You are on page 1of 16

KUMBENSYON SA PAGSULAT NG AWITIN

1. Sukat – ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat


taludtod na karaniwang may sukat na lalabindalawahin,
lalabing-aminin at lalabingwaluhin na pantig
Halimbawa:
/Sa/bi/ ng/ bi/na/ta/ ha/li/na/ o/ hi/rang/ =(12)
/Mag/pa/syal/ ta/yo/ sa/ La/wis/wis/ ka/wa/yan/ =(12)
(mula sa Lawiswis kawayan)
2. Tugma – tumutukoy ito sa pagkakapareho ng
mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod ng
tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng
angkin nitong himig o indayog
Halimbawa:
Ang pangalan ko ay Angi
Ako ay isang mananahi,
Araw at gabi
Walang tigil sa pananahi.
2 Uri ng Tugma:
1. Tugmang Ganap-
nangangahulugang matapos ang
mga taludtod sa patinig o sa impit
na tunog.
2. Tugmang di-ganap-
nangangahulugang ang mga
taludtod ng tula ay nagtatapos sa
1. Tugmang Ganap-
nangangahulugang matapos ang mga
taludtod sa patinig o sa impit na
tunog.
Halimbawa:
Pinipintuho kong bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw
Kanyang mahalaga sa dagat Silangan,
Kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw.
2. Tugmang di-ganap-
nangangahulugang matapos ang mga
taludtod sa patinig o sa impit na tunog.
Halimbawa:
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
- “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Anres Bonifacio
“ Ang bunsong si Neneng
Tuwa naming lahat
Kapag humahalakhak
Kami’y nagagalak”

“Ako si sipilyo
Kaibigan Ninyo
Pinatitibay ko
Mga Ngipin Ninyo.”
3.Talinghaga – ito ay mga pahayag
ginagamit upang mas bigyan ng kulay
ang tula o awiting isinusulat.
Nakatutulong ang upang mas maging
masarap sa pandinig ang isang tula o
awitin. Kadalasang ginagamit sa
mabisang pagpapahayag ng talinhaga ay
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng mga salita upang
gawing mas mabisa, makulay at kaakit-akit
ang pagpapahayag. Hindi ito nagtataglay ng
literal na kahulugan at nangangailangan ng
malalimang pag-iisip upang maunawaan ang
kahulugan nito. Kadalasan itong ginagamit sa
mga tula upang bigyang-diin ang isang
kaisipan o damdamin gamit ang talinhaga.
A. Pagtutulad (Simili) – di tiyak na
paghahambing sa dalawang magkaibang bagay na
may pagkakahalintulad ang katangian (ugali, kulay,
lasa, itsura, amoy atbp.). Ginagamitan ito ng mga
salita o pariralang tulad ng, paris ng, kawangis ng,
tila, wari, gaya, sing-, sim-, magkasing-,
magkasim- at iba pa.
Halimbawa:
▪ Siya ay mistulang anghel kapag umaawit.
▪ Tila yelo sa lamig ang kanyang boses.
B. Pagwawangis (Metaphor) – ito ay tuwirang
paghahambing ng dalawang bagay na hindi na
ginagamitan ng mga salitang naghahambing.
Halimbawa:
▪ Ang mga ipinagmamalaking tanawin sa
Kabisayaan
ay paraiso sa aking paningin.
▪ Ang kanyang mga salita ay patalim na
tumarak sa
C. Pagsasatao (Personification) – ito ay
pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa
mga bagay na walang buhay.
Halimbawa:
▪ Niyayakap ako ng malamig na hangin.
▪ Sumasayaw ang mga puno sa malakas na
hangin.
▪ Inaanyayahan kami ng magagandang
dalampasigan sa Kabisayaan na maligo at
D. Pagmamalabis (Hyperbole) – dito ay lubhang
pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o
katayuan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan,
damdamin at iba pang katangian. Ito ay gumagamit
din ng eksaherasyon.
Halimbawa:
▪ Bumaha ng luha matapos ang madadamdamin
niyang pag-awit ng Dung-aw.
▪ Abot-langit ang pagmamahal niya sa mga
awiting-bayan.
E. Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)- sa
pagpapahayag na ito, maaaring banggitin ang
bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaari
naming ang isang tao ay kumakatawan sa isang
pangkat.

Halimbawa:
Ninanais ng Binatang hingin ang kamay ng
dalaga.
F. Pagtawag (Apostrophe)- ito ay
pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang
dinaramang kaisipang para bang nakikipag-
usap sa isang buhay na tao o isang gayong
wala naman ay parang naroo’t kaharap.

Halimbawa:
Pag-ibig, tingnan mo ang ginawa mo sa puso
kong sugatan.
G. Pagtanggi (Litotes)- gumagamit ito ng
panangging hinfi upang magpahiwatig ng
isang makabuluhang pagsang-ayon.

Halimbawa:
Hindi ko sinasabing matigas ka, subalit
nadarama kong pinatibay na ng panahon ang
iyong puso at damdamin.
4. Sining o Kariktan-
tumutukoy sa paggamit ng
mga pili, angkop at maririkit
na salita.

You might also like