You are on page 1of 2

Mga Aktor at Pamilihan sa Paikot na Daloy Kahalagahan

1. Sambahayan Ang sambahayan ay isang sektor sa ekonomiya


na kinabibilangan ng mga pamilya o ng mga tao na
kumikita ng pera. Ang sambahayan din ang bumibili
sa mga produkto at serbisyo ng mga bahay-kalakal.
Dahil dito, masasabi natin na ang sambahayan ang
nagbibigay ng kita sa mga bahay-kalakal. Ginagamit
ng mga nasa sambahayan ang mga produkto at
serbisyo para sa ikauunlad nila; tulad ng eduksayon,
kalusugan, at marami pang iba.

2. Bahay-kalakal Ang bahay-kalakal ay napakahalaga dahil kaya nitong


lumikha ng mga produkto. Sa plano ng produksiyon,
maitatakda ng bahay-kalakal ang uri at dami ng mga
produkto na kakayaning malikha. Dito din maitatakda
ang dami at halaga ng mga salik na gagamitin sa
produksiyon. Bukod dito, dito din maitatakda ang
halaga ng mga produktong ipagbibili. Dito natin
mababatid ang iba pang mga desisiyon na kailangang
isagawa ng bahay-kalakal sa hinaharap.
3. Pamahalaan Ang pamahalaan ay importante rin dahil sila ang
nagsisilbing tagapamahala kung maayos at maunlad
ba ang ekonomiya ng ating bansa. Tungkulin nilang
siguruhin na wasto ang produksiyon ng mga produkto
at serbisyo na kinakailangan ng mga mamamayan. Isa
pa, sila din ang nag-iisip ng mga mahahalagang
hakbang para mapaunlad ang ekonomiya ng ating
bansa sa pamamagitan ng tulong ng mga nasa paligid
nating mga bansa.

4. Pamilihang Pinansiyal Ang pamilihang pinansiyal o Financial Market ay isang


merkado o isang institusyon na pinagkukunan ng mga
taong negosyante ng salapi upang magpatayo ng
isang negosyo. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
mga sumusunod; bangko, pawnshops, insurance
company, kooperatiba, at marami pang iba.
5. Panlabas na Sektor Napakahalaga ng panlabas na sektor dahil hindi lahat
ng kailangan natin ay nasa loob ng ating bansa.
Kailangan natin ng ugnayan sa panlabas na sektor
para sa pag-angkat natin sa mga produkto. Sa ating
bansa, mahalaga ang panlabas na sektor para sa mga
produkto nating petrolyo dahil wala naman tayong
sapat na suplay ng enerhiya sa loob ng ating bansa.
6. Pandaigdigang Pamilihan Ang pandaigdigang pamilihan o World Market ay
napakaimportanteng bahagi ng paikot na daloy ng
ekonomiya dahil dito nagaganap o naisasagawa ang
mga operasyong pangkalakalan sa pagitan ng mga
ibat-ibang bansa. Sa tulong ng pandaigdigang
pamilihan, ay nakukuha natin ang mga bagay na
kinakailangan natin na kung saan ay wala sa loob ng
ating bansa.
7. Pamilihan ng mga Tapos na Produkto Ang pamilihan ng mga tapos na produkto ay isang
pamilihan kung saan ang mga mamamayan o
mamimili ay bumibili ng mga produkto o serbisyo
upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan
sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga ito. Kung
wala ang pamilihan na ito, hindi mabubuhay ang mga
tao dahil wala silang pagkukunan ng mga pagkain na
kakailanganin nila sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay sa loob ng ating bansa.
8. Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon Ang pamilihan na ito ang pinagkukunan ng mga
sambahayan at bahay-kalakal ng mga produkto at
serbisyo. Sa madaling salita, ang pamilihan ng mga
salik ng produksiyon ang pinanggagalingan ng mga
produkto na ipinagbibili ng mga sambahayan at
bahay-kalakal. Kung wala ang pamilihan na ito, hindi
rin gagalaw ang sambahayan at bahay-kalakal. Sa
kabuuan, ang pamilihan na ito ang nagkokontrol sa
sambahayan at bahay-kalakal.

You might also like