Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
25Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Sagisag Kultura Ng Filipinas 004

Sagisag Kultura Ng Filipinas 004

Ratings: (0)|Views: 3,267 |Likes:
Published by buenaventura_f_a

More info:

Published by: buenaventura_f_a on Sep 22, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

05/22/2013

pdf

text

original

 
Apolinario Mabini
(23 Hulyo 1864-13 Mayo 1903)
Madalas bansagan si
Apolinario Mabini
(A·po·li·nár·yo Ma·bí·ni) bilang“Utak ng Himagsikang Filipino” at “Dakilang Lumpo” dahil sa kaniyangmga akda at naging mahalagang tungkulin noong panahon ng HimagsikangFilipino.Isinilang siyá noong 23 Hulyo 1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas. Ikalawasiyá sa walong anak nina Inocencio Mabini, isang maralita, at DionisiaMaranan, isang tindera sa palengke. Namasukan siyá bago natanggap naiskolar sa Colegio de San Juan de Letran noong 1881 at nakapagtaposng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1894. Sumapi siyása La Liga Filipina at naging aktibo sa Kilusang Propaganda. Nangitatag ang Katipunan, hindi siya sumali dito. Nagkasakit siyá at naginglumpo makaraan ang dalawang taon. Sa pagsiklab ng Himagsikang1896, pinaghinalaan siyáng Katipunero ng mga Espanyol at dinakip.Dahil maysakit, hindi siyá ibinilanggo kundi ipinadala sa ospital ng SanJuan de Dios at nanatili roon hanggang mabigyan ng amnestiya. Nakitaniya pagkaraan ang kabuluhan ng layunin ng Katipunan na ibagsak ang pamahalaang Espanyol. Nabalitaan ni Heneral Emilio Aguinaldo ang galíng niya sa batas kayâ’thinirang siyáng punòng ministro ng rebolusyonaryong KongresongMalolos. Siyá ang sumulat ng mga dekreto, manipesto, at iba pang kasulatan para kay Aguinaldo kayâ naituring na “Utak ng Himagsikang Filipino.” Noong Digmaang Espanyol-Amerikano, agad niyang naisip ang epektonito sa Filipinas at hinulaan niyang sasakupin tayo ng mga Amerikano.Sa panahon ng Digmaang Filipino-Amerikano, kahit isang lumpo ayhindi siyá sumuko. Nahúli man noong 1899, hindi siyá napilit manumpasa bandila ng Estados Unidos at sa halip ay ipinagpatuloy ang pagsulatlaban sa pananatili ng mga Amerikano sa Filipinas. Muli siyáng hinuli atipinatapon sa Guam. Doon niya natapos ang
 La Revolucion Filipina,
isang pagsusuri sa simula at kasaysayan ng Himagsikang Filipino. Pinayagansiyáng makabalik sa bansa makaraan ang halos dalawang taon. Pagdatingniya sa Maynila noong 1903, tinanggihan niya ang alok na trabaho saitinatayông gobyernong sibil ng Amerikano. Namatay siya sa sakít nakolera noong 13 Mayo 1903 sa Maynila. (PKJ) (ed VSA)
 
Diosdado P. Macapagal
(28 Setyembre 1910-21 Abril 1997)
 Nagwaging pangulo ng Republika ng Filipinas noong halalang 1961 si
Diosdado P. Macapagal
(Di·yos·dá·do Pi Ma·ka·pa·gál), isang anak-mahirap na tulad ni Pangulong Magsaysay kayâ tinaguriang “Poor Boyfrom Lubao.” Tulad ni Pangulong Garcia, isa rin siyáng mahusay na makatasa Pampanggo. Ngunit isa rin siyáng abogado at matagal naglingkod sa pamahalaan. Sa panahon niya inilipat ang Araw ng Kalayaan mula Hulyo4 tungo sa Hunyo 12. Ama din siyá ng Agricultural Land Reform Law.Isinilang si Macapagal sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28Setyembre 1910 sa magsasakang si Urbano Macapagal at anak ng kasamángsi Romana Pangan. Nagtapos siya ng Associate in Arts sa Unibersidad ngPilipinas at ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Unang asawaniya si Purita de la Rosa, kapatid ng bantog na artistang si Rogelio de laRosa, at dalawa ang naging anak nila, sina Maria Cielo at Arturo. Mulisiyáng nagpakasal kay Evangelina Macaraeg ng Pangasinan at naginganak sina Maria Gloria na napangasawa ni Atty. Jose Miguel Arroyo yTuazon at naging pangulo din ng Filipinas, at si Diosdado Jr.Topnotcher siyá sa bar noong 1936. Nagtrabaho siyáng abogado hanggangsumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 1949, nagwagisiyáng representante ng Pampanga sa tiket ng Partido Liberal. Muli siyángnagwagi noong 1953 kahit Partido Nacionalista ni Pangulong Magsaysayang mayorya. Tumakbo siyáng senador noong 1955 ngunit natálo. Walangnanalong Liberal na senador sa naturang halalan ngunit nakuha niya ang pinakaraming boto sa tiket ng Liberal. Sa halalang 1957, ikinandidatosiyáng pangalawang-pangulo ng Liberal at katiket ni Jose Yulo. Natálosi Yulo kay Garcia, ngunit nanalo si Macapagal kay Jose Laurel Jr. ng Nacionalista. Pinaghandaan niya ang eleksiyong 1961 at nagwagi siyákay Pangulong Garcia. Ngunit naging malaking sakit ng ulo niya ang pangyayaring tig-12 ang Nacionalista at ang Liberal sa Senado. Natálosiyá sa eleksiyong 1965. Hulíng gawain niya ang 1971 KumbensiyongKonstitusyonal. Pinalitan niya si Pangulong Garcia bilang pangulo ngkumbensiyon hanggang 1972. Nagsulat siyá ng libro nang magretiro. Isaang
 Democracy in the Philippines
(1976) na isang pagtutol sa diktadura. Namatay siyá noong 21 Abril 1997. (VSA)
 
Jose M. Maceda
(31 Enero 1917-5 Mayo 2004)
Si
Jose M. Maceda
(Ho·se Em Ma·sé·da) ay isang kompositor, piyanista,etnomusikologo, at iskolar. Kinilala siyá sa kaniyang pagtataguyod ng pangkulturang identidad ng bansa sa pamamagitan ng mga pag-aaral samayamang kasaysayan at kultura ng musika ng bansa. Iginawad sa kaniyaang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1997.Bilang kompositor, nagtagumpay si Maceda na palayain ang musikangFilipino sa Kanluraning pagkahon sa konsiyerto, simponiya, sonata atbp.sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa tunay na Filipinong damdaminat sining sa musika. Mula 1963 hanggang 1997, ang mga obrang itoay panandang bato sa musikang Filipino: “Ugmang-ugma,” gamit angkatutubong instrumento at koro (1963), “Agungan,” para sa mga gong(1965), “Kubing,” tampok ang tinig ng mga lalaki at kawayan (1968),“Pagsamba,” itinatanghal sa isang pabilog na awditoryum (1968),“Cassettes 100” (1971), at “Ugnayan” (1974). Bilang etnomusikologo,malaking bahagi ng kaniyang buhay ay inilaan sa nangunguna at masusing pananaliksik sa kasaysayan at kultura ng musika sa Filipinas at mga bansasa Timog-silangang Asia, mula pa noong 1953. Itinatag niya ang UP Center for Ethnomusicology bilang pangunahing sentro ng pag-aaral sa kulturang musika sa bansa at sa daigdig. Nagtamo siyá ng l’Ordre des Palmes Académiques mula sa Pransiya (1978);Outstanding Research Award mula sa UP (1985); John D. Rockefeller Award mula sa Asian Cultural Council sa New York (1987), Tanglaw ngLahi mula sa Ateneo de Manila University (1988), at CCP Gawad ng Lahi(1989). Tinanggap din niyaang mga pagkilalang internasyonal na gaya ngFumio Koizumi Award for Ethnomusicology sa Japan; Nikkei Award sa
Tokyo (1997), Fondazione Civitella Ranieri sa Italya; at ng titulong Ofcier 
dans l’Ordre National du Mérite at Chevalier de la Légion d’Honneur mulasa pamahalaang Pranses.Ipinangak siya noong 31 Enero 1917 sa Laguna kina Huwes Casto Macedaat Concepcion Montserrat. Nagtapos siyá noong 1935 sa Academy of Music sa Maynila. Ipinadala siyá sa Paris noong 1937 upang kumuha ngkaragdagang pag-aaral sa piyano sa Ecole Normale de Musique de Paris. Nag-aral din siyá ng musikolohiya sa Queens College and ColumbiaUniversity sa New York; antropolohiya at etnomusikolohiya sa Universityof Chicago, NorthWestern, at Indiana University; at noong 1964, natamoang kaniyang Doctor of Philosophy sa University of California. Pumanawsi Maceda noong 5 May 2004. (RVR) (ed GSZ)

Activity (25)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
psykosomatik liked this
Er Masong liked this
Dezza Oberes liked this
dvinoya2398 liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->