You are on page 1of 11

TEKSTONG

IMPORMATIBO
TEKSTONG IMPORMATIBO
• Ang Tekstong Impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay
nag lalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop,
isports, agham o siyensya, kasaysayan, gawain paglalakbay, heograpiya,
kalawakan, panahon, at iba pa.
• Di tulad ng ibang uri ng teksto ang mga impormasyon o kabatirang inilahad
ng may-akda ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa
katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang
pagpabor o pagkontra sa paksa.
ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. LAYUNIN NG MAY-AKDA
• Maaring magkakaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng
isang tekstong impormatibo.
• Maaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa sa isang
paksa ; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo; masaliksik; at mailahad ang mga
yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, at iba pang
nabuhuhay; at iba pa.
• Gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi
ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
2. PANGUNAHING IDEYA
• Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat
ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa
kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay dagliang
inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.

• Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat


bahagi – tinatawag din itong organizational markers na nakatutulong
upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya
ng babasahin.
3. PANTULONG NA KAISIPAN
• Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan
o mga detalye upang makatulong na makabuo sa isipan ng mambabasa
ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
4. ESTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN/SANGGUNIANG
MAGTATAMPOK SA MGA BAGAY NA BIBIGYANG-DIIN
• Makatutulong sa mga mag-aaral na magkakaroon ng mas malawak na
pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga
estilo o kagamitang sangguniang magbibigay-diin sa mahalagang
bahagi tulad ng sumusunod:
A. Paggamit ng mga nakalarawang presentasyon- makatulong ang
paggamit ng mga larawan, guhit dayagram, tsart, talahanayan, timeline,
at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa.

B. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto- nagagamit dito ang


mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita
o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.

C. Pagsulat ng mga talasanggunnian- karaniwang inilagay ng mga


manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba
pang sangguniang ginagamit upang higit na mabigyang diin ang
katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.
MGA URI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan
• Sa uring ito ng tekstong impormatibo inilalahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
• Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng
manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga
pahayagan o maari ding hindi direktang nasaksikan ng manunulat kundi
mula sa katotohanang nasaksihan at pinatutunayan ng iba tulad naman ng
sulating pangkasaysayan o historical account.
• Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa
isang mabisang panimula o introduksiyon.

• Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang


pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano, saan,
kailan, at paano nangyari ang inilahad.

• Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman katawan,


at karaniwang nagtatapos sa kongklusyon.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon

• Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o imormasyon


patungkol sa tao, hayop, at iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay, gayundin sa mga pangayayri sa paligid.

• Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknolihiya,


global warming, cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos.
• Ang pagsulat ng ganitong uring teksto ay nangangailangan ng
masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng
taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi
dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat.
3. Pagpapaliwanag
• Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung
paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
• Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong
nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.
• Karaniwang itong ginagamitan ng mga larawang, dayagram, o
flowchart na may kasamang mga paliwanag.
• Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ngg mga hayop at insekto
tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.
THANK YOU!!OHAHA

You might also like