You are on page 1of 28

PAGHAHAMBING NG CoE AT ECE

_______________________

Riserts na Iniharap kay Ramon Jamito, Ph. D.

AMA Computer College Makati Campus _______________________

Bilang bahagi ng mga kahilingan Pagtatapos sa Kursong Fili02

________________________

nina: John Mark dela Cruz Jezzamyn Esquivel Marilou Floranda Pangatlong Semestre 2008-2009

Ika-25 ng Marso, 2009

NILALAMAN

Liham Pagpapahintulot A. Paghahandog B. Pasasalamat C. Panimula

TSAPTER I A. B. C. D. E. F. G. Kapaligiran ng Pag-aaral Layunin ng Pag-aaral Pagpapahayag ng Suliranin Kahalagahan ng Pag-aaral Metodolohiya ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Depenisyon ng mga Termino

TSAPTER II A. B. C. D. E. F. Inhinyeriya Kasaysayan ng Inhinyeriya Pagkukumpara sa dalawang sangay ng Inhinyeriya AMA pagdating sa Engineering Mga trabahong naghihintay pagkagraduweyt Pinagkaiba ng CoE at ECE

TSAPTER III A. Konklusyon B. Rekomendasyon

PAGKILALA SA MGA NAGRESEARCH

LIHAM PAHINTULOT

Ika-25 ng Marso, 2009

Prof. Ramon Jamito, Ph.D. Kolehiyo ng Sining at Agham AMA Computer College Makati Campus 5486 South Superhighway, Makati City

Mahal na Propesor: Bilang pagtugon sa inyong kahilingahan at para sa pagtatapos ng Kursong Filipino02 isinagawa ang panahunang papel na ito na may pamagat Paghahambing ng Kursong Coe at ECE. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang maipakita at malaman ang pagkakaiba ng dalawang kurso sa larangan ng teknolohiya. Inaasahan ko pong makatugon sa inyong kahilingan ang mga paksang tatalakayin. Hinihingi po namin kapahintulutan sa naturang pananaliksik.

Lubos na gumagalang, John Mark Dela Cruz I-BSCoE Marilou Floranda I-BSCoE Jezzamyn Esquivel I-BSCoE

Pinagtibay ni: Prof. Ramon Jamito Ph.D.

PAGAHAHANDOG

Ang riserts na ito ay inihahandog namin sa lahat ng mga taong tumulong para matapos at maging posible ang pag-aaral na ito ukol sa pagkakaiba ng CoE at ECE.

Para rin ito sa aming mga magulang, mga kapatid at mga kamag-anak na nagbigay inspirasyon para mabuo ang riserts na ito.

Kay Dr. Ramon Jamito na naging fdahilan upang lumawak angaming laalaman tungkol sa pagkakaiba ng CoE at ECE.

Inihahandog rin namin ang riserts na ito lalo na sa mga taong nais malaman kung ano ba talaga ang gusto nilang kunin sa kolehiyo at sa mga taong gustong magkaroon ng bagong kaalaman ukol sa mga kursong CoE at ECE.

Ganoon din sa mga mambabasa ay inbihahandog namin ito at pinababatid sa inyo na handa kaming tumulongat sumagot ng mga problemang may koneksiyon dito sa aming riserts abot ng aming makakaya.

John Mark B. dela Cruz Marilou Floranda Jezzamyn P. Esquivel

PASASALAMAT

Ang riserts na ito ay hindi magagawa at matatapos kung wala ang mga taong tumulong sa aming tatlo para maisagawa ng maayos ang riserts na ito.

Sa aming mga matityagang guro na kahit na sa sobrang dami ng kaninlang ginagawa ay nagawa paring pagbigyan ang aming kahilingan na magsurbey sa kanila. Kung wala ang kanilang mga sagot, hindi makukumpleto ang riserts na ito.

Sa mga estudyante, kapwa galing sa una at ikapat na kurso, na kahit na nahirapan sa pagtatagalog ay sinikap paring sagutin ng maayos ang mga tanung na naibigay sa kanila. Ang mga datos na nakalap mula sa surbey sa kanila ay sadyang malaking tulong sa pagkakatapos ng riserts na ito.

Sa aming mga magulang na pilit na umuunawa sa amin kapag napupuyat at umuuwi ng gabi para lang matapos ang riserts na ito. Salamat din sa patuloy na pangungumbinsi sa amin na kaya naming tapusin ito sa tamang oras. Salamat sa suportang binigay habang ginagawa ang proyektong ito.

Sa aming guro, Doktor Jamito, na siyang nagturo sa amin kung ano mga tamang gagawin para magawa ang riserts na ito sa tamang paraan. Salamat din sa pag-unawa at pagtityaga sa aming klase. Sa lahat ng pag-uunawa at sakripisyo sa amin, maraming salamat po.

At higit sa lahat, sa Poon, dahil kung wala siya, hindi naming alam ang gagawin kung may mga proglema na dumating habang ginagawa ang riserts na ito. Siya ang namamatnubay sa aming grupo hanggang matapos ang riserts na ito.

TSAPTER I

PANIMULA

Masasabi nating ang mga kursong inhinyera ay ang mga pinakaindemand na kurso ngayon. Ngunit bakit nga ba sinabing ito rin ay isa sa mga pinakamahirap na kurso. Sa kaso ng AMA Computer College- Makati, ang Electronics and Communications Engineering (ECE) at Computer Engineering (CoE) ang mga kursong nahahanay sa engineering ang tanging itinuturo dito. Dahil nga sa dalawa lang ang mapagpipilian dito, hindi maiiwasang palaging maipag-kumpara ang dalawa. Alin ba sa dalawa ang mas magandang kunin, kung ano ba ang mas nagpapangako ng mas magandang oportunidad pagkatapos mo mag-aaral. Ilan lamang ito sa mga tanong na hangang ngayon ay naglalaro parin sa mga isip ng mga estudyante. Para mas malinawan tayo sa bawat kursong nabanggit kailanagn natin silang ilarawan ng tag-iisa.

Ang Electronics and Communication Engineering (ECE) ay isa sa dalawang kursong pang-inhinyero ang itinuturo sa AMA Makati. Sinasabing ito ang may pinakamalawak na sakop pagdating sa teknolohiya at komunikasyon. Halos lahat ng mga bagay na may kinalaman sa elektroniks at komunikasyon ay sakop ng ECE.

Sila rin ang dahilan kung bakit mas dumadali ang pamamaraan ng pakikipagkuminikasyon. Sila ang mga inhinyero na bumubuo ng mga antena, mga bagay pangkomunikasyon at minsan ay pati na rin mga bagay na may kinalamn sa elektroniks. Sa tutuusin, kung walang mga ECE, wala tayong magandang pamamaraan ng komunikasyon sa mga araw na ito. Sinasabing ang nakapagtapos ng kursong ECE ay kailangan munang kumuha ng board exam para tuluyan silang masabing inhinyero. Ang mga nakapagtapos ng ECE ay sinasabing maraming opurtunidad na naghihintay pagkatapos maipasa ang board exam.

Sinasabing ang ECE ay may mas maraming sakop pagdating sa teknolohiya dahil ang Computer Engineering (CoE) ay sakop nito. Ibig sabihin ay walang kompyter pag walang mga ECE.

Sa larangan naman ng Computer Engineering (CoE), ang kanilang espesyalisasyon naman ay nakatutok sa mga bagay na tungkol sa kompyuter. Marami rin itong sakop gaya ng programming, design, networking at lahat ng may kinalaman sa kompyuter.

Sinasabing ang tanging lamang ng CoE sa mg ECE ay ang programming dahil ang mga ECE ay hindi nahahasa sa programming, hindi kagaya ng mga CoE. Sinasabing ang programming ay mas tatagal hindi gaya ng mga conductors na napapalitaan ng mga mas bago at haytek na kagamitan.

Hindi kagaya ng ECE, ang CoE ay walang bord eksam kaya sinasabing lahat ng nakatapos ng kursong ito ay otomatiko ng tinatawag na maga inhinyero. Ito ay sa kadahilanang hindi pewedeng mag-eksam ang mga nakatapos ng CoE dahil sa mabilis na pagbabago ng trend ng kompyuter.

Anu pa man ang pagkakaiba ng dalawang kurso. Ang importante ay pareho silang nakakapagbigay ng kontribusyon sa pagpapaunlad ng teknolohiya. Ang riserts na ito ay naglalayong linawin ang mga katanungan naglalaro sa isip ng mga estudyante at mga guro kung ano ba talaga ang pagkakaoba ng CoE at ECE. Itong riserts na ito ay gonawa para makatulong na rin sa mga estudyanteng magkokolehyo pa lamang.

KAPALIGIRAN NG PAG-AARAL

Sinabi ni Engr. Jacqueline Reynoso, ang president ng PHISCES organization at isa sa mga guro ng engineering klases sa engineering sa AMA Makati na ang Electronics and Communications Engineering (ECE) ang may may pinakamalawak na sakop pagdating sa engineering dahil halos lahat ay sakop na ito. Dinagdag pa niya na ang Computer Engineering (CoE) ay isang halimbawa lamang ng komyunikasyon kaya sakop parin ito ng ECE.

Ayon naman kay Axel Rafael Tadoy, katataposn ng kursong CoE at nagyon ay kasalukuyang nagtuturo sa AMA Makati, na ang CoE ay ang siyang may mas pinakamaraming sakop pagdating sa teknolohiya dahil ayon sa kanya, maraming kayang gawen ang mga nakatapos ng CoE gaya ng kaya nilang magprogram na hindi kayang gawin ng mga nakatapos ng ECE. Pero nilinaw niya din na hindi makakagalaw ang mga CoE pag walang tulong galling sa mga ECE. Kaya sinabe niya rin na pareho lang maliban sa espesyalisasyon dahil mas maraming sakop ang CoE kaysa sa mga Ece.

Ang mga naunang pahayag naman ay parehong sinang-ayunan ni Daniel Dellosa, nakatapos ng CoE at kasalukuyang nagtuturo sa AMA Makati na ngasabing ang dalawang kutso ay may pantay na bilang ng kontribyusyon pagdating sa teknolohiya dahil ang mga ito ay gumagawa ng magkasama. Dinagdag pa niya na hindi kumpleto ang isa kung wala ang tulong ng isa. Sinabi pa niyan wala ng dapat pang pag-awayan dahil pareho naman silang nakakatulong sa pagpapaunlad ng teknolohiya.

LAYUNIN NG PAG-AARAL Sa pangkalahatan, ang riserts na ito ay naglalayong maipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Malaman ang pagkakaiba ng CoE at ECE na dalawang kursong pang-inhinyero na inooper ng AMA Computer College Makati. 2. Malaman ang mga kuneksyon ng bawat kursong pang-inhinyero sa teknolohiya.

3. Mailarawan ang mga katangian ng bawat kursong nabanggit.

Itinutok ang pag-aaral sa mga paraan ng pagtuturo sa CoE at Gayon din sa ECE, sa mga pagkakaiba ng mga asignaturang kinukuha ng dalawang kurso at mga pagkakaiba ng dalawa pagdating sa espesylisasyon.

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:

1. Sa pagitan ng CoE at ECE, pagdating sa teknolohiya, anong kurso ang may panakamabigat na kontribyusyon?

2. Ano ang pagkakaiba ng mga asignaturang kinukuha ng dalawang kurso?

3. Anu-ano ang mga larangan ng engineering ang mas pinagtutuunan ng pansin ng bawat kurso?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Inaasahang ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makakapagdulot ng benepisyo sa mga sumusunod:

1. Sa mga magkokolehiyong mga estudyante - Para magbigay impormasyon tungkol sa mga kursong pang-inhinyero dito sa AMA Makati at para mas madaling mapagdesisyunan kung alin sa dalawa ang kukunin. At para makatulong na rin para mahanap ang nababagay na kurso para sa kanila.

2. Sa mga estudyanteng kasalukuyang kumukuha ng isa sa mga kurso - Para magbigay ng mas lalong maraming depinisyon ng kanilang kurso at kung ano ang pagkakaiba nito sa isa pang kursong pang-inhinyero. At para na rin malaman kung ang kursong kanilang kinukuha ay tugma sa kanilang mga interest at kakahayan.

Ipinapahayag din na ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makakapaglinaw at makakatulongsa pagsagot ng tanong kung ano ba talaga ang pagkakaiba ng CoE at ECE.

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ayon sa www.Wikipedia.com Ang isang deskriptiv na pamamaraan sa riserts ay sumasagot sa mga tanong na: sino, ano, saan, kalian at paano. Karaniwan din ginagawa ito sa pamamagitan ng survey o obserbasyon. Ang pamamaraan na gamit sa riserts na ito ay deskriptiv.

Para makakuha kami ng magaganda at makabuluhang mga datos at impormasyon, naginterview kami ng ibat iabang uri ng tao batay sa propesyon. Nagtanong kami ng apat na propesor ng AMA Makati, 4 rin na mga estudyante ng engineering, kapwa mga estudyanteng nasa una at huling taon.

Ang aming mga tanong ay nahahati sa dalawa: ang una ay tungkol sa kanilang sarili o ang kanilang pagkakakilanlan, at ang pangalawa ay ang kanilang saloobin tungkol sa aming tanong. Sa unang set ng tanung, nakapaloob ditto ang tungkol sa kanilang background: ang kanilang pangalan, edad, kasarian at status.

Ang mga napili naming mga partisipante ay tinanong naming isa-isa. Ang mga datos na aming nakalap ay aming pinagsama-sama para pagkumparahin. Sinuri naming maigi ang kanilang kasagutan.

Maliban sa survey na aming ginawa, kaming tatlo ay gumamit din ng ibang mga reperensiya tulad ng aklat at mga artikulo sa internet para makakuha pa ng ibang impormasyon at upang masupotahan na rin at mapatunayan namin kung pareho o equal ang resulta ng aming surbey sa iba.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Ang riserts na ito ay tungkol lamang sa pagkakaiba ng CoE at ECE na kursong panginhinyero na inoofer ng AMA Computer College- Makati. Nakatuon ang pag-aaral sa pagkakaiba ng mga asignaturang meron sa bawat kurso, mga larangan ng espesyalisasyon at ang kontribyusyon ng bawat isa sa teknolohiya.

Ang mga pinag-aralang datos ay galing sa mga sagot sa surbey na isinagawa sa mga guro at estudyante ng AMA Makati lamang. Ang ibang datos din ay galling sa mga nabasang libro at artikulo sa internet. Pinag-aralan din ang lahat ng tungkol sa CoE at ECE. Ang sakop ng pagaaral ay mula lamang nung 2005 hanggang sa kasalukuyan kung saan ang bagong kurikulum ang ginagamit.

DEPINISYON AT TERMINO Para mas maintindihan ang riserts, ang ilan sa mga di kilalang salita ay bibigyan ng kahulugan:

Elektroniks - tumutukoy sa daloy ng mga singil (paglipat ng mga electron) sa pamamagitan ng nonmetal conductors (pangunahin Semiconductors), kung saan ang mga dekoryenteng tumutukoy sa daloy ng mga bayad sa pamamagitan ng metal conductors.

Kompyuter - ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal.

Komyunikasyon - Ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipagunawaan.

Engineering - ng disiplina at propesyon ng mga nag-aaplay teknikal at pang-agham na kaalaman at paggamit natural na mga batas at pisikal na mga mapagkukunan upang

ipatupad disenyo at materyales, structures, kagamitan, aparato, sistema, at ang mga proseso na ligtas mapagtanto ang isang nais na layunin at matugunan ang tinukoy na pamantayan.

Teknolohiya - pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Jack of all trades ay isang kilalang talinghaga na naglalarawan ng isang tao na may iba't-ibang mga kasanayan, ngunit hindi expert na kasanayan.

Civil engineer - Isang propesyonal na engineering disiplina na ang trato sa mga disenyo, konstruksiyon at pagpapanatili ng pisikal at natural na binuo na kapaligiran, kabilang ang mga gumagana tulad ng Bridges, daan, canals, dams at gusali.

Mechanical engineer - Disiplina na nagsasangkot sa aplikasyon ng mga prinsipyo ng physics para sa pagtatasa, disenyo, manufacturing, at pagpapanatili ng mga sistema ng makina. Mechanical engineering ay isa sa pinakaluma at pinakamalawak na engineering disciplines.

Information revolution - Ay naglalarawan ng kasalukuyang pang-ekonomiya, panlipunan at teknolohiko uso.

Robotics - Ay ang agham at teknolohiya ng mga robots,at ang kanilang mga disenyo, paggawa, at mga aplikasyon. Robotics ay may koneksyon sa elektronika, mekanika, at software.

Power Electronics - Ang mga aplikasyon ng solid-estado para sa mga elektronika ang control at conversion ng electric power.

TSAPTER II

MGA MORPOLOHIKAL NA DATOS

INHINYERIYA Ang inhinyeriya, mula sa kastilang ingeniera, ay ang paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng kaalaman, matematika, at pratikal na karanasan na nilalapat sa pagdibuho ng mga may gamit na bagay o proseso. Tinatawag na inhinyero ang mga propesyonal na nagsasanay sa inhinyeriya.

KASAYSAYAN NG INHINYERIYA

Ang kasaysayan ng inhinyeriya ay nahahati sa apat:

1. Pre-scientific revolution - sa panahong ito nakilala ang mga Renaissance engineers tulad nina Leonardo da Vinci.

2. Industrial revolution - noong ika-labingwalo hanggang labingsiyam na siglo, ang mga civil at mechanical engineers ay nagbago ng propesyon mula sa pagiging practical artists patungo sa pagiging scientific professionals. 3. Second industrial revolution - taon bago maganap ang World War II, ang mga kemikal, electrikal, at ang iba pang mga science-based engineering branches ay nagtuon ng pansin sa elektrisidad, telekomunikasyon, at mass production. 4. Information revolution - nang matapos ang World War II, ang inhinyera ay lalo pang lumawak. Ang maykroelectroniks, kompyuters, at telekomunikasyon ay nagsama-sama kung saan ito ay nagdagdag ng panibagong kaalaman tungkol sa teknolohiya.

PAGKUKUMPARA SA DALAWANG SANGAY NG INHINYERIYA

1. Inhinyerong Pangkompyuter (Computer Engineering) - ang kursong ito ay unang naturo sa Case Western Reserve University sa Estados Unidos, noong taong 1971. - ito ang kurso kung saan pinaghalo ang electrical engineering at agham pangkompyuter (computer science). Ang mga nag-aaral ng inhinyera ay nagkakaroon ng kaalaman at nagpapakadalubhasa sa mga software design at hardware-software integration. - Pinag-aaralan din dito ang ibat-ibang aspeto ng pagkokompyut, mula sa disenyo ng mga microprocessors at mga kompyuters, sa mga circuit design. - Ang kalimitang ginagawa ng mga inhinyero ng kompyuter ay ang pagdidisenyo ng VLSI chips (Very Large Scale Integration chips), pagdidisenyo ng mga analog sensors, at ang pagdidisenyo ng circuit boards. - Ang mga inhinyero din ay naaangkop sa robotics research kung saan sila ay gumagamit ng digital systems para makontrol at mamonitor ang mga electrical systems tulad ng sa mga motor, at sa mga sensors.

2. Inhinyera Elektronika at Pangkomunikasyon (Electronics and CommunicationEngineering) - ito ay isa sa pinakamahirap na kurso sa larangan ng inhinyera. Ang isang estudyante na nag-aaral ng ECE ay nangangailangan ng matalinghagang pagiisip para makapagdisenyo, makapagsagawa at makapagpasakatuparan ng ibat-ibang proyekto. - ang kursong ito ay nahahati sa tatlong larangan: 1. Elektroniks 2. Komunikasyon 3. Digital signal processing

Ang pag-aaral sa tatlong larangan na ito ay nangangailangan ng kakayahan sa matematika, at siyensya.

AMA PAGDATING SA ENGINEERING

Ang paaralan ng AMA ay ang kauna-unahang unibersidad dito sa Pilipinas na nagturo ng kursong inhinyera, at ang unang eskwelahan na nagturo ng Mechatronics. AMA din ang kauna-unahang eskwelahan na nakatanggap ng ISO 9001 Certification, at ang kauna-unahang nagging katuwang ng Micosoft pagdating sa edukasyon.

Bachelor of Science in Computer Engineering (BSCoE) Ang kursong ito ay isang four-year degree program (12 trimesters). Ang curriculum ng AMA para sa BSCoE ay base sa mga istandards ng Commission on Higher Education (CHED). Mga asignatura:

Mathematics 26 credit units Physical Science 12 credit units Basic Engineering Sciences 43 credit units Non-Technical Courses 51 credit units (Language, Humanities, Social Sciences) Miscellany (16) credit units Professional Courses 66 credit units Logic Circuits & Switching Theory Advanced Logic Circuits Design Computer System Architecture Microprocessor Systems Data Structures & Algorithms Analysis Computer Systems Organization, Architecture & Assembly Language Programming Principles of Progranning Language with Compiler

Data Communications 1 Principles of Operating System CoE Design Project 1 CoE Design Project 2 Engineering Materials Seminars and Field Trip Safety Engineering Data Communications 2 Electromagnetics Communications Theory 1 Control System I/O and Memory Systems Engineering Practicum Numerical Methods Object-Oriented Programming

Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering (BSECE)

Katulad ng BSCOE, ang kursong ito ay isang four-year degree program din. Ito ay dinesenyo upang makapagbigay ng magandang edukasyon at matatag na pundasyon sa elektroniks, sa komunikasyon, sa matematika, at sa syensiya para makapaghanda at mahasa ang mga estudyante bilang isang magaling na ECE. Ang curriculum ng BSECE ay base rin sa mga standards ng Commission on Higher Education (CHED). Mga asignatura:

Mathematics 26 credit units Physical Science 12 credit units Basic Engineering Sciences 34 credit units Non-Technical Courses 51 credit units (Language, Humanities, Social Sciences) Miscellany (16) credit units Professional Courses 94 credit units Electric Circuits Theory 1 Electric Circuits Theory 2 Electronics 1 Electronics 2 Electronics 3 Energy Conversion Electromagnetics Signals, Spectra & Signal Processing Communications Theory 1 Communications Theory 2 Communications Theory 3 Communications Theory 4 Communications Theory 5 Broadcast Engineering and Acoustics Logic Circuits & Switching Theory Microprocessor Systems Control System Industrial Electronics

Data Communications 1 ECE Laws and Ethics Seminars and Field Trip Safety Engineering ECE Design Project Engineering Practicum Computer Programming 1 Numerical Methods Engineering Materials ECE Review & Comprehensive Examination

MGA TRABAHONG NAGHIHINTAY PAGKA-GRADWEYT

Computer Engineering Project Manager/engineer Network Administrator/Manager Data Communications Engineer Systems Manager/Engineer Systems Analyst Technical Support Engineer

Electronics and Communication Engineering Communications: wireless products including mobile phones, pagers, etc.

Computers: peripherals, embedded systems, information appliances, etc. Electronics: for consumers, automotive industry, defence, etc. Internet: networked applications, Internet protocols, etc. Semiconductors: IC design, wafer fabrication, assembly and test, etc. Software: development for engineering design automation, commerce, etc.

PINAGKAIBA NG COE AT ECE

Titulo bilang inhinyero Marami ang kumukuha ng kursong CoE dahil ang sa pagkakaalam nila ay kapag nakapagtapos na sila ay matatawag na sila kaagad bilang inhinyero. Oo nga, maituturing sila bilang isang inhinyero, pero ang hindi nila alam, kahit na makapagtapos sila ng CoE ay hindi nila magagamit ang titulo na engineer. Nakasaad kasi sa batas na hindi mo siya maaaring ilagay sa unahan ng pangalan mo dahil hindi sila nakakuha ng licensure exam.

Sa ECE naman, bago ka matawag na inhinyero ay kailangan mo munang ipasa ang board exam. Pero kung tutuusin, mas maganda ang ECE kaysa sa COE dahil kapag napasa mo ang licensure exam ay matatawag ka na na engineer, hindi katulad sa COE.

Board Exam Walang board exam ang mga CoE dahil sa pabago-bago, lumalawak at patuloy pang lumawak ang teknolohiya natin ngayon. Pagdating naman sa ECE, kaya may board exam sila ay dahil sa hindi namannagbabago ang mga pinag-aaralan nila. May magbago man pero konti lang at nandoon pa rin ang basics.

Saklaw ng CoE at ECE Ang kursong CoE ay bagay sa mga taong mahihilig sa mga kompyuter. Pinagaaralan dito ang lahat tungkol sa kompyuter (software at hardware). Sakop din nito ang digital design, maykroelectroniks, mikrokontrolers, digital signal processing, computer networking, at microprocessor-based design.

Sa ECE naman, ang pinag-aaralan dito ay tungkol sa komunikasyon: Communication Systems, Instrumentations and Controls, Semi-conductor devices, Circuits, at Power Electronics. Sakop at pinag-aaralan din dito ang ilang mga bagaybagay tungkol sa kompyuter. Kaya naman mas malakas, maganda, at mas malawak ang sakop nito kung ikukumpara mo sa CoE.

Ang CoE, kaya nag-eexist, ay dahil palaki ng palaki ang impluwensya ng kompyuter sa buhay ng tao, at kaya may mga nag-aaral ng CoE para mapag-aralan ito. Pagdating naman s ECE, mas malawak ang kursong ito dahil halos saklaw na rin nito ang CoE.

Bilang ng estudyante Kung pagbabasehan namin ang dami ng CoE at ECE na estudyante sa aming seksyon, masasabi naming na mas marami ang kumukuha ng kursong CoE kaysa sa ECE.

Bilang ng yunits Sa AMA Makati, ang kursong CoE ay may sumatotal na dalawang daan at dalawampung yunits samantalang ang ECE naman ay may sumatotal na dalawandaan at dalawamput siyam na yunits.

TSAPTER III

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

KONKLUSYON Batay sa mga nakalap naming impormasyon ito ang mga datos na aming nalaman tungkol sa pagkakaiba ng kursong ECE at CoE: 1. Ang CoE ay pinagsamang EE (Electronics Engineering) at CS (Computer Science) ito ay galing sa internet nabasa ko sa isang blog. Marami kasi sa mga estudyante ang kinukuha ay CoE kaysa sa ECE batay sa obserbasyon tulad sa aming klase Block EE halos karamihan ay CoE halos 75 porsyento. Ang CoE kasi ay walang board exam dahil sa halos kada taon ay may nagpapalit sa kompyuter na bago. Pero ang ECE ay kinakailangan nilang kumuha ng exam para maging ganap silang engineer at may lisensya para makapaghanap sila ng trabaho. 2. Pagdating naman sa mga asignatura may pagkakaiba din ang dalawa tulad ang ECE mas lamang sila ng units kaysa sa CoE halos 9 units. Sa AMA Computer College dapat mong kumuha ng dalawang major kahit ECE ka man o CoE. 3. Ayon sa sweldo, nabasa ko sa isang blog ulit na hindi mo dapat kinuha ang kursong CoE o ECE dahil sa mataas ang sweldo pagdating na nakapagtapos ka na. Sabi nga niya magiging Jack-of-all-trades ka pero wala namang alam dahil hindi ka naman interesado sa propesyong pinag-aralan mo. Sa totoo lang CoE ka man o ECE walang panget at walang nakakaangat dumedepende pa rin iyon sa taong kumukuha nito. Dahil sa panahong ito mahirap talaga kumuha ng trabaho hindi na pwedeng ipagkaila iyon, 4. Ang ECE daw ay kahit saan may elektroniks ay naroon sila at may komunikasyon. Sabi naman ng engineer na tinanong ay mas malawak daw ang sakop ng CoE dahil sa pwede niyang pasukin ang Information Technology at sa pagdating ng panahon hindi sila mauubusan ng trabaho lalo na kung ang major niya ay CISCO kasi ito ay tumutukoy sa networking communication. Samantalang ang engineer naman na tinanong namin tapos ng ECE sila daw

ang mas malawak ang kontribusyon pagdating sa teknolohiya dahil pwede silang gumawa ng desenyo ng kompyuter at dahil sa elektroniks sila mas malawak ang kaalaman nila sa loob ng kompyuter. Samantalang ang COE sa software naman sila magaling at konti lang sa hardware. Iyon ang pagkakaiba bawat isa sa kanila ay may sariling kakayahan. May kaya ang ECE na hindi kaya ng COE at COE na wala sa ECE. 5. Karagdagan pa, ang computer engineer na kurso ay walang exam o tinatawag na board exam. Dahil sa hindi pa nga natatapos ang taon ay may panibago na namang impormasyon tungkol sa kompyuter. Ayon sa kanila kapag nakapagtapos ka na sa kurso mong CoE ay agad na engineer kana pero hindi mo pwedeng ilagay sa unahan ng pangalan mo ang katagang Engineer o Engr. dahil ang may karapatan lang nito ay iyong mga may board exam at nakapasa at may lisensya bilang isang ganap na inhenyero. 6. Hindi basehan kung CoE o ECE kung ang tawag sa iyo ay engineer o hindi. Hindi dahil sa CoE rin ang kursong kinukuha namin ay pabor kami dito. Para sa amin pantay lang sila kung ang pag-uusapan ay teknolohiya dahil sa may sariling ispesalisasyon ang bawat kurso. Ang tanging basihan dito ay kung gaano kalawak ang nalalaman ng isang estudyante tungkol sa kursong kanyang kinuha. Ilan sa mga tinanong ko kung bakit CoE o ECE ang kursong napili nila:

1. 2. 3. 4.

CoE Sinabi niya mas naihalintulad niya sa uri ng buhay na meron siya ngayon. Dahil sa demand ang kursong ito. Dahil sa sabi ng kamag-anak na mas maganda ang CoE Dahil sa paborito ang asignaturang matematika kaya naisip niyang magCoE.

ECE 1. Naimpluwensyahan ng iba na mas malawak ang tinatalakay sa ECE. 2. Dahil may board exam mas madaling makakuha ng trabaho. 3. Dahil may lisensya.

REKOMENDASYON

Ayon nga sa mga nakalap naming impormasyon hindi mo dapat pinili ang propesyon mo dahil sa mataas ang sweldo o mas demand kasi ikaw lang naman ang magsisi sa huli dahil wala ka namang alam. Dapat mong isaalang-alang ang mga bagay-bagay bago pa mahuli ang lahat. Habang maaga pa ay itanong mo na sa iyong sarili kung Kaya ko pa ba? para walang sisihan pagdating na makagraduweyt ka na. Sa tingin ko kasi kahit na mababa ang markang nakuha mo o mataas basta galing sa paghihirap mo may mararating ka, dahil ibig sabihin disededo kang marating ang pangarap mo pero kung ang sinasabi mo pag exam bahala na kung pumasa o hindi ok lang, mukhang wala ka ngang pag-asa nagsasayang ka lang ng oras at panahon. Huwag na nating pahirapan ang ating sarili kung hindi na talaga kaya. Sa totoo lang kasi walang madaling kurso lahat sila pinaghihirapan at pinagtyatyagaan. Dapat mong isiping Kaya ko ito! o Kung kaya nila kaya ko rin! Aral lang ang katapat niyan kasi wala namang bobo masipag lang mag-aral kaya nakakaya nila.

PAGKILALA SA MGA NAGRISERTS

JEZZAMYN P. ESQUIVEL 2A-501 Kalayaan Condominium Merville Access Road, Pasay City esquivelazzej@yahoo.com

Layunin: Maipagkumpara ang kursong COE sa kursong ECE.

Katayuan sa pag-aaral:

Kolehiyo: AMA Computer College, Makati Campus

Hayskul: Kalayaan National High School, Pasay City

Elementarya: Saint Louis Anne Colleges, San Pedro, Laguna

MARILOU F. FLORANDA 143-C E. Rodriguez St. Malibay, Pasay City mariloufloranda@yahoo.com

Layunin: Malaman kung ano ba ang mas magandang kurso.

Katayuan sa pag-aaral:

Kolehiyo: AMA Computer College, Makati Campus

Hayskul: Pasay City East High School, Pasay City

Elementarya: Suiton Elementary School, Magallanes, Sorsogon

JOHN MARK B. DELA CRUZ 104 L. Taytay St. Pasay City arcangelwiz@yahoo.com

Layunin: Malaman ang ipinagkaiba ng kursong COE at ng kursong ECE.

Katayuan sa pag-aaral:

Kolehiyo: AMA Computer College, Makati Campus

Hayskul: University of Saint Louis Tuguegarao, Cagayayan Valley

Elementarya: Rizal Central School, Cagayan Valley

You might also like