You are on page 1of 38

Paglalarawan sa Iba’t ibang

Paraan ng Pagpapagalaw ng mga


Bagay

Mrs. Mary Grace S. Cortez


Halina’t Magbalik Aral
Panuto: Itaas ang masayang
mukha  kung nagpapakita ang
larawan ng paggalaw o pagbabago
at malungkot naman na mukha 
kung hindi.
Tula Ating Bigkasin!

Paggalaw ng mga Bagay


Ni Gng. Mary Grace S. Cortez
Sa araw-araw nating buhay
mga kilos at galaw ating naipapakita sa lahat ng oras
Pagtulak, Paghila, Pagbuhat, Pagpapagulong at
Paghagis pa.

Pagtulak/paghila ang kailangan upang pinto ay


mabuksan o maisara
Pagbuhat sa mga kagamitang mabibigat lalo na ang
Ating bag sa pagpasok sa eskwela.
Pagpapagulong kung minsan ay kinakailangan lalo
na’t kung bola ang ating kinakapitan
Paghagis naman ay huwag ugaliin kung hindi
kailangan at baka ikaw ay makasakit ng hindi
inaasahan.

Isa, dalawa, tatlo itulak ang upuan mo


Apat, lima hilahin pabalik sayo.
Pwersa ating gamitin upang gamit
Ay pagalawin
Mga pamamaraan atin ng naipapakita sa lahat
ng oras, sa araw-araw at sa tuwi-tuwina.
1. Ano-ano ang mga binanggit na kilos sa ating tula?
pagtulak paghila pagbuhat pagpapagulong
paghagis
2. Nagagawa niyo ba ang mga ito sa araw-araw?
3. Mahalaga ba ito sa ating buhay? Bakit?
Opo, dahil mapapagalaw natin ang mga bagay sa
ating paligid.
Larawan Ko,
Buuin at
Hulaan
Niyo!
Sino ang nasa larawan?
Ano ang kanyang ginagawa?
Paano niya mapapagalaw ang
lamesa?

Ilan ang kamay na kanyang


ginamit sa pagtulok?
Sino-sino ang nasa larawan? Ano ang hugis ng kahon?
Ano ang kanilang ginagawa? Ilang sulok meron ang kahon?
Sino ang nasa larawan? Ilan kaya ang gulong ng
Ano ang kanyang ginagawa? kanyang bag?
Sino ang nasa larawan? Ano ang hugis ng bagay na
Ano ang kanyang ginagawa? kanyang pinapagulong?
Sino-sino ang nasa larawan? Ano ang hugis ng bagay na kanilang hinahagis?

Ano ang kanilang ginagawa? Ano ang kanilang pinaglalaruan?


Saan nila dapat ilagay ito pagkatapos nilang
gamitin?
Talakayan
Force o Puwersa
Ang nagpapagalaw sa bagay
at nagdudulot ng pagbabago ng
posisyon. May iba’t ibang
paraan upang mapagalaw ang
mga bagay gamit ang force.
Paghila (Pull)
Ay isang paraan ng pagpapagalaw
ng mga bagay. Ang puwersa o lakas
ay nasa paghatak ng nasa unahan ng
mga bagay para gumalaw ang mga
ito. Maaaring ang puwersa o lakas
ay nagmumula sa tao, kalikasan o
bagay.
Pagtulak (Push)
Isang paraan din ng
pagpapagalaw ng mga bagay ang
pagtulak. Ang puwersa o lakas ay
nanggagaling sa likuran upang
umabante o gumalaw ang mga
bagay. Ang puwersa o lakas ay
maaaring nagmula sa tao, kalikasan
o bagay.
Pagbuhat o Pag-angat
Ay ginagamitan din ng
puwersa o lakas mula sa ibaba
patungo sa itaas upang mabuhat
o maiangat ang mga bagay.
Pagpapagulong
ay isa ring uri ng pagpapagalaw
na nangangailangan ng puwersa o
lakas. Sa simula, ito ay
hinahawakan at itatapon upang ito
ay gumulong. Kadalasan ang
ginagamit na bagay dito upang
gumulong ay bola.
Paghahagis
ay isang paraan din upang
mapagalaw ang isang bagay. Ito ay
hinahawakan sa simula at itatapon
sa hangin gamit ang puwersa o
lakas. Ang puwersa o lakas ay
maaaring magmula sa tao, kalikasan
o bagay.
Safety Tips!
Iba ang may Alam 
Sa pagpapagalaw ng mga
bagay dapat lagi nating
isaalang-alang ang tamang
posisyon ng ating katawan lalo
na’t kung pagbubuhat o
pagtulak ng mabibigat na
kagamitan.
Pangkatang
Gawain
Standards/ Pamantayan sa Pangkatang Pamantayan sa Pagmamarka:
Gawain:
G umawa ng kaaya-aya. Puntos Indikasyon
R espetuhin ang ideya ng bawat 5 Nagpakita ng kasabikan, pakikiisa sa pag-
gawa ng gawain at maayos na
pagtutulungan ng bawat isa.

isa. 4 Nagpakita ng pakikiisa sa pag-gawa ngunit


ang ilan ay hindi tumutulong sa gawain.
O oras ay tingnan upang gawain 3 Nakiisa sa gawain ngunit kinakailangan ng
tulong mula sa guro.
ay matapos sa tamang oras.
2 Natapos ang gawain ngunit hindi
U galiing mag-usap ng may nagpakita ng pakikiisa sa gawain at halos
karamihan ay hindi nagpapakita ng
mahinahon na pananalita. pagtulong.

P agkakaisa ay kinakailangan. 1 Hindi nakiisa sa gawain.

S uportahan ang bawat isa sa


Paglalahat:
Natutunan Mo
Ating Alamin
*Ano ang force o puwersa?
-nagpapagalaw sa bagay

*Ano-ano ang mga pamamaraan


upang mapagalaw ang mga bagay?

paghila pagpapagulong
pagtulak pagbuhat
paghagis
Isagawa/Isabuhay

Ang Bola
Anong pwedeng gawin sa bola?
Ibuslo, ihagis at pagulungin.
Halina’t maglaro ng aking bola.
Marunong akong magpatalbog, ito ay masaya.

Ano-ano ang mga salita na ginamit sa tugma


(rhyme) upang ilarawan ang paggalaw ng bola?
Maraming mga bagay na nakikita sa
ating paligid ang dapat nating
pinapahalagahan. Nararapat na gumawa
ng mga bagay na makabuluhan upang
makatulong sa magulang, sa guro at sa
iba pa.
Ano ang nararapat mong gawin sa sitwasyon
naipinapakita sa larawan?
Makalat ang iyong kuwarto, ano-ano ang mga gagawin mo
batay sa mga nakikita mo sa larawan?
-Pahalagahan ang mga bagay na mayroon sa bahay, sa
paaralan at sa paligid natin.
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.
Karagdagang Gawain
Gumuhit o gumupit ng mga larawan na nagpapakita
ng iba’t ibang pamamaraan ng paggalaw ng isang
bagay.

You might also like