You are on page 1of 10

LINGGUHANG

PAGBASA
Ang Isdang Lumilipad
Higit na marami ang uri ng isda
kaysa sa uri ng mga hayop sa
lupa. Humigit kumulang sa 20,000
ang uri ng mga isda ang kilala na.
Taun-taon ay marami pang uri ang
natutuklasan.
Nakatutuwa ang tinatawag na isadang lumilipad.
May uring iisang pares lamang ang palikpik at may
uring dalawang pares ang palikpik. May uring
dalawang pulgada lamang ang haba at mayroon
din naming humahaba nang 18 pulgada. Sa mainit
na karagatan lamang na tulad ng Karagatang
Atlantiko matatagpuan ang mga ito. Langkay-
langkay kung maglakbay ang mga isdang ito kaya’t
nakatutuwang malasin kung biglang
mangagsilipad.
Matingkad na asul ang tagiliran at likod ng mga
isdang ito na puting-puti na animo’y pilak ang
gawing tiyan. Ang palikpik ay mahaba’t malalapad
na kapag ibinukay nagsisilbing pakpak. Upang
mapasa-hangin, lumalangoy muna ang mga
isdang ito nang mabilis at nakatikom sa
magkabilang tagiliran ang mga pakpak upang
mabigyang buwelo ang pagtaas. Kapag malapit
nang umangat, biglang inihahampas ang buntot sa
tubig upang ang sikad ay lumakas.
Kung tutuusin, hindi ito ang tunay na paglipad na
tulad ng isang ibong ikinakampay ang mga
pakpak. Pag-angat sa tubig, ibinubuka lamang
nito ang mga palikpik na parang pakpak. Sa
ganitong paraan ay nakalilipad na wari nang
1,000 talampakang layo sa taas na 75
talampakan buhat sa kapatagan ng tubig. Ang
taas na maaaring maabot nila’y batay sa kanilang
laki.
Ang mga isdang ito’y pumapaitaas
kung kailangnagn umiwas sa kapwa
isang maaaring kumain sa kanila, tulad
ng balyena, pating, sabalo at iba pang
malalaking isda, o dili kaya’y kung
nabubulabog sa mga saakyang
pantubig.
PANUTO: Isulat ang letra ng wastong sagot sa
unahan ng bawat bilang.

1.Paano naglalakbay ang mga isdang


lumilipad?
a.Isa-isa c. Pares-pares
b. pangkat-pangkat d. langkay-langkay
2. Saang uri ng karagatan matatagpuan ang
mga isdang ito?
b.Maiinit c. mabababaw
b. malalalim d. malalamig
3. Aling bahagi ng isadang ito ang
nagsisilbing pakpak?
a.Buntot c. hasang
b.kaliskis d. palikpik
4.Mga ialng uri ang isdang lumilipad?
c.Mga 50 uri c. mga 65 uri
d. mga 150 uri d. mga 100 uri
5.Saan nababatay ang taas na maaaring
maabot ng mga isdang ito?
e.Sa kulay c. sa uri
b. sa laki d. sa pangangailangan
Susi sa
Pagwawasto
1. D 4. C
2. A 5. B
3 .D

You might also like