You are on page 1of 2

Lamok Introduction: Ang kwentong ito ay nangyari sa isang estudyante sa isang matandang unibersidad.

Story: Si Edna ay freshman sa isang matandang unibersidad sa maynila. Isang araw habang sa kalagitnaan ng klase ay biglang tinawag siya ng kalikasan. Tumayo si Edna at lumapit sa kanyang prof. upang magpaalam sandali. Napili ni Edna na gamitin ang pinakamalayong bahagi ng kubeta. Habang nakaupo, biglang nakaramdam ng pagka-irita si Edna dahil pakiramdam niya ang daming lamok na paikot-ikot sa kanyang ulunan. Hawi dito, hawi doon. Nang matapos ang babae sa paggamit ng banyo ay dumiretso siya sa hugasan. May nakita siyang naglilinis sa may lababo at ang kanyang wika "sakto nandito si Manang, mapagsabihan nga". Si Manang ay isang janitress at matagal na siya nagtratrabaho sa unibersidad na iyon. Ang unang bati ni Edna ay "Manang, mag-spray naman kayo dito sa banyo, ang daming lamok doon sa huling bahagi ng banyo. Ikot ng ikot sila sa buhok ko." Ang tugon naman ng matanda "Iha walang lamok sa banyong ito kasi lagi ko tong nililinis". Biglang nakaramdam ng pagkayamot si Enda at winika na lang sa sarili, "Eh ako mismo naramdaman ang mga lamok sa aking ulunan, Ano ba yan!". Nang palabas na si Edna ng banyo biglang nagwika ang matandang janitress at sinabing "Iha sa gawing hulihan ng banyong ito may isang babaeng nagbigti noong nakaraang taon dahil sa depresyon"

Introduction: Ang kwentong ito ay ibinahagi sa akin noong 2002 ng isang kaibigan. Simula noon marami na ako napagkwentuhan ng istoryang ito. Maari marami sa inyo narinig na ang kwentong ito pero para sa ibang hindi pa nakakaalam, para sa inyo ang kwentong ito. :-) Body: Ang istoryang ito ay naganap sa isang kilalang mall sa bandang south. Itago na lang natin ang ating bida sa pangalang Aldo. Si Aldo ay nasa isa sa ordinaryong kabataan na nahilig manood ng mga pang matandang pelikula. (nauso kasi ang mga ganong uri ng pelikula noong panahong iyon). Syempre nahihiya si Aldo manood ng ganitong uri ng pelikula sa mataong sinehan kaya napili niya ang isang sinehan na kilalang hindi napupuno. Laking lumo niya ng pagpasok nya sa sinehan ay punong-puno ito ng mga tao. Wala siya maupuankaya wala siyang nagawa kundi tumayo. Naging masaya naman siya sa panonood ng pelikula dahil ang bida doon ay ang pinagpapatasyahan niyang artista.

Nang natapos na ang palabas at palabas na siya ng sinehan ay bigla siya nilapitan ng gwardya at sabay tanong, "Boss, buti nakatagal kayo sa loob...hindi ba kayo natakot manood?" Ang sagot naman ni Aldo ay "Paano ako matatakot ang dami nga tao, BlockBuster ang pelikula ni Neneng" pagbibiro pa niyang tugon. Tumayo ang balihibo ni Aldo ng biglang sabihin ng gwardya na..."Sir, kayo lang po ang taong nanood sa sinehang iyan" at pinakita pa nung gwardya ang nag-iisang tiket na pinunit niya.' Wakas.

RETREAT Introduction: Ang kwentong ito ay naririnig ko lang tuwing napapasama ako sa retreat. Siguro famous retreat horror story to. :-) Body: Nangyari ang kwentong ito sa isang kolehiyala. Isang gabi naghihilamos daw ang babae sa harap ng salamin nang biglang napansin niya may matandang babae na nakatitig sa kanya na nasa bandang likuran niya. Dahil sa takot ng babae pinikit niya ang kanyang mga mata at nagdasal ng "Ama Namin". Umasang natakot ang nasabing nilalang sa kanyang pagdarasal, minulat na niya ang kanyang mga mata pagkalipas ng kanyang dasal. Tumayo ang kanyang balahibo ng makita niya na nandun pa din ang matandang babae na galit na galit habang binibigkas ang mga linya sa dasal na "Ama Namin" Napagkamalaang kaibigan Introduction: Ang kwentong ito ay nangyari sa isa sa nakasama namin sa retreat nung college kami. Hindi ko mismo nasaksihan ang pangyayari ngunit ang mismong nakaranas ang nagbahagi sakin ng kwentong ito. Body: Pitong taon na ang nakalilipas ng mag-retreat kami sa isang sikat na "retreat house" dito sa Luzon. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlong araw ang ginugul namin sa lugar na iyon. Ang aming unang araw ay puno ng kulitan at asaran, sa madaling salita normal ang mga naging pangyayari. Ngunit nung ikalawang araw na namin sa lugar na iyon ay may biglang

kakaibang nangyari. Habang abala kami sa pagpapa-"picture, picture" biglang may narinig kaming sigaw sa loob ng "girls' dorm". Medyo nagkaroon ng kaunting pagpapanic ngunit makalipas ang ilang minuto ay napakalma na ang aming kasamahang sumigaw at nagsimula ilahad ang mga naging pangyayari... Tatlo daw sila bumalik sa dorm upang kumuha ng gamit at magbanyo. Ang unang babae ay pumasok sa banyo, tpos ang dalawang natira ay naiwan sa kwarto. Medyo matagal ang pagbabanyo ng isa nilang kasamahan kaya naisip ng kasamahan namin na humiga muna sa kama at makipagkwentuhan sa kasama niya. Salita siya ng salita sa katabi niyang kama ngunit napansin niya hindi ito sumasagot. Nang lingunin niya ang kasama niya laking hilakbot ang nadama niya ng makita niya na isang matandang babaeng nakaitim ang nakatitig sa kanya na nakahiga din sa katabi niyang kama, galit na galit ang mga mata nito. Ang inakala niyang kaibigan na kinukwentuhan niya ay isa pa lang kaluluwang gala sa dormitoryo ng mga babae.

kanan sa ikatlong palapag ang kwarto namin. Bale 5 classrooms ang nasa 3rd floor.

Gamit ang flashlight ng cellphone ko, binaybay ko ang madilim na building upang makarating sa aming silid. Sa inaasahan ko, kandado pa ang room namin. Pero sa di inaasahang makikita ko, may nasilip akong babaeng estudyante na nasa loob ng kandadong silid namin. Nakadapa. Sigurado ako sa nakita kong ginagawa niya. Nagsusulat siya. Kinutuban na ako ng masama.

Dali dali kong nagmasid sa mga katabi naming room upang siguraduhing walang ibang tao. Wala akong nadatnan bumalik ako sa room para kausapin ang babae kung anong ginagawa niya sa room namin. Pero sa pagdungaw ko sa bintana namin, siya ay nakatayo na. Nkasuot siya ng ibang uniform hindi katulad ng sa amin. Wala siyang mukha, distorted, burado, pero alam ko nakatingin siya sa akin. Gusto kong tumakbo at Realization: magsisigaw pero hindi ko nagawa. Parang may pwersang 1. Umamin ang mga tauhan na nasa lugar na maraming kaluluwang ligaw sa "retreat house" na iyon. (halos naman lahat pumipigil sa akin. ng "retreat house" may iba't ibang kwento) 2. Ultimo Prof namin nagkwento na noong pinuntahan niya kami sa banyo upang i-check kung nagyoyosi kami ay nakakita Naalala ko ang sabi ng mama ko: "Kapag natatakot ka, ng umiiyak na bata.Pinagdasal na niya lang daw yun magdasal ka ng Our Father." Halos mabaliw ako dahil hindi ko 3. Yung isang babae na inakala ng ating bida na kausap niya ay memorize ang Our Father noon. Kaya ang ginawa ko nag sumama pla sa unang babae na magbanyo. kaya suma total personal prayer ako. Sa kabutihang palad, may naririnig na mag-isa lang pala ang bida naiwan sa kwarto. akong mga estudyanteng paparating at nakagalaw na ang katawan ko. Nagtatatkbo ako at umiyak na lumapit sa kanila na may nakita akong multo. Journalist ako nun at nakatambak sa room namin ang mga lumang yearbook at nakita ko ang eksaktong disenyo ng lumang uniform na nakita kong babae way back 1980's. Isa lang ang pinagsisihan ko sa experience na yun. Hindi ko natulungan ang babaeng multo. Hinanap ko ang sinulat niya pero wala akong nakita.

BOOK 1: "Sa Ikatlong Palapag" Ako si Nico Gonzales at ako ay may undeveloped third-eye. Naalala ko noong 1st year High School ako nun sa isang sikat na paaralan sa Quezon City. Lagi akong pumapasok ng maaga noon dahil natatakot akong malate. Isang araw, ako ang pinakaunang estudyanteng pumasok sa school namin.

Patay pa ang mga ilaw sa mga buildings, ang ibang gate ng mga buildings ay kandado pa. Di pa kasi binubuksan ng guard dahil sobrang aga pa nun. E nagkataong yung building namin ay bukas, umakyat na ako. Yung building namin ay 3 storey-Dante Liban Building. Medyo may katagalan na itong building na eto pero maganda pa rin. Ikatlong room mula sa

You might also like