You are on page 1of 20

AP: WEEK 7 AND 8

ARALING PANLIPUNAN (GROUP 2)


ARALING PANLIPUNAN ( GROUP 2)
ADV: MR. ALFRED OLIVA
ADVISER: MR. ALFRED OLIVA
10- G. DEL PILAR
10- G. DEL PILAR
Introduksiyon sa Mga Prinsipyo ng
Yogyakarta
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at
mga karapatan. Lahat ng mga karapatang pantao ay unibersal,
magkakasanib, hindi napaghihiwa-hiwalay, at magkakaugnay. Ang
oryentansyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay
nakasanib sa dignidad at pagkatao ng bawat isa, at hindi dapat maging
dahilan ng diskriminasyon at abuso.
Isang namumukod na pangkat ng mga eksperto sa mga karapatang pantao ang nagbalangkas,
nagpaunlad, nagtalakayan, at nag pino nga mga prinsipyo. Matapos mag pulong sa Gadjah
Mada University sa Yogyakarta, Indonesia noong Nov. 6-9, 2006 may 29 na natatanging eksperto
mula sa 25 na bansa, na may iba’t ibang pinagmulan at kasanayan sa mga isyu ng batas sa mga
karapatang pantao, ang naga buklod sa Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ukol sa Aplikasyon ng
Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao kaugnay sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.

Nagkakaisa ang mga eksperto ng ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay sumasalamin sa


namamayaning kalagayan ng pandaigdigang batas ng mga karapatang pantao kaugnay ng mga
isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Kinikilala rin nila na ang mga
Estado ay maaaring magkaroon ng mga karagdagang obligasyon sa paghuhubog ng batas sa
mga karapatang pantao. Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay nagpapatibay sa umiiral nang
mga legal na pamantayang pandaigdig na nararapat sundin ng mga Estado. Nagbibigay ang mga
ito ng pag-asa para sa isang bagong hinaharap, na kung saan mangyayaring ang mga taong
isinisilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga karapatan, ay nabubuhay ayon sa
ganoong namumukod na karapatan.
Pinagtutungkulan ng mga Prinsipyo ng Yogyakarta ang
masaklaw na mga pamantayan ng mga karapatang
pantao, at ang kanilang aplikasyon sa mga isyu ng
oryentasyong seksuwal at tapagkakakilanlang
pangkasarian. Pinagtitibay ng mga prinsipyo ang
pangunahing obligasyon ng mga Estado sa pagpapatupad
ng mga karapatang pantao.
Mga Prinspyo ng Yogyakarta
1. Ang karapatan sa Unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao.
Lahat ng tao ay isinilang ng malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian, ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng
karapatang pantao.
2. Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at Kalayaan sa diskriminasyon.
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasyong nag-uugat
sa oryentasyon seksuwal o pagakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas
at sa proteksyon nito, nang walang anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang
pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasyon at titiyakin, para sa lahat, ang pantay at mabisang
proteksyon sa anu,ang diskriminasyon. Ang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian ay maaari, o karaniwang pinalalala, ng diskriminasyong may kaugnayan sa ibang
usapain, gaya ng kasarian, lahi, edad, relihiyon, kapansanan, sakit, at kalagayang pang-ekonomiya.
3. Ang karapatan sa pagkilala sa batas.

Sa batas, ang lahat ay may karapatang kilalanin nilang tao. Ang mga taong may iba-ibang oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay dapat na nag tatamasa ng mga kapasidad ng lrgal sa lahat
ng aspekto ng buhay. Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ng pinili ng bawat
isa ay hindi maihihiwalay na bahagi ng kaniyang katauhang at kabilang sa pinaka batayang aspekto ng
pagpapasya sa Sarili, Dignidad, at Kalayaan.

4. Ang karapatan sa buhay.

Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang na pagkaitan ng
buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyonng seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa Consensual Sexual
Activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.

5. Ang karapatan sa seguridad ng pagkatao.

Ang lahat ay may karapatan sa seguridad ng pagkatao at sa proteksyon ng Estado laban sa karahasan o
pisikal na pananakit, gawa man ng opisyal-gobyerno o sinumang tao o grupo.
6. Ang karapatan sa pribadong buhay.

Ang lahat ay may karapatan sa pribadong pamumuhay nang walang arbitraryo o labag sa batas na
pakikialam ng iba. Kabilang sa karapatang ito ang nauukol sa pag-papamilya, tahanan, o pakikipag
komunikasyon sa iba, at sa proteksyon sa paninira ng dangal at reputasyon. Karaniwang nakapaloob sa
karapatan sa pribadong pamumuhay ang kalayaang maglihim o magbigay ng impormasyon tungkol sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian, ang tungkol sa mga pagpapasya at pag
dedesisyong may kinalaman sa sariling katawan at sa konsenswal na pakikipag relasyong seksuwal at iba
pa.

7. Ang karapatan na hindi arbitraryong mapiit.

Walang sinuman ang aarestuhin o ikukulong ng arbitraryo o basta-basta na lamang. May karapatan ang
sinuman na pagpaliwanagan kung bakit sila inaaresto. Ang pagaresto at pagkukulong dahil sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian, kahit na iniutos ng korte, ay arbitraryo. Dahil
sa pagkakapantay-pantay, lahat ng tao na inaaresto, anuman ang oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian, ay may karapatan na pagpaliwanagan kung bakit sila inaaresto, at kung
ano ang habla laban sa kanila; at kagyat na ihaharap sa isang opisyal ng hukuman at bistahan upang
malaman ang katumpakan sa detensyon, naihabla man sila o hindi.
8. Ang karapatan sa patas na paglilitis.

Ang lahat ay may karapatan sa isang patas at pampublikong paglilitis ng isang mapapagkatiwalaan,
independyente, at walang kinikilingang hukumang itinatag Ayon sa batas; at kung nahahabla at
naakusahan ng krimen, sa paglilinaw ng kanilang mga karapatan at obligasyon ng walang maling pag-
iisip o diskriminasyong nag uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

9. Ang karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit.

Ang lahat ng pinagkaitan ng Kalayaan ay tratratuhin ng makatao at may paggalang sa angking dignidad
ng isang tao.
Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay hindi maihihiwalay sa dignidad ng
bawat tao.

10. Ang karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pag paparusa.

Ang lahat ay may karapatang hindi ma-torture at hindi ipailalim sa malupit, makahayop, o
mapanghiyang pagtrato o pag paparusa sa anumang dahilan.
11. Ang karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng anyo ng pagsasamantala, pagbebenta, at
human trafficking ng tao.

Ang lahat ay may karapatang maging ligtas sa trafficking, pagbebenta, at iba pang anyo ng
pagsasamantala, gaya, halimbawa, ng pagsasamantalang seksuwal ng dahil sa aktwal o
inaakalang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga hakbang
kontra sa trafficking ay dapat na nagsasaalang-alang sa mga salik na naglalagay sa mga tao sa
panganib, kabilang ang iba’t ibang anyo ng di-pagkakapantay pantay at diskriminasyon; o ang
pagpapakita ng mga ito o ng iba pang pagkakakilanlan. Ang mga nasabing hakbang ay hindi
magiging taliwas sa mga karapatang pantao ng mga nanganganib na mga biktima ng
trafficking.

12. Ang karapatan sa trabaho.

Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at


paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo at
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian.
13. Ang karapatan sa Social Security at iba pang proteksyong panlipunan.

Ang lahat ay may karapatan sa Social Security at iba pang proteksyonng panlipunan nang
walang diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

14. Ang karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay.

Ang lahat ay may karapatan sa isang sapat na pamantayan ng pamumuhay, kabilang ang
sapat na pagkain, ligtas na inuming tubig, angkop na sanitasyon, at pananamit, at sa patuloy
na pagpapaunlad ng kalagayan sa buhay.

15. Ang karapatan sa sapat na pabahay.

Ang lahat ay may karapatan sa sapat na pabahay, kabilang sa proteksyon sa pagpapalayas ng


walang diskriminasyon nag-uugat ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.
16. Ang karapatan sa edukasyon.

Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon, nang walang diskriminasyong nag-uugat


at sanhi sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Tinitiyak ng
pamahalaan na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng personalidad, talino ng
bawat estudyante, at ng kanilang abilidad na mental at pisikal sa kasukdulan ng
kanilang potensyal; at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante,
anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.

17. Ang karapatan sa pinaka mataas na pamantayan ng kalusugang makakamit.

Ang lahat ay may karapatan sa pinaka mataas na pamantayan ng kalusugang pisikal


at mental nang walang diskriminasyon bunga ng oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Batayang aspekto ng karapatang ito ang kalusugang
seksuwal at reproduktibo.
18. Proteksyong laban sa mga abusing medikal.

Walang sinuman ang mapipilit na sumailalim sa anumang medikal o sikolohikal na


paggamot, proseso, at pagsusuri, o kaya’y bimbinin sa isang pasilidad na medikal nang dahil sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Sa kabila ng anumang taliwas na
klasipikasyon, ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ng isang tao ay
hindi maituturing na sakit sa paano man tingnan; at kung gayon ay hindi nararapat na
gamutin, pagalingin, o pigilin.

19. Ang karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag.

Ang lahat ay may karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag, anuman


ang kanilang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Kabilang dito ang
pagpapahayag ng anyo o pagkatao sa pamamagitan ng pananalita, pagdadala ng sarili,
pananamit, katangian ng katawan, pag pili ng pangalan, o iba pa; gayundin ang kalayaang
maghanap, tumanggap, at mamahagi ng impormasyon at iba’t ibang ideya, kabilang ang
nauukol sa mga karapatang pantao, oryentasyong seksuwal, at pagkakakilanlang
pangkasarian, sa anumang paraan, at saanman.
20. Ang karapatang sa malayang asembleya at pagsapi sa mga samahan.

Ang lahat ay may karapatan samalayang pagtitipon at pagsapi sa mga samahan, sa kabilang ang
naukol sa mapayapang demonstrasyon.

21. Ang karapatang sa malayang pagiisip, konsensya at relihiyon.

Ang lahat ay may karapatan sa malayang pagiisip, konsensya at relihiyon. Hindi maaaring gamitin
ng Estado ang mga karapatang ito upang pangibabawan ang mga batas, patakaran, o gawi sa
pumapawi sa pantay na proteksyon ng batas, patakaran, o gawi sa pumapawi sa pantay proteksyon
ng batas, kaya’y nagdudulot ng diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.

22. Ang karapatan sa malayang pagkilos.

Ang lahat ng naninirahan ng legal sa loob ng isang Estado ay may karapatang pumunta kung saan
nila gusto, at manirahan saanman sa nasasakupan ng nasabing Estado. Hindi maaaring ang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay gamitin upang limitahan o pigilin ang
paglalakbay nila saanman, kabilang ang sa sarili nilang Estado.
23. Ang karapatang humanap ng asilo.

Ang lahat ay may karapatang humanap at mag tamasa ng asilo, o santwaryo sa ibang bansa upang makaligtas
sa pang-uusig. Hindi maaaring alisin, palayasin, o ipatapon ng isang Estado ang isang tao sa kung saan siya ay
maaaring pahirapan, usigin, o dumanas ng pagmamalupit, makahayop o mapanghiyang trato, o pagpaparusa
bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasrian niya.

24. Ang karapatan magbuo ng pamilya.

Ang lahat ay may karapatanng magbuo ng pamilya, anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga pamilya ay may iba-ibang anyo. Walang pamilya ang dapat na
dumanas ng diskriminasyon dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasrian ng sinuman sa
mga myembro nito.

25. Ang karapatang lumahok sa buhay pam-publiko.

Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok
sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan at upang mabigyan ng pantay na
serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensya, sa kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar,
nang walang diskriminasyon sanhi ng oreyantasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
26. Ang karapatang lumahok sa buhay-pangkultura.

Ang lahat, anuman ang kasarian ay may karapatang lumahok ng malaya sa buhay-pangkultura at upang
ipahayag, sa pamamagitan sa pagsali ng mga usaping pangkultura, ang pagkakaiba-iba ng oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.

27. Ang karapatang mag taguyod ng mga karapatang pantao.

Ang lahat ay may karapatan, bilang indibiduwal, o sa pakikipagtulungan sa iba, na magtanggol at


magtupad ng mga karapatang pantao sa pambasan at pandaigdig saklaw nang walang diskriminasyong
sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian; gayundin ang karapatan upang
paunlarin, talakayin, at matanggap ng iba ang mga bagong kalakaran sa mga karapatang pantao.

28. Ang karapatang sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian.

Bawat biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao, ay may karapatan sa mabisa, sapat, at
karampatang mga remedy. Ang mga hakbang na naglalayong magbigay ng reparasyon, o nauukol sa
ikabubuti ng mga biktimang may iba-ibang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian, ay
hindi maihihiwalay sa karapatan para sa mabibisang lunas at pagtutuwid sa kamalian. Tumiyak na bukas
sa lahat ng tao ang lahat ng kinakailangang impormasyon tungkol sa mga proseso ng remedy at
pagtutuwid ng kamalian;
29. Pananagutan.

Karapatan ng lahat na biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao,


kabilang ang mga nakapaloob sa mga prinsipyong ito, na pananagutin ang
mga maysala, sila may ay tuwiran o di’ tuwirang responsable, opisyal man ng
gobyerno o hindi. Ang pananagutan nila ay magiging simbigat ng kanilang
paglabag. Walang palusot o kaligtasan para sa mga lumalabag sa mga
karapatang pantaong kaugnay ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.

Mahusay! Natapos mong basahin at unawain ang mga Prinsipyo ng


Yogyakarta. Ngayon naman ay pagtuunan mo ng pansin ang Gender and
Development. Paano nito maisusulong ang mga pagtanggap at paggalang sa
kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay.
Gender and Development
Ayon sa Komisyon ng kababaihan sa Pilipinas ang Gender and Development (GAD) ay isang pananaw at
proseso ng pag-uunlad na mayroong pakikilahok at nagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay,
napapanatili, malaya sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao, sumusuporta sa pagpapasiya sa
sarili at pagsasakatuparan ng mga kakayahan ng tao. Ang Gender and Development ay binuo noong 1980
bilang alternatibo sa Women in Development (WID). Hindi tulad ng WID, ang GAD ay hindi particular
na para lamang sa mga kababaihan. Ito ay nakatuon din sa paraan kung paano ang isang lipunan ay
nagtalaga ng mga tungkulin at responsibilidad na inaasahan sa kalalakihan at kababaihan. Isinasagawa
ng GAD ang pagsusuri sa kasarian upang malaman kung saan nagkakaroon ng pagtutulungan ang mga
kalalakihan at kababaihan, na naglalahad ng mga resulta sa kabuhayan at kakayanan ng bawa’t isa ng
may pagkakapantay-pantay
Ang pangunahing pokus ng GAD ay ang dalawang mahalagang
balangkas nito, ang Gender Roles at Social Relations Analysis. Ang
gender Roles ay nakatuon sa pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa
lipunan at ang pagiging patas ng lalaki at babae sa pagkukunan at
pangkabuhayan. Ang social Relations Analysis naman ay nakatuon
sa pag-aaral ng panlipunang katayuan ng kalalakihan at
kababaihan sa lipunan.

Ninanais ng GAD na ang mga kababaihan ay may kaparehong


pagkakataon tulad ng kalalakihan, kabilang na rito ang
kakayahang lumahok sa pampublikong sector. Ang mga patakaran
ng GAD ay naglalayong repormahan ang tradisyunal na pananaw
na ginagampanan ng bawat isa.
Gender and Development sa Pilipinas

Ang plano ng Pilipinas para sa Gender and Development, para sa mga taong
1996-2025, ay isang pambansang plano sa tumutugon at naglalayon ng
pagkakapantay-pantay at kaunlaran para sa kalalakihan at kababaihan.
Inaprubahan at pinagtibay ito ng dating pangulong Fidel V. Ramos bilang
Executive No. 273, noong Setyembre 8, 1995. Ito ang kahalili ng Philippine
Development Plan para sa kababaihan, 1989-1992, na pinagtibay ng Executive
No. 348 ng Pebrero 17, 1989.

Ang gobyerno ay naglalaan ng 5 porsiyento ng badget para sa iba’t ibang


ahensiya nito. Ito ay upang higit na mapabuti ang mga polisiya at patakaran
uko; sa pagpapaunlad ng kasarian. Gayundin, ang bawat ahensiya ng gobyerno
ay naglalayon ng makapagsagawa ng mga pagsasanay para sa pagpapaunlad ng
kasarian at matugunan ang isyu ukol ditto.
THANKYOU
FOR
LISTENING!!

You might also like