You are on page 1of 26

NOLI ME

TANGERE
Saligang Kasaysayan at Kaalaman
NOLI ME
TANGERE
KABANATA I - XXXII
• Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda
– Kapanganakan
• Petsa: Miyerkules, Hunyo 19, 1861
• Lugar: Calamba, Laguna
• Binyag:
» Petsa: Hunyo 22, 1861
» Pari: Padre Rufino Collantes
A. Mga Magulang
1. FRANCISCO MERCADO RIZAL (1818-1898)
Ama ni Dr. Jose Rizal; bunso sa 13 anak nina
Juan and Cirila Mercado; ipinanganak sa Biňan, Laguna noong
Abril 18, 1818
2. TEODORA ALONSO (1827-1913)
Ina ni Dr. Rizal; pangalawa anak nina Lorenzo
Alonso at Brijida de Quintos; ipinanganak sa Santa Cruz, Maynila
noong Nobyembre 14, 1827
B. Mga Kapatid
1. SATURNINA RIZAL (1850-1913)
2. PACIANO RIZAL (1851-1930)
3. NARCISA RIZAL (1852-1939)
4. OLYMPIA RIZAL (1855-1887)
5. LUCIA RIZAL (1857-1919)
6. MARIA RIZAL (1859-1945)
7. CONCEPCION RIZAL (1862-1865)
8. JOSEFA RIZAL (1865-1945)
9. TRINIDAD RIZAL (1868-1951)
10. SOLEDAD RIZAL (1870-1929)
C. Pag-aaral
 Biňan, Laguna (Hunyo 1870- Disyembre 1871)
 Maynila
 San Juan de Letran (Hunyo 10, 1872)
 Ateneo de Manila
 Unibersidad ng Santo Tomas
 Unibesidad Central de Madrid
D. Mga Kakayahan at Kasanayan
Pagsulat
a. Dula sa piyesta ng Paete
b. Tula
“Sa Aking Mga Kababata” – isinulat sa edad na pitong taong gulang
c. Nobela
a. “Noli Me Tangere”
b. “El Filibusterismo”
E. Pag-ibig
 Leonora Rivera
 Josephine Bracken
F. Kamatayan
 Petsa: Disyembre 30, 1896
 Lugar: Bagumbayan
 Pinagtibay ni Gobernador Heneral Camilio G. Polavieja
LAYUNIN NG NOBELA
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham kay Resurrecion
Hidalgo ang layunin ng Noli Me Tangere:

1.Maisulat ang maselang paksaing hindi naisusulat ng ibang


manunulat.
2.Sagutin ang daantaong paghamak sa ating lahi.
3.Ipakita ang tunay na kalagayang panlipunan sa Pilipinas
4.Hubaran ang huwad na larawan ng bulok na pananampalataya,
pamahiin at mga kaugnay na bagay na dapat ikahiya ng
Katolisismo.
5. Ilantad ang mga bisyo, karuwagan, kasiraan,
pagpapakaalipin at pagpahintulot sa
pagdadalamhati ng kanyang mga kalahi.

6. Maipamulat sa mga kababayan ang katotohanan


at makapuwing sa mga pinatutungkulan nito upang
matamo ang katarungan.
MAHAHALAGANG TALA NG KASAYSAYAN

UNCLE TOM’S CABIN ni Harriet

Beecher Stowe – naging

inspirasyon ni Rizal upang


isulat ang sariling kaapihan ng
mga Pilipino sa kamay ng mga
dayuhan (Tunggalian ng Lahi)
ENERO 2, 1884 – Sa
tahanan ni Paterno sa
Madrid, iminungkahi ni Rizal
ang pagsulat ng
pinapangarap na nobela
kasama ang mga kapwa-
propagandista ngunit hindi
ito natuloy.
Bakit hindi natuloy ang plano
kasama ang mga propagandista?

1. Pagiging abala ng mga propagandista sa


mga dekadenteng gawain tulad ng mga
bisyo at pambabae
2. Kawalan ng interes ng mga propagandista
sa paksang nais ni Rizal, imbes na bayan
umiiral sa kanila ang “KULTURANG
MACHISMO”
Ipinasyang isulat mag-isa ni Rizal ang nobela
Madrid - 1884
Paris - 1885
Wilhemsfeld sa Alemanya- Abril-Hulyo 1886.
Pebrero 1886 – Sa Berlin, muntik sunugin ni
Rizal ang manuskrito ng Noli.
DISYEMBRE 11, 1886 – Bumisita si Dr.
Maximo Viola kay Rizal sa Berlin upang
tulungan ang hikahos na kaibigan.

Tinanggal ang kabanatang “Elias at Salome”


PEBRERO 21, 1887 – “BERLINER
BUCHDRUCKREI-ACTION-GESSCHAFT- ang
naglimbag ng 2,000 sipi sa halagang 300 piso.

MARSO 21, 1887 – lumabas sa palimbagan ang


unang 2,000 sipi ng nobela at ibinigay sa mga
malapit na kaibigan.
LIHAM NI RIZAL KAY BLUMENTRITT
Ang ipinadala kong aklat ay aking unang aklat bagaman
marami na akong naisulat bago rito at nakatanggap na rin
ako ng mga gantimpala para sa pagsusulat. Ito ang unang
aklat na Tagalog na walang kinikilingang pananaw.
Matatagpuan ng mga Pilipino rito ang kanilang kasaysayan
nitong nakaraang sampung taon. Umaasa ako na
mapupunan ninyo ang pagkakaiba ng estilo ng aking
paglalarawan sa ibang manunulat
Pagpapatuloy…

Maaaring tuligsain ng pamahalaan at mga prayle ang


aking isinusulat; pabulaanan ang aking mga argumento
ngunit nagtitiwala ako sa Diyos ng katotohanan at sa
mga taong totoong nakaranas ng mga pagdurusang
ito. Umaasa akong masasagot ko ang lahat ng
konseptong maaari nilang likhain para mapabulaanan
tayo.
Ibinigay ni Rizal ang “galley proof” ng Noli kay Viola
bilang pasasalamat sa pagpapahalagang ibinigay nito.
SA PAGLAGANAP NG NOLI ME TANGERE…

1. Nagkausap si Gobernador Heneral Terrero


at Rizal ukol sa mga usapin sa nobela.

2. Naghanap si Rizal ng kopya ng Noli para


maging batayan ng gobernador heneral sa
kanyang gagawing pagsusuri
SA PAGLAGANAP NG NOLI ME TANGERE…

3. Nagsagawa ng hiwalay na pag-eksamen sa nobela sa pangunguna

ni Msgr. Pedro Payo at ipinasa kay Padre Gregorio Echavarria


(Rektor ng UST) na nagsabing “ERETIKAL, WALANG
PAGGALANG AT NAKASISIRANG-PURI SA ORDENG
PANRELIHIYON SA DI-MAKABAYAN, SUBERSIBO SA
KALAGAYANG PAMPULITIKA, MAPAMINSALA SA
PAMAHALAAN NG ESPANYA AT GAWAIN NITONG
PAMPULITIKAL SA BANSA”
SA PAGLAGANAP NG NOLI ME TANGERE…

4. Ipinadala ni Terrero ang kopya ng Noli sa Komisyon


ng Sensura sa pamumuno ni Padre Salvador Font at
naglabas ng rekomendasyon noong DISYEMBRE 29:
“ANG IMPORTASYON, REPRODUKSYON AT
SIRKULASYON NG MAPAMINSALANG AKLAT NA
ITO SA MGA ISLA AY DAPAT IPAGBAWAL”
EPEKTO NG NOLI ME TANGERE…

1. Nakasama sa pamilya ni Rizal


2. Higit na sumikat ang nobela sa kabila ng paggigipit
ng mga prayle
3. Tumaas ang presyo ng nobela mula sa piso patungo
sa halagang limampu.
4. Nagising ang kamalayan ng mga Pilipino
5. Nagpalitan ng pasaring at pagtatalo ang mga prayle
at mga kaibigan ni Rizal
ANTI-NOLI
1. Nagpalabas ng mga polyeto ang mga prayle na
naglalaman ng mga pagtuligsa sa nobela ni Rizal
2. Sa bulwagan ng Senado sa Cortes y Espanya kabi-
kabila ang inilabas na pahayag ng pagtuligsa ng mga
senador
3. Ang ilang nasa akademya ng Madrid at dating mga
opisyal ng mga pamahalaan ay nagpahayag din ng
kanilang pagtutol.
PRO-NOLI
1. Kabi-kabilang pagtugon ang ginawa ng mga
propagandista para basagin at pabulaanan ang
mga maling pagsusuri ng mga prayle
2. Ilang edukador sa mga pamantasan at
repormista ang nagtanggol sa nobela ni Rizal
3. Ilang mga Pilipinong pari rin ang nagpahayag
ng kanilang pagsuporta.

You might also like