You are on page 1of 1

Ang Pamahalaan sa Ilalim ng Saligang Batas ng 1973

Isinulat ang Saligang Batas ng 1973 para sa layuning ipakilala ang sistemang parlyamentaryo bilang kapalit ng sistemang presidensyal. Sa sistemang parlyamentaryo, ibinibigay ang kapangyarihan ng lehislatibo sa National Assembly ayon sa Artikulo VIII ng Saligang Batas ng 1973. Ang nasabing Assembly ay unicameral na nangangahulugang iisang kapulungan. Binubuo ang National Assembly ng ibat ibang kwalipikadong tao na nagmumula sa ibat ibang distrito, bayan, probinsya at iba pa. Ang mga taong bumubuo nito ay inihalalal. Tungkulin nilang pumili ng magiging presidente, bise presidente at Punong Ministro. Nasa Korte Suprema naman ang kapangyarihan ng hudikatura. Binubuo ito ng isang Punong Hukom at 14 pang Hukom. Ang Presidente ang pumipili sa mga miyembro ng Korte Suprema at sa maliliit na korte. Nakasaad sa Artikulo X, Seksyon V ng Saligang Batas ng 1973 ang mga tungkulin ng Korte Suprema. Sa ilalim ng sistemang parlyamentaryo, ang Punong Ministro ang syang namumuno sa ating gobyerno. Nasa kanya ang kapangyarihan ng ehekutibo at siya rin ang punong komander ng AFP. Inihalal siya ng karamihan sa miyembro ng National Assembly. Kasama rin niya sa kanyang pamamahala ang kaniyang Gabinete. Nasa Punong Ministro ang kapangyarihang pumili sa mga magiging miyembro at ang karamihan ay manggagaling sa National Assembly. Bagamat mayroon nang naihalal na punong ministro, mayroon pa ding inihahalal na Presidente ayon na rin sa Saligang Batas ng 1973. Siya ang simbolo o kinatawan ng bansa. Siya rin ang ulo ng ating estado. Mayroon pa rin namang bise presidente. Gaya ng pangulo, inihalal din siya ng karamihan sa miyembro ng National Assembly. Ang pagkakaiba niya sa presidente, maaaring maging isang miyembro ng Gabinete, o maging punong ministro ang bise presidente. Naipatupad ang Saligang Batas ng 1973 noong ika-17 ng Enero, 1973 sa pamamagitan ng Proclamation No. 1102. Ang distribusyon ng kapangyarihan na nilalaman ng Saligang Batas 1973 ay hindi nagamit dahil sa pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ng Martial Law. Nabalewala ang nakasaad na kapangyarihan ng Punong Ministro dahil idineklara ni Pangulong Marcos ang Martial Law noong ika-21 ng Setyembre, 1972 kayat ang kapangyarihang hawak niya noon ay ang kapangyarihang nakasaad sa Saligang Batas ng 1935. At dahil nakadeklara ang Martial Law noong panahong iyon, nasa pangulo ang ehekutibo,leshislatibo at hudisyal na lapangyarihan kayat nagawa niyang palitan ang ilang parte ng Saligang Batas ng 1973 sa pamamagitan ng mga batas na kanyang ipinatupad.

You might also like