You are on page 1of 15

Aralin Para sa week 5:

Pagtatanggol at
Pagpapanatili sa
Karapatang Pantao at
Demokratikong
Pamamahala
at Pagtatanggol sa Kalayaan
Isulat ang tsek (/) sa sagutang papel kung ang larawan ay nagpapakita ng
pagsupil sa karapatang pantao at kawalan ng demokrasya sa bansa at
ekis(X)kung hindi.
Basahin ang bawat taludtod ng tulang

Malaya Ka Na Pilipinas
Nickalou C. Orantes
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Bakit kailangang mahalin at ingatan
ang kalayaan?
3. Paano nakamtan ng Pilipinas ang
kalayaan?
Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang Pantao at Demokratikong
Pamamahala
at Pagtatanggol sa Kalayaan
Simula sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, Amerikano at mga
Hapones ay nagsikap at naghirap ang mga Pilipino upang
maipagtanggol at makitang ganap na malaya ang ating bansa. Noong ika
12 ng Hunyo 1898, ideneklara ni Gen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan
ng bansa, matapos ang tatlong daan at tatlumpu’t tatlong (333) taon na
pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas Ang inakalang kalayaan ng
mga Pilipino ay hindi naaing ganap sapagkat ang Pilipinas ay muling
napasailalim sa kapangyarihan ng isa pang imperyalistang bansa – ang
Estados Unidos. Noong ika-4 ng Pebrero 1899 sumiklab ang digmaang
Pilipino-Amerikano.
Noong ika 4 ng Hulyo 1946, ipinahayag ng mga
Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas na kinilala ng
buong mundo bilang isang bansang malaya at may
soberanya. Subalit may kakaibang rebolusyon na naganap
sa kalagitnaan ng dekada 80 dahil isa itong
pakikipaglaban para sa kalayaan mula sa isang diktador.
Nakamit ng sambayanang Pilipino ang kalayaan ng
umalis sa puwesto si Pangulong Marcos at humalili si
Gng. Corazon Aquino dahil sa pagkakaisa ng mga tao sa
mapayapang rebolusyon na tinawag na Rebolusyon sa
EDSA.
Pagpapanatili sa Karapatang Pantao
Ano nga ba ang karapatang pantao?
Ang mga karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak na mga
karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga
tao.“ Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga
kalayaan, ang mga karapatang sibil at pampulitika, tulad ng
karapatang mamuhay, pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at
mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan,
kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa
pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, karapatan sa edukasyon at
kalayaan sa pagsasalita.
May tatlong tungkulin ang pamahalaan sa karapatang
pantao. Una igalang, pangalawa pangalagaan at
pangatlo bigyang katuparan. Upang maitaguyod at
mapangalagaan ang karapatang pantao may mga batas
ang pamahalaan ipinatupad tulad ng Batas Bilang
10368, Batas Bilang 10353 at marami pang mga batas
na nangangalaga sa karapatang pantao.
Ang Bill of Rights o Katipunan ng mga Karapatan na nakapaloob sa
Saligang Batas ng 1987 Artikulo III ay nagiging proteksyon ng mga
mamamayan sa mga paglabag sa kanilang mga karapatan. May mga
organisasyon din na nangangalaga sa karapatang pantao tulad ng
United Nations, at ang Commission on Human Rights. May
mahahalagang tungkulin na ginagampanan ang organisasyong ito.
Tungkulin nilang mangalap,magsiyat at magbigay kabatiran ng mga
impormasyon ukol sa karapatang pantao at paglabag rito. Tungkulin
din nila ang pagpapanatiling demokratiko ang sistemang politikal
upang matiyak ang pagkakaroon ng pagkakataong matamasa ng
mamamayan ang kanilang mga karapatan.
Pagpapanatili sa Demokratikong Pamamahala
Ang demokrásya (mula sa Español na democracia) ay
isang sistema ng pamahalaan ng mamamayan ang
humahawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng
mga kinatawan na pinilì nilá sa malayang halalan.
Bukod sa malayang halalan, humihingi din ang isang
demokratikong lipunan ng pantay na mga karapatan at
pribilehiyo ng mga tao.
Ang Pilipinas bilang isang republika ay nagtataguyod ng
demokrasya. Ito ay demokratikong pamahalaan. Ang
pamahalaan ay pinamumunuan ng isang pangulo na tuwirang
inihalal ng mamamayan. Ang katangian ng pamahalaan ay
alinsunod sa Saligang Batas ng 1987 na umiiral sa bansa.
Nakasaad dito ang tatlong sangay ng pamahalaan:
tagapagpaganap, tagapagbatas at tagapaghukom. Naninindigan
ang bawat sangay ng pamahalaan tungo sa demorkratikong
pamamahala at paglilingkod.
Ang bansa ay nakaranas ng diktatoryal na pamahalaan sa ilalim ng
batas Militar sa panahon ng pamamahala ni Pangulong Marcos. Ito
ay nagwakas noong maganap ang People Power sa EDSA noong
1986 at muling naibalik ang kalayaan at demokrasya sa bansa.
Hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap ng mga Pilipino na
mapanatil ang diwa ng kalayaan at demokrasya sa bansa
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang karapatang pantao? Ano ang demokrasya?
2. Bakit mahalaga na ipagtanggol ang karapatang pantao at ang
demoratikong pamamahala sa bansa?
3. Sa paanong paraan napahalagahan ng mga Pilipino ang
pagtatanggol at pagpapanatili sa karpatang pantao at
demokratikong pamamahala sa bansa?
4. Sa inyong palagay, nararanasan pa rin ba ng mamamayan
ang karapatang pantao at ang demokratikong pamamahala sa
ating bansa? Ipaliwanag.
5. Bilang isang batang mag-aaral, paano mo pahahalagahan
ang ginawang pagtatanggol ng mga Pilipino para sa
pagpapanatili ng karapatang pantao at demokratikong
pamahalaan?
Gawain sa Pagkatuto : Ang gawaing ito ay susukat sa iyong kaalaman tungkol sa iyong natutuhan
sa paksa. Isulat sa papel ang iyong sagot sa katanungan gamit ang larawan ng tao. Isulat sa ulo
ang Aking mga Karapatan, at sa katawan naman ay ang mga karapatang tinatamasa mo ngayon.

You might also like