You are on page 1of 32

FEASIBILITY

STUDY
Ano ba ang feasibility study?
Ito ay isang pag-aaral na ginagawa
upang malaman ang iba’t ibang
sangkap at epekto ng iminumungkahing
produkto at serbisyo kung ito ba ay
naaayon sa pangangailangan sa
pamilihan.
Ang feasibility study ay isang pag-aanalisa na
maisasakatuparan ang ideya. Ito rin ay
nakapokus sa pagsasagot ng mga esensyal
na katanungan tulad ng “Tayo ba ay
magpapatuloy sa mungkahing proyekto o
ideya”.Ang lahat ng aktibidad ng pag-aaral ay
direktang nakatutulong sa pagsagot ng mga
katanungan
May mga bahagi ang
feasibility study

1. Pangkalahatang lagom/Executive
Summary. Ito ay nagbibigay ng kabuuang
pagtanaw ng lalamaning feasibility. Madalas,
huli itong isinusulat kapag buo na ang lahat
ng iba pang bahagi.
May mga bahagi ang
feasibility study
2. Paglalarawan ng Produkto at o Serbisyo.
Malinaw na inilalarawan sa bahaging ito ang
produkto/ serbisyong iminumungkahing
ibenta /ibigay.Mahalagang mabigyang-diin
ang kalakasan ng produkto/ serbisyong
ibinibigay at kung anong benepisyo nito sa
gagamit.
May mga bahagi ang
feasibility study
3. Kakailanganing teknikal na kagamitan.
Ipinapaliwanag nito ang mga konsiderasyong
kinakailangan kaugnay ng aspektong
teknolohikal.
May mga bahagi ang
feasibility study
4. Marketplace. Inilalarawan sa bahaging ito
ang pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta
ang produkto. Tinitiyak ng bahaging ito ang
iba pang kaparehong produkto o serbisyong
ibinibigay at kung ano ang bentahe nito sa iba
pang produkto /serbisyo.
May mga bahagi ang
feasibility study
5. Estratehiya sa Pagbebenta.Tatalakayin sa
bahaging ito ang paraan kung paano
maipaaabot sa gumagamit ang produkto/
srbisyo. Iniaaayon ng marketing ang kailangan
at kaparaanan kung paano mahihikayat at
kunin ang produkto/ serbisyo.
May mga bahagi ang
feasibility study

6. Mga Taong may Gampanin sa Produkto/ o


Serbisyo. Tinitiyak sa bahaging ito ang mga
tao at ang kanilang espesipikong trabaho para
sa produkto/ serbisyo.
May mga bahagi ang
feasibility study

7. Iskedyul. Itinatakda sa bahaging ito ang


panahon kung kailan dapat magawa ang mga
produkto/ serbisyo.
May mga bahagi ang
feasibility study

8. Projection sa Pananalapi at Kita. Tinitiyak


sa bahaging ito kung mayroong nakikitang
benepisyong pampananalapi
May mga bahagi ang
feasibility study

9. Rekomendasyon. Inilalahad sa huling


bahagi ang paglalagom at pagbibigay
mungkahi batay sa ikalawa hanggang
ikawalong bahagi.
Panuto: Kilalanin ang mga impormasyon sa ibaba ayon sa
wastong hakbang sa pagbuo ng feasibility study. Roman
Numeral na bilang I-IX lamang ang isulat sa kuwaderno.

I.Pangkalahatang Lagom
II. Paglalarawan sa Produkto o Serbisyo
III.Kakailanganing Teknikal na Kagamitan
IV.Marketplace
V. Estratehiya
VI. Mga Taong May Gampanin sa Produkto o Benepisyo
VII.Iskedyul
VIII.Projection sa Pananalapi at Kita
IX-Rekomendasyon
________1.
VIII Sugbahan 200.00php.kada piraso
Mayroong 10 piraso
200.00php.x10=2000.00php.(Kabuuang
kita)
IX
________2. Iminumungkahi ng mga gumagawa ng
panukala o proyekto na gumawa ng isang website
sa Facebook at idisplay ito sa Bid for me, para mas
madaling makita ng mga tao o kostumer sa sosyal
midya.
VII
________3. Biyernes (8am hanggang 5pm)
Sabado (9am hanggang 6pm)
Linggo (1pm hanggang 5pm)
I
________4. Ang Sugbahan ay isang produkto na yari sa
metal, ginawa ito upang mas mapadali ang pagluluto at
mas makatipid ng pera. Mas mainam itong gamitin dahil
ito ay matibay at matagal masira. Magaan ito at maaaring
madala kahit saan. Puwede itong malutuan ng malalaking
kaldero. Kinakailangan ng mga kagamitan para
makagawa ng sugbahan. Unang-una, ang welding
machine, rod at bakal. Kinakailangan din ang mga
proteksyon sa katawan para maiwasan ang
disgrasya.Ibebenta ang produkto/ serbisyo kung saan
maraming koneksyong mga konsyumer na mag-iimporma
sa iba tungkol sa produkto / serbisyo.din machine-
II
________5. Ito ay isang produktong yari sa
solidong metal na ginawa upang mas mapadali ang
pagluluto at mas makatipid ng pera dahil kahoy
lamang ang gamit nito. Hindi na kailangang bumili
ng uling kapag mag-iihaw dahil pagkatapos
magluto puwedeng gamitin ang natitirang baga
upang gamitin sa pag-iihaw katulad ng isda at
karne. Mas mainam itong gamitin kaysa sa
produktong yari sa clay dahil mas matibay ito at
matagal masira.
________6.
III Welding machine-ang makinaryang
ginagamit upang buuin ang produkto.
Welding rod- ang kapares ng welding machine na
ginagamit upang idiki – idikit ang mga parte ng
produkto.
Bakal- ang pinakaimportanteng materyales dahil ito
ang bumubuo sa parte ng Produkto.
VI
________7. Manedyer- ang nag-aasikaso sa
produkto/ serbisyo. Ang gumagabay sa lahat ng
plano at hakbang.Kahera- nag-aasikaso sa benta
ng produkto. Manggagawa- ang gumagawa ng
rodukto at nagdidisenyo.
IV
________8. Ibebenta ito sa hardware o sa
palengke upang mapadali ang bentahan.Mas
madali makita ng mga tao sa ganitong klaseng
lugar.Higit sa lahat ang produktong ito ay hindi
mabigat sa bulsa at siguradong tangkilikin ng
masa.
V
________9.Kung saan mayroong koneksyong mga
tao na mag-iimporma sa mga namimili o
konsyumer na mas tiyak ang produkto o
serbisyo(Cunanan,et al.,2017).
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat
pahayag. Isulat ang titik A kung tumpak ang
pahayag at B kung hindi sa sariling kuwaderno.
____1. Ang feasibility study ay karaniwang
ginagawa bago bumuo ng isang proyekto, negosyo
o pananaliksik.
____ 2. Hindi mahalaga ito kapag ikaw ay
mayroong negosyo, produkto o serbisyo na may
planong ibenta.
____ 3. Ang ibang tao bago tuluyang lumikha ng
isang negosyo o proyekto, nagsasagawa muna ng
feasibility study.
____ 4. Nakatutulong ang feasibility study
upang matiyak ang posibilidad na
maisakatuparan ang isang planong
gawain.
____ 5. Sa paggawa ng feasibility study,
hindi matitiyak ang pagtatagumpay ng
isang proyekto o serbisyo.
____ 6. Siyentipiko ang pag-aaral na
ginagawa ng feasibility study.
Kadahilanan kung bakit
isinasagawa ang feasibility study

1. Nagbibigay pokus sa mga proyekto at


alternatibong pagbabalangkas na plano.
2. Pinadadali ang konsepto ng
pagnenegosyo.
3. Matukoy ang bagong oportunidad sa
pamamagitan ng proseso ng pag- iimbestiga
Kadahilanan kung bakit
isinasagawa ang feasibility study

4. Matukoy ang mga dahilan upang


magpatuloy sa pagnenegosyo.
5. Mapaganda ang posibilidad na tagumpay
sa pag-alam ng mga salik na maaaring
makaaapekto sa proyekto.
6. Maibigay ang dekalidad na impormasyon
sa pagdedesisyon.
Kadahilanan kung bakit
isinasagawa ang feasibility study
7. Magbigay ng dokumentasyon sa
pagnenegosyo sa pamamagitan ng pag-
iimbestiga.
8. Makatulong sa seguridad ng pananalapi
mula sa mga institusyong nagpapahiram at
iba pang mapagkukunan nito.
9. Makatulong na makahikayat ng mga
namumuhunan
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga bahagi sa pagbuo ng
feasibility study. Gamitin ang titik A-para sa unang bahagi
hanggang titik I para sa panghuling bahagi.Isulat ito sa
sariling kuwaderno.
B 1. Paglalarawaan ng produkto at o serbisyo
____
A 2. Pangkalahatang lagom
____
D 3. Marketplace
____
C 4. Kakailanganing teknikal na kagamitan
____
F 5. Mga taong may gampanin sa produkto at o serbisyo
____
E 6. Estratehiya sa pagbebenta
____
H 7. Projection sa pananalapi at kita
____
I 8. Rekomendasyon
____
G 9. Iskedyul
____

You might also like