You are on page 1of 3

Si Job sa Bayan ng Ur

Kung may kinalulugdan ang Diyos noong unang panahon sa Matandang Tipan ay walang iba kundi si Job. Ang lalaking ito ang kinilala ng Diyos na siyang pinakamatwid sa lahat ng kanyang mga lingkod mula sa lipi ni Abraham isang salinlahi mula sa nunong Adan at Eba. Kaya, si Job ay pinagpala ng Diyos. Kinilala siyang pinakamayaman sa bayan ng Ur. Siya ang may pinakamaluwang na lupaing inaanihan ng maraming trigo. May limandaan siyang asno, limandaang baka, isanlibong tupa na nanginginain sa maluluwang na kapatagan ng Ur. Pinagkalooban siya ng pitong anak na babae at tatlong anak na lalaki na lubhang magaganda at makikisig, at asawang lubhang mapagmahal at ubod ng ganda. Ang lahat ng mga pagapapalang ito ay bunga ng kanyang katapatan sa Diyos. Masunurin siya sa lahat ng ipinag-uutos. Lagi siyang nananalangin araw-gabi. May nakalaan siyang handog sa Dakilang Dambana tuwing anihan. Pinipili niya ang pinakamatabang guya na inihahandog sa Dambana upang ipakilala ang mataos na pagtanaw ng utang na loob sa Dakilang Lumikha na pinagkakautangan niya ng lahat ng biyayang tinatamasa niya at ng kanyang mga anak at asawa. Dahil dito natitigan siya ni Satanas na lagi nang naghahanap ng mabubuting tao upang itoy tuksuhin. Isang araw ay hiniyawan ni Satanas ang Diyos, at sinabing Hayaan mong subukin ko si Job upang mapatunayan ang kung talagang siya ay Iyo o sa akin! Satanas, hindi mo makukuha sa akin si Job. Siya ay isang matuwid na alipin at siya ay sa akin! sagot ng Diyos. Kung gayon, alisin natin ang kanyang kayamanan at ikay iiwan niya! hamon ni Satanas. Gawin mo ang iyong ibig, Satanas, ngunit ingatan mo lamang ang kanyang buhay, sabi ng Diyos. Sa oras ding iyon ay pinagalit ni Satanas ang mga tulisang Sabeo at nilusob ng mga ito ang bakahan, ang kawan ng asno at tupahan, at pinagpapatay na lahat pati ang mga pastol na nangangalaga sa mga ito, maliban sa isa na hindi pinatay upang utusang umuwi at sabihin kay Job ang nangyari. Umuwi ka ngayon din at sabihin mo sa iyong Amang Job ang nangyari, anang pinunong Sabeo. Malayo pay humihiyaw na ang pastol nang makarating sa bakuran ng malaking bahay ni Job. Amang Job! Amang Job! Dinggin mo ang tinig ng iyong pastol! Nagmamadaling lumabas si Job. Bakit, anong nangyari?, magsalita ka, Pastol!

Sinalakay kami ng mga Sabeo, Amang Job, at pinatay na lahat ng ating mga hayop sampu ng ating mga pastol. Ako lang po ang natira! Tumingala sa langit si Job, Purihin ang Diyos sa kanyang kalooban. Muling tumingla sa langit si Satanas, Diyos, hinahamon Kitang muli. Sa unang pagsubok ay nanatiling matuwid si Job sa Iyo. Ngunit sa susunod ay tiyak na iiwan ka na niya. Sumagot ang Diyos, Satanas, gawin mo ang iyong naisingatan mo lamang ang kanyang buhay. Mula sa kapangyarihang pinananahanan ni Satanas ay nagpagulong ito ng mga bolang apoy at tinupok na lahat ang mga tahanan ng mga anak ni Job na sa mga sandaling iyon ay nagpipista. Kasamang natupok ang lahat ng kanyang mga anak,maliban sa isang batang mabilis na nakatakas at humahangos na nagsumbong kay Job. Amang Job, natupok po ang mga bahay ng iyong mga anakat pati na sila. Ako lamang po ang nakaligtas upang magbalita ng mga pangyayari.! Muling tumingala si Job sa langit, Diyos na dakila, anito at ginahak ang kasuotang lino, purihin ang Iyong dakilang kalooban. Si Job sa kabila ng lahat, ay nanatiling matuwid at mabuting lingkod ng Diyos. Sa ngayon, muling humiyaw sa langit si Satanas, Diyos, pinahahanga ako ng Iyong anak na si Job. Dakila siya at matuwid. Tapat siyang lingkod Mosubalit sa huli kong pagsubok ay tiyak na iiwan Ka niya. Muling sumagot ang Diyos, Satanassi Job ay isang subok na anak. Siya ay mananatiling matuwid sa harap ko! Sumambulat ang halakhak ni Satanas. Halos magiba ang langit sa kanyang halakhak, Nagkakamali ka! Kung muli mong ipasusubok sa akin si Jobtiyak na iiwan Ka niya. Sumagot ang Diyos kay Satanas, gawin mo ang iyong ibigingatan mo lamang ag kanyag buhay. Noon din, si Job ay tinubuan sa buong katawan, maging sa mukha at sa ulo, ng maraming sugat na nagnanaknak. Makirot at mabaho. Nagulat si Job sa nangyari. Hindi niya maubos-maisip kung nagkaganoon ang kanyang buong katawan. Tumingala siya sa langit. paano

Diyos ko, may luha ang kanyang tinig, Anong parusa itong ipinagkaloob Mo sa akin? Ako bay nagkulang sa iyo? Ako bay may nagawang kasalanan? Diyos, kung itoy pagsubok, maging buhay ay kaya kong ipagkaloob sa Iyo yamang ito ay sa Iyo nagmula..:Purihin ang Iyong dakilang kapangyarihan! Nang makita siya ng kanyang asawa ay nanghilakbot ito at sinabunutan ang buhok, nilapak ang baro, tumingala sa langit at malakas na humiyaw, Diyos, anong katampalasan ang ginawa Mo sa amin? Kinuha Mong lahat ang aming mga pag-aari, pinatay Mo ang aming mga anakat ngayoy pinuspos Mo ng sugat ang pinakamatwid Mong lingkod na si Job! at nagpalahaw ng panangis. At pagkuway hinarap si Job. Ikaw! Anong kasalanan mo sa Diyos? Hindi ba ikaw ay naghandog ng mga handog na susunugin? Hindi ba ikaw ay dumadalangin at sumasamba sa Kanya araw-gabi? Ikaw na pinakamatwid na anak Niya sa bayan ng Ur ay nakanak na sugat na ngayonnakapandidirinakasusuklam! Lubayan mo na ang kadadalangin sa Diyos mo! Papatayin ka ng Diyos mo! Mula sa nakagulapay na pagkalupasay ni Job sa sahig ay nagpilit tumayo at ang sabi, Hoy, hangal na babae na puno ng mga kapusungan ang bibig at puspos ng kasamaan ang budhimakinig kang mabutiAng Diyos ang dakila sa lahat. Siya ang bukal ng lahat ng bagay. Siya ang nagbigay at Siya ang bumabawi Diyata ba namat natuto kang tumanggap ng mabuti ay hindi matutong tumanggap ng masama? Sa kabila ng lahat, nanatiling matuwid si Job sa paningin ng Diyos at sa lahat ng itoy hindi siya nagkasala. Napahiya si Satanas. Kasabay ng alimbukay na usok na buhay sa impyerno ay pinahayo siya ng Diyos upang layuan si Job. At bunga ng gayong kabanalan at pagiging matapat sa Diyos, ang lahat ng ariarian ni Job ay muling nagbalik sa kanya ng higit pa sa nauna. At ang kanyang asawa ay muling nagsilang ng mga anak na higit na magaganda at makikisig kaysa nauna.

You might also like