You are on page 1of 25

DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang
ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango


sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at
malayang kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na


tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula,
sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na
pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.

Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna -


matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at
ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at
ang kalutasan
ANGKAP NG DULA

•Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
•Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga
tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
•Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay
ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa
mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
•Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
•Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at
tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang
dula
•Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay
na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
•Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
•Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula;
ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
ELEMENTO NG DULA

1.Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
2.Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang
nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa
dula
3.Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na
pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
4.Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
5.Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng
ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood
Yesuge : Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong
iyan Temujin ay dapat ka nang pumili ng iyong
mapapangasawa.
Temujin : Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na
iyan. Ang kasal ay sa matatanda lamang.
Yesugei : Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin
na kapag nakapili ka na ng babaeng pakakasalan mo ay
magsasama na kayo. Isang simpleng pamimili lamang ng
babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong
pakakasalan.
1. Ang pinakakaluluwa ng isang dula at lahat ng bagay na
sinasaalang-alang sa dula ay naayon sa _______.
A. aktor B. direktor C. iskrip D. tanghalaan

2. Anomang pook na pinagpasyahang pagdausan ng


isang dula.
A. tanghalan B. Tagpuan C. Banghay D. Tunggalian
3. Ano ang sinasalamin ng kultura ng akdang “Munting
Pagsinta”?
A. Pagpili ng mapapangasawa habang bata pa lamang.
B. Pagsunod sa utos ng magulang na pumili ng
magiging asawa
C. Pagpapahalaga sa pinaniniwalaan ng pamilya
D. Pagpapaubaya sa magulang ng pagpapasya sa pag-
aasawa
4. Ang ibinunga ng pagtitiyaga ni Huiquan ay _____.
A. nakapag-isip-isip sya
B. may pagbabago sa buhay
C. hindi nawalan ng pag-asa
D. may hinaharap na kinabukasan
1. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob!”
Mahihinuha na ang damdaming nangibabaw sa dayalogong
ito ay _____.
A. pag-aalinlangan B. pagkalito
C. pagkagalit D. panunumbat

2. “Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang


dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila.
Subalit ano ang ginagawa nila sa amin. Pinapatay kami at
ginagawang pagkain” Lutang sa pahayag na ito ang damdaming;
A. pagkagalit B. paghihinanakit
C. pagmamalaki D. panunumbat
3. “Ah! Ganito pala ang kalagayan Ninyo noon.” Ang
ekspresyong ginamit upang maipahayag ang damdamin ay isang
_____.
A. pangungusap na nagpapahayag ng tiyak na damdamin
B. hindi direktang pagpapahayag ng damdamin
C. padamdam na pangungusap
D. maikling sambitla
4. Sa pangungusap na “Ang nais lamang niya ay matapos
agad ang usapan nang makain na niya ang tao.” Ang salitang
nagpapatindi sa damdamin ng salitang makain ay _____.
A. kainin B. kagatin
C. lamunin D. lunukin

5. Ang tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ang


angkop na ekspresyon na mailalapat sa pangungusap ay _____.
A. Wow! B. Naku po!
C. Sobra na! D. Ngek!
Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay
katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay
tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng
kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa
kanilang mababang kalagayan sa tahanan.
Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang
sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa
kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan
ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng
may kakayahan at masuwelduhan ng mataas.
Mula sa “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong
Nakaraang 50 Taon”
1. Alin sa sumusunod ang paksa ng binasang sanaysay?
A. Kahalagahan ng kababaihan sa lipunan
B. Responsibilidad ng kababaihan sa tahana
C. Pagbabago sa kalagayan ng kababaihan sa lipunan
D. Benepisyong natatamo ng kababaihan sa pamahalaan
2. Layunin ng binasang sanaysay na maiparating ang:
A. mataas na pagtingin sa kalalakihan ng Taiwanese
B. kaawa-awang kalagayan ng kababaihan Taiwanese
C. walang karapatang magdesisyon ang kabaihang
Taiwanese
D. mabuting pagbabago sa pantay na karapatan ng babae
sa lalaking Taiwanese
3. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol
laban sa karahasan. Ang salitang kimi ay nangangahulugang:
A. mahiyain B. mapangahas C. magalaw D. masipag

4. Ipinahihiwatig ng sanaysay na ang mga babae sa Taiwan


ay ______.
A. makaluma B. makabago
C. masipag D. mapamaraan
Ngayon nabago na ang tungkulin ng mga babae na ito ay lalong
naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese,sila pa rin ang may
pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng
trabaho,inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng
kalalakihan. Sa madaling salita,dalawang mabibigat tungkulin ang
nakaatang sa kanilang balikat.
Mula sa: Ang Kababaihan ng Taiwan ,Ngayon at
Noong nakaraang 50 Taon na isinalin ni Sheila C. Molina.
1. Malinaw na pinapaksa ng akda ang kababaihan, isang patunay
na ang isyung panlipunan na tinutukoy nito ay ang _______.
A. pananagutan ng babae

B. paghahanap-buhay ng kababaihan
C. pagkakaroon ng boses ng babae sa lipunan

D. pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga babae at lalaki


2. Ang patunay na hindi pa ganap ang kalagayan ng babae at
lalaki sa Taiwan ay ______.
A. hindi tinatanggap ang babae sa trabaho
B. hindi binibigyan ng karagdagang sahod
C. hindi makatarungan ang trato sa mga lider na babae
D. lalaki lamang ang napipiling lider sa kompanya
3. Ang sumusunod ay mga kaisipan na nais ipahayag ng may-
akda maliban sa _____.
A. Ang babae ay may mahalagang papel sa lipunan
B. Ang babae ay pinagmulan ng karahasan.
C. Ang babae ay kaagapay sa pamumuhay
D. Ang babae ay katuwang sa mga suliranin
4. Ang ______ ay isang maiksing komposisyon na kalimitang
naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
A. Dula B. Maikling Kuwento
C. Editoryal D. Sanaysay
1. Ang salitang mabuway sa Tanka ay nangangahulugang _____.
A. madaling matumba B. maraming bulaklak C. malago ang dahon
D. matatag na puno

2. Ang nais ipahiwatig ng mga salitang ginamit sa Tanka sa itaas ay nagpapahiwatig


sa bansang hapon
ay panahon ng _____.
A. tag-init B. taglagas C. taglamig D.
tagsibol

3. Kung ang Tanka ay may sukat na 7-7-7-5-5 sa bawat taludtod, ang haiku naman ay
_____.
A. 5-7-5 B. 5-5-5 C. 7-7-7 D.
5-7-7
4. Ang binasang Tanka at Haiku ay magkatulad sa paggamit ng paksa hinggil sa ________.
A. kalinisan B. kalikasan C. karanasan D. kasawian

5. Pinakamahalaga sa Haiku ang pagbigkas nang may wastong antala o hinto. Kiru ang tawag dito sa
Ingles ay Cutting. Kireji naman ang tawag sa salitang pinaghihintuan na karaniwang matatagpuan sa
______.
A. unahan ng tatlong parirala ng bawat berso
B. gitnang huling tatlong parirala ng bawat berso
C. pinakahuling salita ng parirala ng bawat berso
D. dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso

6. Kung nais mong bigyang-diin na “Hindi talaga palaka ang tumalon sa sapa”, ang pinakaangkop na
pagpapahayag dito gamit ang antala/hinto ay _____.
A. Hindi palaka// ang tumalon sa sapa// B. Hindi// palaka ang tumalon sa sapa//
C. Hindi palaka ang// tumalon sa sapa// D. Hindi palaka ang tumalon sa sapa//
7. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na pagpapakita ng antala/hinto kung ang
nais mong
linawin sa iyong kausap na palaka ang tumalon sa sapa?
A. Hindi palaka ang tumalon sa sapa. B. Hindi palaka ang
tumalon//sa sapa
C. Hindi palaka ang//tumalon sa sapa. D. Hindi// palaka ang
tumalon sa sapa

8. Ang wastong pagbigkas ng may haba/diin ng salitang nakalimbag sa binasang


Haiku upang mangahulugang
“Brook” sa Ingles ay _______.
A. SA;pa B. sa:PA C. sa:pa D. SA:PA

You might also like