You are on page 1of 2

Ang mga Tauhan ng El Filibusterismo

Simoun:
ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay, siya rin si
Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.

Isagani:
ang makatang kasintahan ni Paulita.

Basilio:
ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Julia.

Kabesang Tales:
ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin
ng mga prayle.

Tandang Selo:
ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.

Ginoong Pasta:
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

Ben-zayb:
ang mamamahayag sa pahayagan.

Placido Penitente:
ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

Padre Camorra:
ang mukhang artilyerong pari.

Padre Fernandez:
ang paring Dominikong may malayang paninindigan.

Padre Florentino:
ang amain ni Isagani

Don Custodio:
ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene:
ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez:
ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila

Makaraig:
ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval:
ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina:
ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.

Paulita Gomez:
kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Quiroga:
isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.

Juli:
anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

Hermana Bali:
naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.

Hermana Penchang:
ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.

Ginoong Leeds:
ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

Imuthis:
ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

You might also like