You are on page 1of 39

ARALING

PANLIPUNAN 10
My Presentation HOME TV SHOWS MOVIES My List

Magna Carta for


Women (Republic
Act No. 9710)
PLAY i MORE INFO
LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral


ay inaasahang:

 Natatalakay ang konsepto ng Magna


Carta for Women; at
 Naipakikita ang suporta sa Magna
Carta for Women sa pamamagitan ng
paggawa ng islogan.

3
“Bubble Map Graphic Organizer”

Anu-ano ang halimbawa ng “KARAPATAN NG MGA BABAE”?


Ano ang Magna Carta for
Women

Ang Magna Carta for Women


ay isang batas na isinabatas noong
Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat
ng uri ng diskriminasyon laban sa
kababaihan at sa halip ay itaguyod
ang pagkakapantay-pantay ng mga
babae at lalaki sa lahat ng bagay.

5
Ano ang Magna Carta for
Women

Ito ay alinsunod sa mga batas


ng Pilipinas at mga
pandaigdigang instrumento, lalo
na ang Convention on the
Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women
o CEDAW.

6
Magna Carta for Women

Layunin nito na itaguyod ang husay


at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng
pagbabago at pag-unlad, sa
pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang
mga karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.
7
Responsibilidad ng Pamahalaan

Itinalaga ng Magna Carta for


Women ang pamahalaan bilang
pangunahing tagapagpatupad o
(primary duty bearer) ng
komprehensibong batas na ito.

8
Responsibilidad ng Pamahalaan

Katuwang ang mga ahensya at


yunit nito, maglalatag ang
pamahalaan ng mga nararapat at
mabisang paraan upang
maisakatuparan ang mga layunin
ng batas.

9
Responsibilidad ng Pamahalaan

Kabilang sa mga paraang ito ang


paglikha at pagpapatupad ng mga
batas, patakaran at programang
nagsasaalang-alang sa mga
pangangailangan ng mga babae,
tungo sa kanilang kahusayan at
kabutihan.

10
Responsibilidad ng Pamahalaan

Gagawa rin ng mga hakbang ang


pamahalaan upang marepaso o
maalis ang mga batas,
patakaran, programa, at polisiya
na nagpapalala sa diskriminasyon
laban sa kababaihan.

11
Responsibilidad ng Pamahalaan

Ang isa pang hamon ng batas sa


pamahalaan ay alisin ang mga
stereotype at tanggalin ang mga
istrukturang panlipunan tulad ng
kostumbre, tradisyon, paniniwala,
salita at gawi na nagpapahiwatig
nang hindi pantay ang mga babae at
lalaki.
12
✘STEREOTYPING –
tumutukoy sa pagbibigay
pagkakakilanlan sa isang
tao o bagay base sa ilang
mga paniniwala.
QUIZ BOWL
✘1. KAILAN
ISINABATAS ANG
MAGNA CARTA FOR
WOMEN?
✘ SAGOT:

✘ HULYO 8, 2008

✘ OR

✘ JULY 8, 2008
✘2. ANO ANG
MEANING NG
ACRONYM NA
CEDAW?
✘SAGOT:

✘CONVENTION ON THE
ELIMINATION OF ALL
FORMS OF DISCRIMINATION
AGAINTS WOMEN
✘3. ANONG INSTITUSYON
ANG ITINALAGA NG MAGNA
CARTA FOR WOMEN NA
GINAWANG PANGUNAHING
TAGAPAGTAGUYOD NG
BATAS NA ITO?
✘SAGOT:

✘PAMAHALAAN
✘4. ITO AY ISINABATAS
UPANG ALISIN ANG
LAHAT NG URI NG
DISKRIMINASYON
LABAN SA
KABABAIHAN.
✘SAGOT:

✘MAGNA CARTA
FOR WOMEN
✘ 5. ANO ANG TAWAG SA HINDI
PATAS NA PAGTRATO SA IBANG
TAO AT GRUPO BATAY SA
ISANG KATANGIAN NG MGA
ITO KATULAD NG KANILANG
LAHI, KULAY NG BALAT, EDAD,
KASARIAN AT ORYENTASYONG
SEKSUWAL?
✘SAGOT:

✘DISKRIMINASYON
✘6. ITO AY TUMUTUKOY
SA PAGBIBIGAY
PAGKAKILANLAN SA
ISANG TAO O BAGAY
BASE SA ILANG MGA
PANINIWALA.
✘SAGOT:

✘STEREOTYPIN
G
Tungkol saan ang
Magna Carta for
Women?
Bakit mahalagang
pag-aralan ang
Magna Carta for
Women?
May naidulot
bang maganda
ang Magna Carta
for Women sa
mga kababaihan?
Bilang isang mag-
aaral, paano ka
makatutulong na
maipabatid at
mapairal ang batas na
ito?
ISLOGAN
 Hahatiin sa apat (4) na grupo ang klase.
 Ang bawat grupo ay gagawa ng islogan na may kinalaman
sa pagsuporta sa Magna Carta for Women.
 Ang bawat grupo ay bibigyan ng kakailanganing gamit sa
paggawa ng islogan.
 Bibigyan lamang ng limang (5) minuto ang bawat grupo para
mabuo ang islogan at karagdagang tatlong (3) minuto para
sa presentasyon ng kanilang islogan.
 Pipiliin ang mananalo sa pamamagitan ng pamantayan na
nasa ibaba.
 Ang grupong mananalo ay makakatanggap ng karagdagang
puntos mula sa guro.
Pamantayan sa Paggawa ng Islogan
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang puntos

Malinaw at akma 10
Nilalaman sa paksa

Nakahihikayat 10
Istilo sa mambabasa

malinaw na 10
Presentasiyon paglalahad ng
impormasyon

Kabuuan 30
 Tama/Mali: Isulat ang salitang “TAMA”
kung ang kaisipan ay makatotohanan
at “MALI” naman kung ang pahayag
ay hindi makatotohanan.
1. Ang Magna Carta for Women ay isang batas na nagbibigay
proteksyon sa mga kababaihan.
2. Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan
bilang pangalawang tagapagpatupad ng komprehensibong
batas na ito.
3. Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Agosto 8,
2008.
4. Binuo ang Magna Carta for Women para itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at LGBT community.
5. Maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang
paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng Magna
Carta for Women.
6. Taong Hulyo 8, 2008 nang isabatas ang Magna Carta
for Women.
7. Layunin ng Magna Carta for Women na itaguyod ang
husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila
bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad.
8. Ang karapatan ng kababaihan ay matatawag ding
karapatang pantao.
9. Hindi maganda ang epekto ng Magna Carta for
Women sa mga kababaihan.
10. Ang mga lalaki ay maaaring mabigyan ng
proteksyon ng Magna Carta for Women.
Mga Sagot
1. TAMA
2. MALI
3. MALI
4. MALI
5. TAMA
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. MALI
10.MALI
Repleksyong Papel

 Gumawa ng repleksyon tungkol sa


natutunan mo sa tinalakay nating
paksa.

 Isulat ito sa isang buong papel at


SHUKRAN!!!

You might also like