You are on page 1of 26

Mga Kilos o

Galaw na
Naaayon sa
Lokasyon at
Direksiyon
(PE3BM-IIIc-h-17)
Subukin Natin
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at
B ayon sa mga kilos o galaw na
inilalarawan nito. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B

1. a. Pagpalo ng bola nang malakas

2. b. Pagtakbo nang mabilis

3. c. Paglakad nang mabagal


4.
d. Paghagis ng bola paitaas
5.
e. Pagyuko nang mabagal
Ating Alamin at
Tuklasin
Araw-araw tayo ay may kaniya-kaniyang gawain na
tumutulong sa pagpapalakas at pag papatibay ng ating
mga katawan. Ngayon, nais mo bang malaman ang
kilos o galaw na naaayon sa isang lokasyon o
direksiyon na nakatutulong sa atin upang malaman
natin ang tiyak na kilos na ating gagawin?
Ating Alamin at
Tuklasin
Ang modyul na ito ay pinagsumikapang gawin
upang matulungan kang mailarawan ang mga galaw na
naaayon sa lokasyon at direksiyon.
Nangangailangan ng bilis ng galaw, oras, lakas o
puwersa at liksi ang bawat gawaing angkop sa bawat
lokasyon at direksiyon.
Ating Alamin at
Tuklasin
Ang bilis ng galaw ay maaaring, mabagal,
katamtaman o mabilis. Ang lakas o pwersa naman ay
maaaring mahina, katamtaman o malakas. Samanatang
ang liksi ay maaaring mahina o maliksi.
Ang lokasyon ay tumutukoy sa isang lugar na
kinatatayuan ng tao o kinalalagyan ng isang bagay.
Ating Alamin at
Tuklasin
Ito ay maaaring nasa loob at labas ng tahanan o di kaya
ay sa tiyak na lugar. Maaari din itong nasa likuran,
ilalim, ibabaw.
Ang direksiyon naman ay tumutukoy sa mga kilos o
galaw na ninanais patunguhan. Maaaring ito ay
pakanan, pakaliwa, pataas, pababa, pantay, paurong at
pasulong.
Ating Alamin at
Tuklasin
Ang kahinaan o bilis ng galaw ay maaaring
maapektuhan o magbago depende sa lokasyon at
direksiyon na tatahakin nito at sa hinihinging oras,
puwersa o liksi ng isang partikular na gawain.
Tayo’y Magsanay
Gawain 1

Tukuyin kung mabagal, katamtaman, o


mabilis ang kilos o galaw na maaaring gawin
sa mga sumusunod na lokasyon. Isulat ito sa
inyong sagutang papel.
1. 2.

5.

3. 4.
Tayo’y Magsanay
Gawain 2

Punan ng tamang direksiyon at bilis ng galaw


ang mga sumusunod na gawain.
Direksiyon Bilis ng Galaw
Lakas/Liksi
1. Pagpapadausdos sa slide ________ ________
2. Paglalakad pataas sa
hagdanan ng bahay ________ ________
3. Pagpasa ng bola sa
larong basketbol ________ ________
4. Paghila ng lubid
habang naglalaro ng
“Tug of War” ________ ________
5. Pagpalo sa bola ng
Softball ________ ________
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Pag-aralan ang mga galaw na nakasulat sa tsart.
Alamin ang bilis ng galaw, tiyak na lokasyon at
direksiyon na patutunguhan nito para mabuo ang mga
impormasyong hinihingi sa tsart.
Kilos o Galaw Bilis ng Lokasyon Direksiyon
Galaw/Lakas/Liksi
1. Pagsisiso

2. Paglalaro ng
Soccer
3. Pagbubuhat
ng barbel
4. Paglalaro ng
High Jump
5. Paglalaro ng
boksing
Ating Pagyamanin
Gawain 2
Ang sumusunod na gawain ay nagpapakita ng mga
kilos o galaw na naaayon sa lokasyon at direksiyon.
Basahin ang sumusunod na tanong at piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. May natitirang 3 segundo sa paglalaro ng
basketbol at nais mong manalo ang inyong
koponan. Nakakita ka ng pagkakataong
maibuslo ang bola kaya kailangan mong
tumakbo ng…
a. mabilis at ibuslo ang bola.
b. mabagal at ibuslo ang bola.
c. marahan at ipasa ang bola.
d. marahang idribol at ipasa ang bola.
2. Sa di kalayuan ay nakita ni Xian ang
babalang ito habang siya ay
nagmamaneho ng kotse. Ano ang maaaring
gawin ni Xian?
A. Si Xian ay liliko pakanan nang mabilis.
B. Si Xian ay magmamaneho paatras.
C. Si Xian ay magmamaneho nang tuloy-
tuloy.
D. Si Xian ay liliko pakaliwa nang dahan-
dahan.
3. Si Reed ay nais maging isang magaling na
boksingero. Alin sa sumusunod na
kasanayan ang hindi kabilang sa mga dapat
pag-ibayuhin?
a. kilos
b. Liksi
c. Pwersa o lakas
d. hina ng katawan
4. Si Emily ay sumali sa 25 metrong
takbuhan. Ano ang dapat niyang isaalang-
alang upang maunang makarating sa Finish
Line?
a. bilis at oras
b. puwersa o lakas
c. Liksi at tapang
d. galaw at kilos
5. Ano ang magiging kilos o galaw kung ikaw
ay dadaan sa isang makipot na eskinita?
a. Lalakad nang mabilis.
b. Lalakad nang katamtaman
c. Lakad ng mabilis na mabilis
d. Lalakad nang mabagal na mabagal
Ang Aking Natutuhan
Isulat ang tsek(/) kung ang sitwasyon ay tama at
ekis (X) naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang
papel.
_____1. Ang kilos o galaw ay maaaring mabagal,
katamtaman at mabilis.
Ang Aking Natutuhan
_____2. Ang lokasyon ay isang tiyak na lugar na kitatayuan ng
isang tao.
_____3. Ang direksiyon ay kinalalagyan ng isang bagay.
_____4. Ang pakanan, pakaliwa, pataas, pababa, paurong at
pasulong ay mga direksiyon na maaring tahakin.
_____5. Ang bilis, oras, puwersa at liksi ng isang galaw ay
nakadepende sa lokasyon at direksiyon
Ating Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang mga


sumusunod na tanong. Isulat ang tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Umakyat sa Palo Sebo si Vince nang _____
(mabilis, mabagal, katamtaman) upang makuha agad
niya ang premyo sa _____ (itaas, ibaba) nito.
2. Kailangan mong tumakbo nang _____ (mabilis,
mabagal, katamtaman) at lumukso _____ (paitaas,
paibaba) kapag naglalaro ng larong luksong tinik.
3. Lumakad nang ______ (mabagal, mabilis,
katamtaman) lamang sa pasilyo ng paaralan.
4. Pinalo nang ______ (mahina, katamtaman,
malakas) ang bola kaya ito ay tumalbog _______
(paitaas ,pakaliwa, pakanan).
5. Kailangang magduyan nang_____(mabilis na
mabilis, katamtaman, malakas) lamang upang hindi
maaksidente
Salamat
Po!

You might also like