You are on page 1of 4

Si Hesus ay isang Hudyo na nabuhay sa pagitan ng mga taong 2 B.K.E. - 33 K.E.

sa Palestina (kasalukuyang Israel), at itinuturing na sentrong katauhan sa Kristiyanismo, sapagkat siya ang "may-akda" ng relihiyon ng mga Kristiyano. Isang rabino (rabbi) o gurong Hudyo si Hesus at tagapagtatag ng Kristiyanismo. Ang apat na Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ang mga pangunahing sanggunian tungkol sa kaniyang buhay at mga turo. Itinuturing siya bilang Diyos ng ilan sa mga sektang Kristiyano, subalit hindi sa ilang mga pangkat. Naniniwala ang mga mananampalataya sa Kristiyanismo na si Hesus ang Anak ng Diyos, at ipinadala siya sa mundo upang iligtas ang mga sumasampalataya sa kanya. Ayon sa Biblya at sa paniniwalang Kristiyanismo, nabibigyan ng walang-hanggang buhay ang mga tagasunod ni Hesus. Batay sa Bibliya, si Hesus ang tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng tao.

Kahulugan ng pangalan
Ang pangalang Hesus ay nagmula sa Wikang Hebreo: ,Yeshua,,na ang nangangahulugang "nagliligtas ang Diyos." Kilala rin siya bilang Hesus ng Nasaret o Hesus ang Nasareno. Hinango ang pagbikas na Hesus mula sa Wikang Griyego. Isa ring salitang Griyego ang Jesus na nangangahulugang tagapagligtas at isa ring anyo ng pangalang Hebreong Hosue (Ingles: Joshua) na may ibig sabihing "nagliligtas ang Panginoon". Nang isilang si Hesus bilang isang tao, pinangalanan siyang Hesus dahil dumating siya bilang isang tunay na tao na ipinanukala ng Diyos noon pang una upang iligtas ang kanyang mga tao mula sa kanilang mga kasalanan. Tinatawag rin si Hesus bilang Hesukristo dahil sa kaniyang pamagat na Kristo. Nagmula sa Griyego ang salitang Kristo na katumbas ng Mesiyas (o Mesias) sa Hebreo, na kapwa nangangahulugang "ang (isang) napili" o "ang (isang) nahirang". Napili si Kristong Hesus bilang tagapagligtas o manunubos ng kaniyang mga mamamayan.

Buhay ni Hesus
Ipinangkat ang buhay ni Hesus, partikular na sa sining, sa tatlong mga "siklo" o mga yugto: ang kanyang Pagsasakatawang tao at Kabataan, Pangangaral sa Madla, at Paghihirap.

Pagkakatawang tao, pagsilang, at kabataan


Mga pagdalaw Kabilang sa pasasakatawang tao ni Hesus ang Anunsasyon o ang pagdalaw, pagbati, at pagbabalita ni Miguel Arkanghel sa Birheng Maria na mahiwaga siyang maglilihi at magsisilang kay Hesus, ang anak ng Diyos. Sinundan ang kaganapang ito ng Bisitasyon o pagdalaw ng nagdadalangtao nang si Maria sa kanyang nakatatandang pinsang babaeng si Isabel. Sa panahong ito, buntis na rin si Elizabeth, na si Juan Bautista ang dinadala sa sinapupunan. Pagsilang at iba pang pagdalaw Ipinanganak si Hesus sa bayan ng Bethlehem sa Judea noong 2 B.K.E. Isang lugar ang Betlehem, o Belen, sa may gawing timog ng lungsod ng Jerusalem. Nagbuhat si Hesus mula sa tribo ni Juda. Si Maria ang kanyang ina, at si Jose ang gumanap bilang kanyang ama. Naisilang siya sa Betlehem sapagkat nagpunta ang kanyang mga magulang doon upang magparehistro sa senso. Ang Nasaret, lalawigan ng Galilea, ang talagang tahanang bayan niya. Tinatawag ding Natibidad o "pagsilang" ang panahon ng kapanganakan ni Hesus, na kinaganapan din ng pagbabalita at adorasyon o pagdalaw ng mga pastol, pati ng pagdalaw ng mga Pantas. Pagpapakilala sa templo Alinsunod sa kaugalian o tradisyon ng mga Hudyo, dinala nina Maria at Jose ang kanilang panganay na anak na lalaki sa templo ng Herusalem upang maitanghal at maipakilala. Noong ipakilala si Hesus sa templo, naroon ang matanda nang si Simeon. Ayon sa Diyos, hindi babawian ng buhay si Simeon hangga't hindi nakikita ang Mesiyas na si Hesus. Nakilala ni Simeon na ang batang Hesus nga ang siyang hinulaang Tagapagligtas ng mga tao. Paglikas patungong Ehipto Kinailangang tumakas palabas ng Ehipto ang mga magulang na dala-dala ang sanggol na Hesus dahil sa isinagawang pagpapatay ng mga walang malay na mga bata ni Haring Herodes sa Betlehem. Ipinatupad ito ni Herodes sapagkat mayroon siyang takot sa pagkakasilang ng isang kalabang hari. Tinatawag din ang pangyayaring ito sa panahon ng pagkasanggol ni Hesus bilang masaker ng mga inosente. Kapistahan ng Paskuwa Pagsapit ng pista ng Paskuwa noong labindalawang taong gulang na si Hesus, naglakbay ang banal na mag-anak sa Herusalem. Sa pagkakataong ito, nakilahok si Hesus sa kabila ng kanyang edad sa isang maalam na pakikipagdebate o "pakikipagtalo" sa harap ng mga dalubhasa o iskolar na mga Hudyo. Dito rin ipinahayag ni Hesus ang kanyang gagawing pangangaral sa hinaharap ng kanyang buhay sa mundo. Panahon ng pangangaral sa madla Kabilang sa mga pangunahing kaganapan sa pangangaral sa madla o pagmiministro sa publiko ni Hesus ang pagbibinyag sa kanya ni Juan Bautista, pagtawag niya kay Mateo, ang kanyang paggawa ng mga himala, pagbibigay niya kay Pedro ng mga susi ng langit, ang kanyang pagbabagong anyo, at ang paglilinis ng templo. Pagbibinyag kay Hesus Ang pagbabautismo ni Juan Bautista kay Hesus ang opisyal na pinakasimula ng pangangaral ni Hesus sa madla. Naganap ito noong tatlumpung taong gulang na siya. Pagkaraang mabautismuhan si Hesus, lumitaw ang kalapati ng Espiritu Santo, at narinig ang tinig ng Diyos na nagpapahayag na anak niya si Hesus. Pagtawag kay Mateo Tinawag ni Hesus ang maniningil ng buwis na si Mateo. Sumunod si Mateo kay Hesus at napabilang sa kanyang labindalawang mga alagad. Dahil sa pagsunod na ito ni Mateo kay Hesus, naging isa siya sa apat na mga ebanghelista ng Banal na Kasulatan na nasa Bagong Tipan ng Bibliya. Mga himala ni Hesus Inilantad ni Hesus ang kanyang likas na kabanalan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga himala, habang naglalakbay at nagtuturo. Kabilang sa mga himalang ito ang mga pagpapagaling ng may mga sakit, pagbuhay sa mga patay, paggawa ng alak mula sa tubig, paglalakad sa ibabaw ng tubig, pagpapahinahon sa unos, at paglikha ng maraming bilang ng mga pagkain katulad ng mga tinapay at mga isda upang mapakain ang ilang libong mga tao.

Pagkakaloob ng mga susi Isa si Pedro sa pinakaunang mga alagad na tinawag ni Hesus. Sa paglaon, inihabilin ni Hesus kay Pedro na pakanin ang kanyang mga tupa o alagad. Ipinahayag ni Hesus kay Pedro ang batong pagpapatungan at pagtatayuan ng kanyang Iglesia. Dahil dito, pasagisag na dinala at ibinigay ni Hesus ang mga susi ng kaharian ng kalangitan kay Pedro, na ang pangalan ay may ibig sabihing "bato". Pagbabagong anyo Naganap ang pagbabagong anyo ni Hesus habang inaakyat niya ang isang bundok. Nasaksihan ito nina Pedro, Santiago, at Juan ang Ebanghelista. Sa transpigurasyon o banyuhay na ito ni Hesus, naging nakasisilaw na liwanag si Hesus, maging ang kanyang mukha. Mula sa isang ulap, nagsalita at ipinahayag ng Diyos na si Hesus ang kanyang anak. Paglilinis ng templo Sa pagbabalik ni Hesus sa Herusalem, natuklasan niya ang mga nagkalat na mangangalakal at mga tagapagpalit ng mga pera sa templo. Ikinagalit ito ni Hesus kaya't pinagalitan at pinalayas niya ang mga taong ito mula sa banal na gusaling iyon. Ito ang isinagawang pagdadalisay ni Hesus ng templo sa Herusalem. Pagpanik sa langit Kabilang sa pasyon ni Hesus ang mga kaganapan o eksena sa buhay ni Hesus na humahantong patungo sa kanyang kamatayan, muling pagkabuhay, at pag-akyat sa kalangitan. Naganap sa bahaging ito ang pagpasok ni Hesus sa Herusalem, ang kanyang huling hapunan sa piling ng mga alagad, ang paghuhugas niya ng mga paa ng mga apostol, ang pagdarasal niya sa loob ng halamanan ng Getsemani, ang pagkakanulo sa kanya ni Hudas Iskariote, ang pagdakip kay Hesus, ang mga paghuhukom sa kanya, maging ang pagtangging nakikilala siya ni Pedro, ang paghampas at pagtuya sa kanya ng mga sundalong Romano, pagpasan niya ng krus, pagtataas ng krus na pagpapakuan kay Hesus, at ang mismong pagpapako sa kanya sa krus. Nasundan ang kanyang pagkamatay sa krus ng pagbababa ng kanyang bangkay mula sa krus, pagdadalamhati sa kanya, at paglilibing. Pagkaraan ng kamatayan ni Hesus, tinawag na siyang Kristo. Bilang Hesukristo, bumaba siya sa impiyerno upang magligtas ng mga kaluluwa. Pagkaraan ng tatlong araw, naganap ang muli niyang pagkabuhay, at may ilang pagkakataong nagpakita siya sa kanyang mga tagasunod. Pagkaraan nito, pumanhik na siya sa kalangitan. Pagpasok sa Herusalem Isang araw ng Linggo bago sumapit ang araw ng pagpako sa krus ni Hesus, pumasok siya sa Herusalem na lulan ng isang asno, at kasama ang kanyang mga alagad. Binati ng mga tao sa Hesus at nagpupugay. Naglagay sila ng mga palapa ng palma sa kanyang daanan. Sa kasalukuyan, nakikilala ang pag-alaala sa araw na ito bilang Araw ng Palaspas o Linggo ng Palaspas.

Huling hapunan
Sa padiriwang ni Hesus ng Paskuwa, isinagawa ni Hesus ang kanyang Huling Hapunan sa piling ng kanyang mga alagad. Sa pagkakataong ito niya ipinahayag ang nalalapit na pagkakanulo sa kanya, paghuli sa kanya, at kanyang kamatayan. Dito rin niya inanyayahan ang kanyang mga alagad na alalahanin siya sa tuwing kakain sila ng tinapay at iinom ng alak. Sinasagisag ng tinapay ang katawan ni Hesus, samantalang sumasagisag naman ang alak sa kanyang dugo. Sa paglaon, ang ritwal na ito ang siyang naging Kristiyanong Misa o Eukaristiya. Sa pagkakataon din itong ng Huling Hapunan, naging halimbawa ng pagpapakumbaba si Hesus sa kanyang mga alagad, sa pamamagitan ng pagdaraos ng paghuhukas ng kanilang mga paa. Sa Halamanan ng Getsemani Nang magpunta si Hesus sa hardin ng Getsemani ng Bundok ng mga Olibo, nakipagtunggali o naganap ang pagsasa-patawirin niya laban sa kanyang pantaong takot sa kamatayan. Naisagawa niya ito sa pamamagitan ng pananalangin upang magkaroon ng banal na lakas ng kalooban. Hiniling ni Hesus sa kanyang kasamang mga alagad huwang matulog ang mga ito habang nagdarasal siya, subalit naidlip pa rin ang mga ito. Pagkakanulo at paghuli Kapalit ng tatlumpung mga piraso ng pilak, ipinagkanulo si Hesus ng kanyang alagad na si Hudas Iskaryote. Sa pamamagitan ng paghalik kay Hesus, naipakilala ni Hudas kung sino si Hesus sa mga kawal na darakip sa kanya. Sa paglaon, nagsisi si Hudas dahil sa kanyang nagawang kamalian, na humantong sa kanyang pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti mula sa isang puno. Paghuhukom kay Hesus Iniharap sa dalawang tagapaglitis si Hesus. Una, kay Jose Caiapas, isang mataas na paring Hudyo. Pangalawa, kay Poncio Pilato. Habang nagaganap ang paglilitis ni Caiapas kay Hesus hinggil sa pagpapahayag ni Hesus bilang ang Mesiyas, tatlong ulit na itinanggi ni Pedro na nakikilala niya si Hesus. Pagkatapos ng pagsusuri ni Caiapas, iniharap naman si Hesus kay Poncio Pilato, ang Romanong gobernador ng Hudaea. Nilitis ni Pilato si Hesus dahil sa bintang na pagtataksil sa bayan dahil ipinahayag ni Hesus na siya ang Hari ng mga Hudyo. Sa eksenang ito, pinapili ni Pilato ang madla kung sino ang kanilang palalayain: si Hesus o si Barabas, isang mamamatay-tao. Nahatulan ng kamatayan si Hesus sapagkat pinili ng madla si Barabas. Pagkaraan, naghugas ng kamay si Pilatong gumanap na hukom ni Hesus, isang sagisag ng kanyang pagtatanggal ng responsibilidad mula sa kanyang sarili kaugnay ng hatol at pasya ng madla. Mga paghampas at pagkutya Sumailalim sa paghahampas ng latigo si Hesus mula sa kanyang mga Romanong bantay na kawal. Tinuya at pinahiya rin siya ng mga ito sa pamamagitan ng pagdaramit kay Hesus bilang Hari ng mga Hudyo. Pinutungan rin si Hesus ng mga sundalong ito ng koronang tinik sa kanyang ulo. Pagpapako sa krus Sapilitang pinapasan kay Hesus ng mga Romano ang krus na pagpapakuan sa kanya. Dinala ni Hesus ang kanyang krus mula sa Herusalem patungo sa Bundok ng Kalbaryo, kilala rin bilang Golgota (binabaybay ding Golgotha at may ibig sabihing "pook ng mga bungo"; ito rin ang lugar na pinaglibingan sa bangkay ni Adan). Tatlong ulit na nadapa o bumagsak si Hesus sa paglalakbay na ito. Nahubaran rin siya ng kanyang kasuotan pagdaka. Pagkatayo ng krus, ipinako rito si Hesus. Habang patuloy sa pagpapahirap sa kanya ang mga Romanong kawal, nagdadalamhati sa paanan ng krus si Mariang kanyang ina, si Juan ang Ebanghelista, at si Maria Magdalena. Isa sa mga sundalo ang sumaksak sa kanyang tagiliran sa pamamagitan ng isang sibat. Pagkaraan ng matinding paghihirap, namatay si Hesus. Sa kasalukuyan, inaalala ito ng mga sektang Katoliko tuwing araw ng Mabuting Biyernes o Biyernes Santo ng Mahal na Araw ngunit ang paniniwalang ito ay hindi mapapatutunayan sa Banal na Kasulatan.

Paglilibing kay Hesus Pagkaraan ng pagbababa o deposisyon ng katawan ni Hesus mula sa krus, na isinagawa ng dalawang alagad na sina Jose ng Arimathea at Nicodemo (o Nicodemus) habang tinatanaw ng mga naroroon, dinala ang bangkay ni Hesus sa paglilibingan nito. Namighati para kay Hesus ang dalawang mga alagad na nagbaba sa kanya, sina Birheng Maria, Jose ang Ebanghelista, at Maria Magdalena. Tinatawag ang pagdaralambhating ito bilang lamentasyon o paggtangis. Sa sining, tinatawag na Piyeta o Pieta (may ibig sabihing pagkahambal, awa, o habag) ang paglalarawan sa sining ng pagkalong na may hapis o hinagpis ni Birheng Mariang habang pinagmamasdan ang kanyang sumakabilang buhay na anak na lalaking si Hesus. Inihimlay si Hesus sa isang sarkopago na nasa loob ng kanyang libingan.

Muling pagkabuhay
Sa ikatlong araw pagkaraan ng pagkamatay ni Hesus mula sa krus, bumangon siya mula sa kamatayan. Nilisan niya ang kanyang libingan habang natutulog ang mga bantay na kawal na nasa labas. Natuklasan ng mga dumadalaw sa bangkay ni Hesus na wala nang laman ang kanyang libingan. Tinaguriang Tatlong Maria ang mga bumisitang ito: ang Birheng Maria, si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago. Isang anghel ang nagsabi sa kanilang muli nang binuhay si Hesus, ang Kristo. Muling pagpapakita ni Hesus Sa loob ng apatnapung mga araw bago siya pumanhik sa langit, ilang ulit na nagpakita si Hesus sa kanyang mga tagasunod. Binalaan ni Hesus si Maria Magdalena na huwag siyang hawakan nito, na nagsasabing "Huwag mo akong hawakan" o Noli me tangere sa wikang Latin. Bagaman sinabi ito ni Hesus, binanggit niya kay Maria Magdalena na ipagbigay-alam sa kanyang mga alagad ang kanyang pagbabalik. Sa piling ng dalawang gulat na mga alagad niya, naghapunan si Hesus sa Emmaus. Pagdaka, sa ibang pagkakataon ng kanyang muling paglitaw, inanyayahan niya si Tomas na hipuin ang kanyang sugat sa tagiliran, upang maniwala nagdududang alagad na muli na nga siyang nabuhay. Pagpanik ni Hesus sa langit. Pagdating ng ika-apatnapung araw, tinungo ni Hesus ang Bundok ng Olibo. Mula sa bundok na ito, pumanik na si Hesus patungo sa langit. Naging saksi sa kanyang pag-akyat sa kalangitan sina Mariang kanyang ina, at ang kanyang mga alagad. Umakyat si Hesus sa langit habang nasa loob ng isang ulap.

Sa Islam
Ayon sa Islam, si Jesus (Issa) ay kinikilala bilang Tagapagbalita ng Diyos (Allah) at Mesiyas (Masih), na isinugod upang igabay ang Mga Anak ng Israel sa pamamagitan ng isang bagong kasulatan, ang Ebanghelyo. Gayumpaman, itinatakwil ng Islam ang mga pinahahayag ng mga mananalaysay na siya ay ipinako sa krus, sa halip siya ay iniakyat ng buhay sa langit. Isinasalaysay ng Islamikong tradisyon na siya ay magbabalik sa lupa kapag malapit na ang Araw ng Paghahatol upang ibalik muli ang katarungan at talunin ang "Maling Mesiyas" at ang mga kalaban ng Islam. Dahil isa siyang makatarungang pinuno, si Jesus sa huli ay yayao.

Paghahambing kay Adan


Inihahambing si Hesus kay Adan sapagkat itinutiring si Hesus ng mga kristiano bilang isang bagong simula para sa lahi ng mga tao. Sa paniniwalang nagbibigay si Hesus ng bagong buhay sa mga taong nananalig sa kanya. Si Caesar Flavius Valerius Aurelius Constantinus Augustus (27 Pebrero c. 272 22 Mayo 337), karaniwang kilala bilang Konstantino I, Constantino ang Dakila, o San Constantino, ay gumanap na Emperador Romano mula 306 AD, at siyang walang kumalabang tagapaghawak ng tanggapan mula 324 hanggang kanyang kamatayan noong 337 AD. Kilalang-kilala dahil sa kanyang pagiging unang Kristiyanong Romanong emperador, binaligtad o tinanggal ni Constantino I ang mga pag-uusig na isinagawa ng kanyang pinalitang emperador na si Diocleciano, at naglabas ng (kapanalig ang kanyang kasamang emperador din na si Licinius) ang Edikto ng Milan noong 313, na nagpahayag at nagdeklara ng tolerasyon ng relihiyon sa kabuoan ng imperyo. Binago rin ni Constantino I ang sinaunang kolonyang Griyego ng Byzantium upang maging isang bago niyang tahanang imperyal, na mananatiling isang kabisera ng Imperyong Bisantino sa loob ng isang libong mga taon. Ang Byzantium ay naging Constantinople o "Lungsod ni Konstantino", na ngayo'y Istanbul. SIYA ANG EMPERADOR NA NAGPASUNOG NG ROMA, PARA DAW DIUMANO'Y GUMAWA NG ISANG BAGONG SIYUDAD. NAGALIT ANG MGA TAO SA KANYA DAHIL SA NAGANAP NA SUNOG. UPANG MAIALIS SA KANYA ANG GALIT NG MGA TAO, IBINALING NIYA ANG SISI SA MGA KRISTYANO SA ROMA, NA DIUMANOY MAY KAGAGAWAN NG SUNOG. DOON NA NAGSIMULA ANG PAGUUSIG SA MGA KRISTYANO. SA KATUNAYAN, SI NERO ANG NAGUTOS NA PATAYIN SI APOSTOL PEDRO AT PABLO. Ang Kristiyanismo sa Imperyo Romano >40 PK: pitong taon matapos mamatay sa Kristo, mabilis na lumaganap ang Kristiyanismo >pinalitan nito ang mga liham na kulto >Emperador Nero: 64 PK; pinasunog ang Roma para siyay makapagpatayo ng bagong siyudad; isinisisi niya ang sunog sa mga Kristiyano >Pinagsuspetsahan sila na may galit sa mundo at balak na pabagsakin ang emperador >Itoy bunga ng pagtanggi nilang sambahin ang emperador >Madalas din silang magpulong ng palihim >Di-pa rin sila tumigil sa pagtuligsa sa nakikita nilang kamalian tulad ng pagsamba sa emperador; mahahalay na gawain; pagnood ng gladyador >bilang ganti, idineklara ng Roma na labag sa batas ang Kristiyanismo >laging sinisisi ang mga Kristiyano >ipinagbawal ni Diocletian ang pagsamba ng mga Kristiyano >Mga Kristiyano noon ay mga: dukhang tagasiyudad; ang mga tagaprobinsiya at mga mayayaman ay nanatiling tapat sa Emperador

>Marami ang naakit sa Kristiyanismo dahil sa: uri ng pamumuhay ng unang Kristiyano pangakong katarungan tulong at buhay na walang hanggan nasalihan na rin ng mga may kaya ang komunidad ng Kristiyano >Constantino: 313 PK: binigyan ng kalayaang sumamba ang mga Kristiyano >381: ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyong Romano ang Kristiyanismo >Theodosius I: ipinagbawal ang pagdaraos ng mga seremonyang pagsamba ng mga pagano >nang masakop ng mga Alemang barbaro ang kanlurang Romano, ang simbahan ang nagsalba sa sibilisasyong Griyego-Romano mula sa mananakop >napagsamba rin nila ang mga Aleman sa Kristiyanismo >bukod sa pamamatnubay ng kaluluwa, iba pang tungkulin ng simbahan: 1. tapapayo ng mga pinuno sa pamahalaan sa pamamagitan ng pari 2. Alipin/basalyo ng mga hari at emperador sa pamamagitan ng obispo at kardinal 3. nagbigay ng edukasyong pang-elementarya sa mga nagbabalak pari 4. nagturo sa tao na gamitin ang kamay at talino sa larangan ng paghahabi, paggawa ng mga paso at banga at mga kasangkapang metal, pati na rin sa pagsasaka 5. pagsasaayos ng mahahalagang manuskrito Ang Paglaki ng Kapangyarihan ng Simbahang Kristiyanismo >lumaki ang kapangyarihan nito dahil sa malaking tiwala ng tao >maraming mayaman ang nagpamana sa simbahan ng mga lupain atbp. >maraming kita ang simbahan dahil sa buwis at dahil sa malalaking lupa >ang kitang ito ay ginamit para sa administrasyon, kawanggawa, kadahilanang pampulitika, panrelihiyon, pansining >natakot rin ang mga tao sa simbahan sa takot na mapatiwalag sila ; naniwawala sila na sa simbahan lamang sila makakarating sa paraiso >karakamihan sa mga punong taga-usig (grand inquisitor) ang mga paring Dominicano at Franciscano >lihim ang paglilitis; walang karapatan ang erehe na makahrap ang tumestigo laban sa kanya; bawal ang abogado; ang mga nangumpisal na erehe ay masasabing masuwerte dahil ari-arian lamang ang kinuha >ang mga ayaw umamin ay sinunog nang buhay >ang pag-uusig na ito ay tumigil lamang sa 17 dantaon Notes 40 PK: tuluyang kinilala ang Kristiyanismo Hen. Constantino: ginawang legal ang Kristiyanismo 381 PK Theodosisus: opisyal na relihiyon ang Kristiyanismo, bawal ang pagano Ang siyudad ng Byzantium ay itinatag ng mga griyego sa Asya minor (Turkiya ngayon) noong kalahatian ng 600 B.K. Noong 330 C.E., inilipat ni Emperador Constantine ang kabisera ng Imperyong Roman sa Constantinople, sa dakong silangan ng imperyo kung saan ang wika ng nakakaraming tao ay greek. Ang pangalang Byzantium na nagmula sa mga griyego ay inalis at pinalitan ng Constantinople. ANG MGA AMBAG NG IMPERYONG BIZANTINO Ang Imperyong Bizantino ay nagsilbing sentro ng edukasyon. Ang mga tao rito ay tinuruang bumasa at sumulat sa klasikong wikang Griyego na siyang ginamit ng pamahalaan sa mga opisyal nitong kalatas. Nang maging Kristiyano si Constantino, hinimok niya ang kanyang mga nasasakupan na tumulad sa kanya. Nang maging emperador si Theodosius I, ginawa naman niyang opisyal na relihiyon ang Kristiyanismo. SI EMPERADOR JUSTINIAN Ang unang pinunong Byzantine na dinakila ay si Justinian. Nanungkulan noong 527 565 C.E. at kinilala sa larangan ng batas. KODIGONG JUSTINIAN pumili siya ng matatalinong tao upang tulungan siyang bumuo ng batas. Noong 540 C.E., siya ay namatay at ang mga emperador na sumunod sa kanya ay mahihina. ANG PAGLUPAYPAY NG IMPERYONG BIZANTINO Ang sunud-sunod na mga pagsubok na dumating ay nagbunga ng panghihina sa imperyong Bizantino. Naging kaaway nito ang mga kapatid nitong Kristiyano mula sa Europa. Nagkaroon ng ibat-ibang krusada sa panawagan ni Papa Urban II. Ang mga katiwalian at pagsasamantalang ginawa ng mga baron, kabalyero, at negosyanteng Europeo sa Imperyong Bizantino ang nagpahina pa dito.

IMPERYONG BYZANTINE
TAGUMPAY 1. Sentralisadong pamahalaan 2. Mahusay na lakas militar 3. Ang kayamanan ng silangang bahagi ng imperyo. PAMANA 1. Eastern Orthodox 2. Mural 3. Mosaic 4. Arkitektura Hagia Sophia 5. Kodigo ni Justinian.

You might also like