You are on page 1of 12

Aralin 7

Ikaw ang Modelo,


Tunay na Iniidolo
Tala – Sapan
Deboto
taong lubos ang
pananampalataya

Determinasyon
pagkakaroon ng ganap na
kagustuhan na maisagawa ang
nais
Hangarin
layunin; nais; gusto
Masugid
tawag sa taong hindi
tumitigil sa paggawa ng isang
gawain
Pinagdarausan
lugar na ginagampanan ng
isang gawain
Bahagi ng Pangungusap
Bahagi ng Pangungusap
Pangungusap
Mga salitang isinasaayos na nagpapahayag
ng duong diwa. Ang pangungusap na
makabuluhan ay may simuno at panaguri.

Simuno
Ang paksa o pinag-uusapan sa loob ng
isang pangungusap.

Panaguri
Ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi
patungkol sa simuno.
Halimbawa ng pangungusap
Ang batang si Hector ay matulungin at
masipag na mag-aaral.

Buong Simuno : Ang batang si Hector


Payak na Simuno : Hector
Buong Panaguri : matulungin at masipag na
mag –
aaral
Payak na Panaguri : matulungin at masipag
Halimbawa ng Pangungusap
1. Sila ay masayang naglalaro sa parke.
2. Magulo at maingay ang klase ni Bb.
Samaniego.
3. Ang mag-anak ay magtutungo sa
Zambales sa darating na Pasko.
4. Nagalit ang mamamayan ng San Felipe sa
punong barangay.
5. Ang mga mag-aaral ay matutungo sa
Museong Pambata sa darating na lakbay
aral.
Tukuyin at Isulat ang Payak na Simuno at
Payak Panaguri
1. Ang batang mabait ay pinagpapala ng
Maykapal.
2. Kami ay magtutungo sa silid-aklatan ng
aking mga kaibigan.
3. Masinop ang aking ina kung kaya naibibgay
niya ang aming pangangailangan.
4. Ang lupain ng Lola sa probinsya ay
malawak.
5. Matindi ang naging dahilan ng di
pagkakaunawaan ng magkaibigan.
Simuno
Panaguri
Hal. Hector Masipag
at matulungin
1.
2.
3.
4.
5.
Isulat sa patlang ang salitang simuno kung ang may salungguhit
ay tumutukoy sa simuno o paksa ng pangungusap. Isulat ang
salitang panaguri kung ito ay tumutukoy sa panaguri ng
pangungusap.

___________ 1. Si Ginoong Malvar ang nahalal bilang


pangulo ng samahan.
___________ 2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina
Gloria at Gemma.
___________ 3. Sinusuri nang mabuti ng mga imbestigador
ang mga ebidensiyang nakuha sa lugar ng
krimen.
___________ 4. Sila ay tumulong sa paglikas ng mga
residente mula sa mapanganib na lugar.
___________ 5. Iligpit natin ang mga nakakalat na
laruan sa sahig ng sala.
___________ 6. Ang kaibigan mo ay tiyak na
matutuwa sa sorpresa na inihanda
mo para sa kanya.
___________ 7. Tumayo tayo nang tuwid habang
inaawit ang Lupang Hinirang.
___________ 8. Napansin ng guro ang mabubuting
asal na ipinamalas ng mga mag-
aaral.
___________ 9. Ang mga magulang ng mga mag-
aaral ay inanyayahang
dumalo sa gaganaping pagtatanghal.
___________ 10. Sina Ariel, Warren, at Joshua ay
naghanda ng masarap na meryenda para sa
mga panauhin.
Seat Work

Pagsasanay sa Wika A,B,C,D


pah. 63 – 65

Takdang Aralin
Karagdagang Gawain pah. 65

You might also like