You are on page 1of 5

Pangkat 2: TGISTY Araling Pilipino 12: Pagsasanay sa Cognates Agosto 16, 2012 Wika sa Pilipinas: Magkakaugnay,hindi Hiwa-hiwalay Minsan

nang naging malaking isyu ang pagkakaiba-iba ng mga wika sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Kakabit nito ang pagtatalo hinggil sa kung alin ang nararapat na ituring na Pambansang Wika. Hindi maitatanggi na ang mga wika sa ilagang bahagi ng bansa ay tila naiiba sa mga yaong nasa gitna at timog na bahagi. Ngunit kung masusi nating pag-aaralan, kapansin-pansin na mga pagkakahawig ng mga salita ng iba't ibang wika na tumutukoy lamang sa iisang bagay o sabjek. Nagkakaroon lamang ng ilang pagkakaiba sa mga patinig at katinig na ginagamit ng mga naturang salita. Isa sa mga nakapupukaw ng pansin ay ang pag-iral, pagpapalit o dili kaya'y pagkawala ng mga patinig na a,e,i,o,u kung naisasalin ito sa ibang wika. Halimbawa nito ay ang mga salitang Ingles na 1) Hand Kamay = Tagalog Kamot = Cebuano, Hiligaynon, Bikol at Akkeanon Kamut = Pangalatok; at 2) Eat Kain= Tagalog Kaon= Waray, Cebuano

Kaun = Tausug Mula sa ilang halimbawa na ito, makikita ang pag-iral ng mga patinig na a at o sa mga wikang Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Bikol at Akkeanon sa salitang Ingles na hand samantalang pinalitan naman ng patinig na u ang mga patinig na a at o nang isalin ito sa salitang Pangalatok. Sa kabilang dako naman, ang salitang Ingles na eat, kapag isinalin sa mga salitang Waray at Cebuano, nanatili ang pag-iral ng patinig na o. Sa oras na isinalin na ito na mga wikang Tagalog at Tausug, pinalitan ng mga patinig na i at u ang o. Ganito rin ang mga proseso na makikita sa paggamit ng mga katinig na mga wika sa Pilipinas. Nakagugulat na may mga wikang ipinagpapalit-palit ang mga katinigg na r,l,d,g at h. Makikita ito sa mga susunod na mga halibawa: 3) Deep Lalim= Tagalog Dalem= Iloko, Pangalatok Rarum= Bikol 4) Day (time) Araw= Tagalog Aggaw= Ibanag Adlaw= Bisaya, Hiligaynon, Samar-Leyte Bisaya Aldaw= Bikol Arkaw= Kalinga Agew= Panggalatok Sa mga ibinigay na halimbawa sa itaas, madalas ang pagpapalit ng d sa l at r at r sa g. Ang r ng salitang Araw ng wikang Tagalog ay napalitan ng g sa Aggaw ng Ibanag at Agew ng

Panggalatok. D naman ang naging kapalit ng l sa mga wikang Tagalog, Iloko at Panggalatok. Madalas ang pag-iral ng katinig na d at l sa wikang Iloko at ang katinig na h ay makikita sa Tagalog, Hiligaynon (Buho, Yuhom, Hublas) at Samar-Leyte Bisaya (Hiyom, Hangitew). Ang mga katinig na f,j,v,z,c,j,n at x ang bumida sa ilang wika dahil sa madalas nilang paglitaw sa mga salita ng wikang iyon. Tulad ng sa wikang Ibanag kung saan mayroon itong mga katinig na f sa mga salitang innafi (rice) dufo (banana) faggifayan (a place to put) nafatu (mainit) mamepegafu (asarin); katinig na z at c: kanzing (kambing) mappazzi (sneeze) affefec. Mayroon namang katinig na v ang wikang Ivatan tulad nang sa vahay at wikang Itawit sa mga salitang bavi (baboy) at vulunan (samahan). Ang wikang Itawit ay mayroon ding j,z at f sa kanilang wika. Ilang halimbawa ay ang kazzing (kambing) janna (saan) nagafanan (pertaining to a place you've come from) pajanan (tinitirhan) ufun (help)

zizzig (cliff) Zariyyang (snake) Batay sa mga impormasyon na aming nakalap mula sa pagsasagawa ng pagsasanay na ito, napansin namin ang ilang pagkakatulad ng mga salita sa mga wika na ang gumagamit ay naninirahan sa magkakalapit na mga lalawigan tulad ng sa Iloko, Pangalatok, Kalinga, Ibanag. Nandito rin ang tila pagsasalitan lamang ng mga wika sa pagpapalit o pagkawala ng ilang patinig at katinig. Halibawa ay ang pagkawala ng v, j, z, f at c sa mga wikang Tagalog at Iloko ngunit nabubuhay sa mga wikang Itawit at Ivatan. Ang mga pagkakatulad at pagkakaiba-iba na ito ay isang dahilan upang masabing ang ating mga wika, bagaman may pagkakaiba-iba ay magkakaugnay. Dito natin makikita ang yaman ng kultura ng bansa dahil sa iba-iba ang katawagan natin sa pare-parehong bagay na nagpapahiwatig na iba-iba ring kultura na kinagisnan ng mga tao mula sa iba't ibang lugar. Batay sa mga pag-aaral, ang kultura ay direktang nakaaapekto sa ating wika sapagkat ang isang wika ay isang koleksyon ng mga simbolong higit na naiintindihan ng mga kasapi na nabibilang sa iisang lipunan o kulturang gumagamit nito. Bukod pa dito, nagpapahiwatig ito na mayroong migrasyon, kalakalan, at ugnayan sa iba't ibang mga lipunan noon pa man. Masasabing ang paglipat ng mga tao ay naka-ambag sa pagkakahawig ng mga salita dahil naipapasa ang wika nila sa nilipatan nilang lipunan at kinalaunan ay nailangkap ang mga ito sa wikang umiiral doon. Naapektuhan ng pagpasok ng mga migrante ang wika sa ibang lipunan ngunit hindi buo ang pagbabagong naganap dito kaya may baryasyon o pagkakaiba-iba pa rin ito mula sa mga pinanggalingang wika. Sinisimbolo rin nito ang pagiging malakas ang loob ng mga sinaunang Pilipino. Malakas ang loob dahil sa kabila ng heograpikong hadlang, patuloy na sinusuong ng mga Pilipino ang mga lugar na hindi pa niya napupuntahan at patuloy na naglalakbay upang maghanap ng mga

mapagkukunan ng mga yaman pang-ekonomiko. Sa pakikipagkalakal ng mga Pilipino mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas (kahit wala pa sila noong konsepto ng pangkalahatang estado), umusbong ang mga panibagong wika at pagbabahagian ng mga salita. Ang pagkakaimpluwensya ng mga wika sa pagitan ng mga kultura sa Pilipinas ay mahalagang pangyayari dahil isa ito sa mga daan upang masabi natin na tayo ay may iisang pagkakakilanlan. Sa kaso naman ng pagkakaroon ng mga titik na f, j, v, q, x, c,at z sa ibang mga wikang katutubo dito sa Pilipinas, lalo na sa mga nasa itaas na bahagi ng bansa, ipinapahiwatig nito na ang mga sinaunang Pilipino ay hindi primitibo gaya ng iniisip ng mga dayuhan. Nagkataon lang na ang mga titik na ito ay ginagamit ng mga pangkat etniko na hindi nila nasakop at naimpluwensiyahan. Ang pag-unawa sa ating wika sa ganitong paraan ay isang halimbawa ng entosnetrismong pananaw at kakulangan sa masusing pag-aaral ng mga dayuhan hinggil sa kultura na kanilang naabutan Ang wikang Filipino na patuloy pa ring tinutuligsa ng iilan ay waring isang hakbang upang pagkaisahin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng isang wikang binubuo ng mga higit na maliliit na grupo ng mga wika sa Pilipinas. Ang aptuloy na pagpapayaman sa wikang Pilipino ay isa ring pamamaraan upang higit pa nting mapagyaman ang ating naghihingalong kultura, mapagkaisa ang sambayan at tuluyang maiwaksi ang mapagsamantalang kaisipang bumabalot sa isipan ng iilan.
Inihanda ng Pangkat 2: Tadle Concepcion Navarro Urbiztondo Lim Buenaventura Yuzon Datu

You might also like