You are on page 1of 13

Pinagmulan

Mga Franciscano ang pangunahing tagapagtaguyod ng debosyonng ito na ipinagkatiwala


ng Santo Papa na mangalaga sa Herusalem. Nagkaroon ng iba't ibang bilang ng mga istasyon at
sa ibang pagkakataon, iba't ibang pagkakasunod sa paglipas ng panahon hanggang sa itakda ni
Papa Clemente XII sa bilang na labing apat lamang ang istasyon at pagkakasunod-sunod nito
noong 1731.
Dala rin ng mga Kastila sa Pilipinas, isinagawa rin ang mga ritwal at
paniniwalang Katoliko pagdating nila sa bansa. Nakaugaliang gawin ang mga istasyon sa paligid
ng simbahan, kapilya o sa lansangan o kayay liwasan kung saan itinayo ang labing apat na
istasyon.
Sa lumang lungsod ng Herusalem ginagawa ang Via Dolorosa o Daan ng Pagpapakasakit,
isang daanang may dalawang bahagi kung saan pinaniniwalaang naging ruta ni Kristo patungong
Kalbaryo habang pasan-pasan ang krus.

[baguhin]Mga

Istasyon

Mayroong sinusunod na tradisyunal na Daan ng Krus ang mga Katoliko. Isang panalanging
pambungad ang sasambitin ng namumuno at sila ay magtutungo sa unang istasyon na kadalasang
nasa isangbarangay at ang susunod ay sa isa pang barangay.
Narito ang mga istasyon sa tradisyunal na Daan ng Krus:

Hinatulanng mamatay si Hesus

Pinasan ni Hesus ang kanyang krus

Nabuwal si Hesus, sa unang pagkakataon

Nasalubong ni Hesus ang kanyang Ina

Inatasan si Simon na pasanin ang krus

Pinunasan ni Veronica ang mukha ni Hesus

Nabuwal si Hesus, sa ikalawang pagkakataon

Nagsalita si Hesus sa mga kababaihan ng Herusalem

Sa ikatlong pagkakataon, nabuwal uli si Hesus

Si Hesus ay inalisan ng kanyang damit

Ipinako si Hesus sa Krus

Ang Pagkamatay ni Hesus

Si Hesus ay ibinaba mula sa Krus

Si Hesus ay inilibing

Minsang isinasama ang Muling Pagkabuhay ni Hesus bilang ikalabinlimang istasyon kahit hindi
tradisyonal na bahagi ng daan ng krus.
Biyernes Santo ng taong 1991 nang pasinayaan ni Papa Juan Pablo II ang Bagong Istasyon ng
Krus.

Pambungad na Panalangin:
Tanda ng Krus
Panginoong Hesukristo, habang kamiy nagtitipon dito ngayon upang pagnilayan ang iyong
Misteryong Pampaskuwa, pagkalooban mo kaming lahat ng biyaya na kasuklaman ang kasalanan
tulad ng iyong ginawa, at gugulin ang aming buhay para sa aming kapwa ayon sa iyong
halimbawa. Sa gayon, kami ay maaaring makibahagi hindi lamang sa iyong paghihirap, kundi
maging sa iyo ring Muling Pagkabuhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.
Amen!

Unang Istasyon: Ang Huling Hapunan


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (1 Cor 11: 23-26):
Ang Panginoong Hesus, noong gabing siyay ipagkanulo ay dumampot ng tinapay,
nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at sinabi, Ito ang aking katawan na inihahandog para sa
inyo. Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, Ang
kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin
ninyo bilang pag-aalaala sa akin.

Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo
ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.
Panalangin:
Panginoong Hesus, minahal mo kami nang lubus-lubusan. Minahal mo kami hanggang sa
katapusan. Ikaw ay nananatili sa Eukaristiya upang maging pagkain at inuming nagbibigay
buhay na walang hanggan. Nananatili ka sa aming piling upang maging patuloy na palatandaan
ng nagliligtas na pananatili ng Diyos sa lahat ng sandali ng aming buhay.
Patawarin mo kami, Panginoon sa lahat ng sandali na kami ay hindi nagpapahalaga sa iyong
paghahandog sa amin ng iyong sarili at sa iyong mapagmahal na pananahan sa Banal na
Eukaristiya.
Ama Namin Aba Ginoong Maria Luwalhati

Ikalawang Istasyon: Ang Pagdurusa ni Hesus sa Halamanan


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Lu 22: 39-45):
Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama
ang mga alagad. Pagdating dooys sinabi niya sa kanila, Manalangin kayo, nang hindi kayo
madaig ng tukso. Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at
nanalangin. Ama, wika niya, kung maaariy ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunmay
hindi ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo. Tigib ng hapis, siyay nanalangin
nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animoy malalaking patak ng dugo.
Tumindig siya pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog
ang mga ito dahil sa tindi ng dalamhati.
Panalangin:
Mahaba at kakila-kilabot ang gabing iyon, Panginoon. Ni isa sa iyong mga alagad ay nagkaroon
ng lakas na samahana ka sa iyong pagdurusa. Ang tanging lakas mo ay ang iyong matibay na
hangaring tuparin ang kalooban ng Ama, maging anuman ang halaga.
Patuloy kang mag-isang nagdurusa, maging hanggang sa kasalukuyan, sa kalungkutan ng mga
walang kaibigan, ng mga walang tahanan, ng mga walang kinabukasan. Puno ang aming lipunan

ng katulad nila, ngunit patuloy kaming nagkukunwaring walang malay at natutulog habang sila
ay namamatay na biktima ng kapabayaan.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikatlong Istasyon: Si Hesus sa Harapan ng Sanedrin


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Lu 22: 39-45):
Tumindig ang pinakapunong saserdote sa harap ng kapulungan, at tinanong si Hesus, Ikaw ba
ang Mesisyas, ang Anak ng Kataas-taasan? Ako nga, sagot ni Hesus. At makikita ninyo ang
Anak ng Tao, na nakaupo sa kanan ng Makapangayarihan sa lahat. At makikita ninyong siyay
dumarating, nasa alapaap ng langit. Winasak ng pinakapunong saserdote ang sariling kasuutan,
at sinabi, Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang nakarinig ng kanyang
kalapastanganan sa Dios! Ano ang pasya ninyo? Ang hatol nilang lahat at kamatayan.
Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga
eskriba, at ang iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato.
Panalangin:
Panginoong Hesukristo, ikaw ang hukom ng sangkatauhan, ngunit tinanggap mong litisin ng mga
hukom na di makatarungan. Ikaw ang pinakabanal, tanging walang sala sa daigdig, ngunit tiniis
mo ang pagpaparatang ng mga sutil na makasalanan.
Patuloy pa rin ang walang katarungang paglilitis na inuulit sa bawat di-makatarungnang paghatol
kung saan pinarurusahan ang mga walang sala at pinalalaya ang may sala. Ikaw pa rin ang
biktima ng ganitong kawalan-katarungan laban sa mga mahihina, mga walang lakas na
ipagtanggol ang sarili at ang mga walang tinig sa lipunan. Sa kanila, patuloy kang nabubuhay at
nagdurusa.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikaapat na Istasyon: Ang Paghampas at Pagpuputong ng Koronang Tinik


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Mt 27:22-30, passim):


Sinabi sa kanila ni Pilato, Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Kristo?
Suamgot ang lahat, Ipako sa krus! Bakit, anong masama ang ginawa niya? tanong ni Pilato.
Ngunit lalo pa nilang isinigaw, Ipako sa krus!
At ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus. Si Hesus ay dinala ng mga
kawal ng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Naglikaw
sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinaghawak ng isang tambo sa kanyang
kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati: Mabuhay ang Hari ng mga Hudio!
Panalangin:
Natangay sa sulsol ng iyong mga kaaway ang malaking pulutong kayat ninais nilang ikawy
ipapatay, mahal na Hesus. At hindi rin naisip ni Pilato na mahalagang panindigan ang katarungan
at ipagtanggol ang iyong pagiging walang sala. Kayat nagtagumpay ang mga hibang. Gayundin
naman ang mga kawal na Romano, habang binatbat nila ng sugat ang iyong katawan at
pinutungan ang iyong ulo ng koronang tinik at pag-aalipusta.
Ngunit hindi ka man lamang dumaing. Tiniis mong lahat iyon, tulad ng isang maamong tupang
kakatayin; walang imik tulad ng milyun-milyong mga simpleng taong pinagsasamantalahan,
inaapi ng mga halang ang kalooban, habang marami sa amin ang nagbubulag-bulagan sa harap
ng walang pakundangang paglapastangan sa katarungan.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikalimang Istasyon: Tinanggap ni Hesus ang Kanyang Krus


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Mt 27:31):
At matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas
upang ipako sa krus.
Panalangin:

Minamahal kong Panginoon, ang krus ay siyang parusa para sa mga kriminal at mga
manghihimagsik. Sino ang maniniwala na ipinatong ito sa balikat ng Anak ng Diyos, ang puno
ng lahat ng kabanalan at kabutihan?
Sa kabila ng lahat, tinanggap mo ito nang buong kababaang-loob sapagkat alam mo na ito
lamang ang paraan upang kami ay mailigtas sa walang hanggang kaparusahan.
Krus namin ang krus na tinanggap mong pasanin ang krus ng aming mga kasalanan, ang krus
ng aming mga kahinaan, ng aming mga pagkasira ng loob, ng aming mga pagkabigo at ng aming
kasamaan.
Hanggang sa mga araw na ito, pasan ng mga walang-malay na kalalakihan, kakababaihan, at
kabataan ang krus ng mga pagkakamali, kasakiman, pagmamataas, kahalayan.
Ipagkaloob mo sa amin, mahal na Panginoon, ang biyayang di kailanman magbigay ng mga
pasanin sa aming kapwa dahil sa aming mga pagkukulang. Magiting nawa namin pasanin
kasama mo ang krus ng aming mga pang-araw-araw na tungkulin.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikaanim na Istasyon: Si Hesus ay Nadapa sa Bigat ng Krus


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa:
Habang sumusuray ang hakbang ni Hesus patungo sa Kalbaryo halos madurog si Hesus sa bigat
ng Krus na kanyang pasan-pasan. Higit pa marahil, napuspos si Hesus sa panunuya at panlilibak
ng mga tao na para bagang siya ay isang kriminal. Halos igupo ng pagod dahil sa kawalan ng
tulog sa magdamag at pagpapahirap na kanyang dinanas, si Hesus ay nalugmok sa bigat ng Krus
at pag-aalipusta na kanyang dinanas.
Panalangin:
Di malayo ang Kalbaryo mula sa pretoryo, iilang daang metro lamang. Ngunit, natagalan ka,
Panginoon, na tahakin ang daang iyon, hirap na hirap at bigung-bigong umaasang may tutulong.
Matagal nang naglaho ang iyong lakas. Lubak-lubak ang daan. Malupit ang mga tao. Pabigat
nang pabigat ang krus hanggang di mo na ito makayanan, at ikawy nalugmok na sa lupa!

Tulad mo, Panginoon, napakarami sa amin ang nadarapa at napapasubasob dito sa mahirap na
daan ng krus ng buhay dahil sa mga pagsubok at kabiguang dumadagok sa amin.
Kapag kami ay nadarapa at nalulugmok, Panginoon, tulungan mo kami!
At kapag hindi na kayang pasanin ng aming mga kapatidang maraming pagsubok na dumarating,
Panginoon, pagkalooban mo kami ng pusong mahabagin upang kamiy di na makabigat pa sa
kanilang pasanin.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikapitong Istasyon: Tinulungan ni Simon si Hesus sa Pagpasan ng Krus


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Mc 15:21):
Nakasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon na taga-Cirene, ama nina
Alejandro at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus.
Panalangin:
Napadaan lamang si Simon habang pauwi na siya mula sa bukid. Napilitan siyang mag-iba ng
landas isang paglihis na nagbago ng takbo ng kanyang buhay. Napilitang pasanin ang iyong krus,
siya man ay biktima ng pang-aapi at kawalan ng katarungan. Naranasan niya ang iyong sakit,
Panginoon, kung kayat natuklasan niya ang ibig sabihin ng buhay, kapag nagnanais na tumulong
sa kapwa.
Magsugo ka pa ng maraming tulad ni Simon ng Cirene, Panginoon. Padalhan mo kami ng mga
taong may lakas ng loob upang pasanin ang krus ng iba nang may pakikiisa at pagtitiyaga tulad
ng magkakapatid. Gawin mo kaming tulad ni Simon, Panginoon. Bigyan mo kami ng lakas at
kagandahang-loob na magdamayan, sapagkat ang aming lipunan ay puno ng nagdurusang Kristo
na hindi na makaagapay sa bigat ng kanilang pasang krus na may ibat ibang hugis at bigat.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikawalong Istasyon: Nasalubong ni Hesus ang Kababaihan ng Herusalem

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan


ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Lu 23: 27-31):
Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babain nananaghoy at nananambitan
dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinasabi sa kanila, Mga kakabaihan ng Jerusalem,
hiwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyoy ang inyong sarili at ang inyong mga anak.
Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila, Mapapalad ang mga baog, ang mga
sinapupunang hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso. Sa mga araw na iyoy
sasabihin ng mga tao sa mga bundok, Gumuho kayo sa amin! at sa mga burol, Tabunan ninyo
kami! Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa
tuyo?
Panalangin:
Panginoong Hesus, tunay ang pagdadalamhati ng mga babae ng Jerusalem para sa iyo. Buong
tapang silang sumunod sa iyo sa daan patungong Kalbaryo. Subalit tinawag mo ang kanilang
pansin sa dahilan ng kanilang pagdurusa ang KASALANAN at ang kaparusahan na dulot sa
lahat ng hindi pagsisisi. Sanay naging tapat din kaming tulad nila sa pagdadalamanhati sa hindi
makatarungang pagpapahirap sa iyo. At sanay kaawaan din ang aming puso sa mga pagdurusa
ng aming kapwa lalo na ng mga iskwater, walang hanapbuhay, walang tahanan, at ng lahat ng
mga biktima ng kawalan ng katarungan at pagsasamantala. Ang lahat ng uri ng mga kasalanng
ito ang nagdadala ng mga karapat-dapat na pagpaparusa ng Diyos sa ating lipunan.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikasiyam na Istasyon: Nasalubong ni Hesus ang Kababaihan ng Herusalem


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Lu 23: 33-35):
Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, ipinako nila sa krus si Hesus. Ipinako rin ang
dalawang salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. sinabi ni Hsus, Ama, patawarin
mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At nagsapalaran sila upang
malaman kung alin sa kanyang kasuutan ang mapupunta sa isat isa. Ang mga taoy nakatayo

roon at nanonood; nililibak naman siya ng mga pinuno ng bayan. Anila, Iniligtas niya ang iba;
iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang hinirang ng
Diyos!
Panalangin:
Panginoon, ang mga kamay mong datiy humahaplos sa mga bata, nagbabasbas sa mga maysakit,
at nagpapalayas sa mga demonyo, ngayoy nakapako na sa krus. Ang iyong mga paa na nagdala
sa iyo sa maraming bayan upang ihatid ang Magandang Balita ng Kaharian sa lahat, ngayoy di
na maaaring makagalaw pa magpakailanman. Hinahamon ka ng iyong mga kaaway na bumaba
sa krus. Subalit di mo pinansin ang kanilang panunukso. Hindi dahil sa ikaw ay nakapako, kundi
dahil sa pag-ibig mo sa mga makasalanan. Pag-ibig ang naghatid sa iyo roon. Pag-ibig ang
pumipigil sa iyo roon. Panginoong Hesus, pagkalooban mo kami ng biyaya na makatupad sa
aming tungkulin nang buong pagmamahal, kahit na ang mga ito ay magdulot pa sa amin ng pait
tulad ng pagkapako sa krus.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikasampung Istasyon: Ang Nagtitikang Magnanakaw


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Lu 23: 39-43):
Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, Hindi ba ikaw ang Mesiyas? Iligtas
mo ang iyong sarili, pati na kami! Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama, Hindi ka ba
natatakot sa Diyos? Ikaw may pinarusahang tulad niya! Matuwid lamang na tayoy parusahan
nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong itoy walang ginawang masama. At
sinabi niya, Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na. Sumagot si Hesus, Sinasabi ko
sa iyo: ngayon diy isasama kita sa Paraiso.
Panalangin:
Panginoong Hesus, puspos ng katapatan sa pagsisisi ang nagtitikang makasalanan sa harap ng
marami, punung-puno ng panananampalataya at pagtitiwala ang kanyang mga sinabi sa iyo.
Naniniwala siya sa iyong Kaharian, at hindi mo siya binigo.

Madalas na kami ay makatagpo ng mga taong nagkamali at nagnanais na magbagong-buhay,


Panginoon. Ipahintulot mong kami ay maging bukas sa kanila, katulad mo sa nagtitikang
magnanakaw. Sa ganitong paraan, kami rin ay papanaw sa mundong ito nang may
pananampalataya at pagtitiwala tulad ng mabuting magnananakaw, at nakikinig sa pangako ng
buhay na walang hanggan.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikalabing-isang Istasyon: Ang Nagtitikang Magnanakaw


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Jn 19: 25-27):
Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na
asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at
ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, Ginang, narito ang iyong anak! At
sinabi sa alagad, Narito ang iyong ina! Mula noon, siyay pinatira ng alagad na ito sa kanyang
buhay.
Panalangin:
Tulad ng isang sibat, ang paghihirap ay tatarak sa iyong puso. Ito ang hila ng matandang
Simeon. Sa Kalbaryo, naranasan ni Maria ang katuparan ng huland ito. At muli niyang binigkas
sa kanyang puso: Maganap nawa sa aking ang iyong salita.
Walang sinuman sa balat ng lupa ang umibig sa iyo nang higit pa sa iyong Ina, Panginoon.
Gayundin naman, wala kang inibig sa balat ng lupa nang higit pa sa kanya. Naroroon siya, saksi
at kabahagi ng iyong pagdurusang naghatid ng kaligtasan. Sa paghahabilin mo sa kanya kay
Juan, binigyan mo ng katiwasayan ang mga nalalabi pa niyang araw dito sa lupa; sa paghahabilin
mo naman kay Juan sa kanya, binigyan mo kami ng katiwasayan habang-buhay, sapagkat
ibinigay monsa amin ang lahat, ang iyong ina at amin ding Ina.
Maging mapagmahal nawa kami sa kanya tulad mo.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikalabindalawang Istasyon: Si Hesus ay Namatay sa Krus


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Jn 19: 28-30; Lu 23: 44-46):
Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa buong lupain at nawalan ng liwanag ang
araw hanggang sa ikatlo ng hapon. Sinabi ni Hesus, Nauuhaw ako! May isang mangkok doon
na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at
idiniit sa kanyang bibig Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, Naganap na!
Sumigaw nang malakas si Hesus, Ama, sa mga kamay moy ipinagtatagubilin ko ang aking
espiritu! At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.
Panalangin:
Kaming lahat ay hinatulang mamatay dahil sa aming mga kasalanan, at inako mo ang parusang
ito, ikaw na hindi karapat-dapat na tumanggap nito.
Iisa lamang ang iyong buhay, Panginoon, tulad naming lahat, ngunit malaya mo itong inialay
upang kamiy magkaroon ng buhay na walang hanggan. Pinatay ka ng mga kasalanan namin,
dahil sa labis mong pagmamahal sa amin, pinakamamahal na Hesus.
Bago ka nalagutan ng hininga, sinabi mong ikawy nauuhaw uhaw sa pagibig. Tanggapin mo
ngayon ang aming nagtitikang pag-ibig sa iyo, Panginoon. Nais ka namin mahalin alang-alang sa
mga ayaw magmahal sa iyo. Nawa, sa katapusan ng aming pagkikibaka sa buhay, kami ay
mamatay na nagtitiwala habang inuulit namin ang iyong winika, Ama, inihahabilin ko sa iyo
ang aking kaluluwa!
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikalabintatlong Istasyon: Si Hesus ay Inilibing


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Mt 27: 57-60):
Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-Arimatea, na ang ngalay Hose. Siyay
alagad din ni Hesus. Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. Iniutos naman ni
Pilato na ibigay ito sa kanya. Kayat kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong kayong

lino. Inilagay niyo ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato.
Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito ang isang malaking bato, saka umalis.
Panalangin:
Panginoong Hesus, binalot ka ng kadiliman ng kamatayan. Ang tangi mong maliwanag na
tanglaw ay ang malambing na pagmamahal ng iyong Ina, ang katapatan ni Juan, ang
pakikipagkaibigan ni Jose ng Arimatea, at ng ilan pa. Inihimlay ka sa libingan tulad ng isang
napagkahalagang kayamanang itinago sa baul, tulad ng isang butil na ibinaon sa lupa.
Binigyan ng kahulugan at pag-asa ng iyong libing ang aming libing. Salamat sa iyo, naging isang
mapayapang pamamahinga ito sa kandungan ng inang lupa, na naghihintay ng isang masayang
paggising sa pagdating ng bukang-liwayway na muling pagkabuhay na wawasak sa mga tanikala
ng kamatayan magpakailanman.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati

Ikalabing apat na Istasyon: Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan
ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Pagbasa (Mt 28: 1-6):
Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo,
pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang lumindol nang
malakas Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip
sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at
kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at nabulagtang
animoy patay nang makita ang anghel.
Ngunit sinabi nito sa mga babae, Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus
na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siyay muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi.
Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.
Panalangin:
Hesus, hindi maaring mabulok ang iyong banal na bangkay sa libingan. Hindi ka maaaring
pigilan ang higit pa sa kinakailangan sa loob ng iyong libingan. Ngayon, pinatutunayan ng

naigulong na malaking bato na nagpinid sa iyong libingan at ng pagpapatunay ng anghel na ang


iyong muling pagkabuhay ay totoo. Pinagtitibay rin nila ang katotohanang kami man sa darating
na panahon ay babangong muli sa kamatayan. Ang iyong muling pagkabuhay, Panginoon, ang
ang huwaran ng aming muling pagkabuhay, maging ngayon pa man. Isang hamon ito para sa
aming lahat na bumangon mula sa kamatayang dulot ng kasalanan para sa pinagpalang buhay.
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati
Pangwakas na Panalangin:
Panalangin para sa Intensiyon ng Santo Papa
Ama Namin Aba, Ginoong Maria Luwalhati
Pangwakas na Panalangin Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, namatay at
matagumpay na muling nabuhay ang Iyong Bugtong na Anak para iligtas kami sa aming mga
kasalanan. Sa Iyong kabutihan, muli mong buhayin ang Iyong mga tapat na nananampalataya
upang makiisa sa kanya sa buhay na walang hanggang sa langit, kung saan nabubuhay siya at
naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

You might also like