ang
mga hilaw na materyales na tuwirang kinukuha
mula sa mga likas na yaman. Output
naman ang tawag sa mga produkto o serbisyo
na nabuo sa pagsasama-sama ng mga input.
MGA URI NG
PRODUKTO AYON
SA PAGGAMIT

Ang final o end-product ay tumutukoy sa


mga produktong direktang ginagamit o
kinokonsumo ng mga mamimili. Kadalasan,
ang mga end-product ay ginagamit sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga konsumer.
MGA URI NG
PRODUKTO AYON SA
PAGGAMIT
Ang products with derived use ay ang mga
produktong ginagamit sa paggawa ng
panibagong produkto. Kadalasan ay
tinatawag din ang mga ito bilang capital
goods. Ang
mga produktong ito ay tipikal na ginagamit
ng mga industriya upang mapabilis ang
kanilang produksyon ng iba pang produkto.
Halimbawa nito ay mga makina na ginagamit
sa paggawa ng damit na ibebenta.
MGA URI NG PRODUKTO
AYON SA ANYO
GOODS AT SERVICES
Ang goods ay mga produktong nahahawakan o tangible. Ang services naman ay mga produktong hindi
nahahawakan o intangible. Kadalasang natatamasa ito sa pagharap sa iba’t ibang pampubliko at pribadong
transaksyon na nangangailangan ng propesyonal o teknikal na tulong.
MGA SALIK NG PRODUKSYON
ANG PAG-AARAL SA
PRODUKSYON
(Makroekonomiks at
Mikroekonomiks)

Ang lebel ng produksyon sa isang bansa ay


isang indikasyon ng kung
gaano kasigla ang ekonomiya rito.

Samantala, ang pag-aaral ng produksyon sa


mikroekonomiks ay nakapokus sa pag-aaral
ng kung paano nagdedesisyon ang mga
bahay-kalakal upang sila ay makagawa ng
mga produkto sa pinakamurang halaga.

You might also like