Professional Documents
Culture Documents
Tanda ng Krus
Panginoong Hesukristo, habang kami’y nagtitipon dito ngayon upang pagnilayan ang iyong
Misteryong Pampaskuwa, pagkalooban mo kaming lahat ng biyaya na kasuklaman ang kasalanan
tulad ng iyong ginawa at gugulin ang aming buhay para sa aming kapwa ayon sa iyong halimbawa.
Sa gayon, kami ay maaring makibahagi hindi lamang sa iyong paghihirap, kundi maging sa iyo ring
Muling Pagkabuhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.
Amen.
Pang wakas na Panalangin:
Panalangin para sa Intensyon ng Santo Papa
Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria..
Luwalhati..
Pangwakas na Panalangin:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, namatay at matagumpay na muling nabuhay ang
Iyong Bugtong na Anak para iligats kami sa aming mga kasalanan.
Sa Iyong kabutihan, muli mong buhayin ang Iyong mga tapat na nananampalataya upang makiisa sa
kanya sa buhay na walang hanggang sa langit, kung saan nabubuhay siya at naghahari kasama Mo at
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen
Sumaatin at manatili nawa ang pagpapala ng Makapangyarihang Diyos: Ama, Anak at Espiritu
Santo. Amen.
UNANG ISTASYON
ANG HULING HAPUNAN
NAMUMUNO: Sinasamba at pinupuri Ka naming, O Panginoong Hesukristo
LAHAT: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay ay iniligtas mo
ang sandaigdigan.
EBANGHELYO (Mateo 26:26-29)
Tagabasa: (26) Habang sila’y kumakain, dumampot si Hesus ng tinapay, at matapos
magpasalamat sa Diyos ay pinaghati-hati niya iyon, ibinigay sa mga alagad at sinabi…
Hesus: “Kunin ninyo ito at kainin. Ito ang aking katawan.”
Tagabasa: (27) Pagkatapos, dumampot siya ng kopa, nagpasalamat sa Diyos at ibinigay iyon sa
kanila. Sinabi niya…
Hesus: “Uminom kayong lahat nito (28) sapagkat ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan
ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami, (29)
Sinasabi ko sa inyo, hinding hindi na ako iinom nitong alak na mula sa ubas hanggang sa araw na
ako’y muling uminom nito na kasalo sa kaharian ng Ama.”
PANALANGIN:
Panginoong Hesus, minahal mo kami nang lubus-lubusan, minahal mo kami hanggang sa katapusan.
Ikaw ay nananatili sa Eukaristiya upang maging pagkain at inuming nagbibigay buhay na walang
hanggan. Nananatili ka sa aming piling upang maging patuloy na palatandaan ng nagliligtas na
pananatili ng Diyos sa lahat ng sandali n gaming buhay.
Patawarin Mo kami, Panginoon sa lahat ng sandal na kami ay hindi nagpapahalaga sa iyong
paghahandog sa amin ng iyong sarili at sa iyong mapagmahal na pananahan sa Banal na Eukaristiya.
LAHAT:
Ama Namin..
Aba Ginoong Maria..
Luwalhati..
IKALAWANG ISTASYON
ANG PANALANGIN NI HESUS SA HALAMAN NG GETSEMANI
LAHAT:
Ama Namin..
Aba Ginoong Maria..
Luwalhati..
IKATLONG ISTASYON
SI HESUS SA HARAP NG SANEDRIN
PANALANGIN:
Natangay sa sulsol ng iyong mga kaaway ang malaking pulutong kaya’t ninais nilang ikaw ay
ipapatay, mahal na Hesus. At hindi rin naisip ni Pilato na mahalagang panindigan ang katarungan at
ipagtanggol ang iyong pagiginmg walang sala. Kaya’t nagtagumpay ang mga hibang. Gayundin
naman ang mga kawal na Romano, habang binatbat nila ng sugat ang iyong katawan at pinutungan
ang iyong ulo ng koronang tinik at pag aalipusta.
Ngunit hindi ka man lamang dumaing. Tiniis mong lahat iyon, tulad ng isang maamong tupang
kakatayin; walang imik tulad ng milyun milyong mga simpleng taong pinag sasamantalahan, inaapi
ng mga halang ang kalooban, habang marami sa amin ang nagbubulag bulagan sa harap ng walang
pakundangang paglapastangan sa katarungan.
LAHAT:
Ama Namin..
Aba Ginoong Maria..
Luwalhati..
IKALIMANG ISTASYON
ANG PAGPASAN NI HESUS NG KRUS
PANALANGIN:
Hesus, hindi maaaring mabulok ang iyong banal na bangkay sa libingan. Hindi ka maaring pigilan
ang higit pa sa kinakailangan sa loob ng iyong libingan. Ngayon, pinatutunayan ng naigulong na
malaking baton a nagpinid sa iyong libingan at ng pagpapatunay ng anghel na ang iyong muling
pagkabuhay ay totoo. Pinagtibay rin nila ang katotohanang kami man sa darating na panahon ay
babangong muli sa kamatayan. Ang iyong muling pagkabuhay, Panginoon. Ang huwaran ng aming
muling pagkabuhay, maging ngayon pa man. Isang hamon ito para sa aming lahat na bumangon
mula sa kamataying dulot ng kasalanan para sa pinagpalang buhay.
LAHAT:
Ama Namin..
Aba Ginoong Maria..
Luwalhati..