You are on page 1of 28

MAIKLING

KUWENTO
Jessie S. Setubal
Brent International School, Manila
Maikling Kuwento
Isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan
ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula,
isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o
iyong isang madulang pangyayaring naganap
sa buhay ng pangunahing tauhan.
Bilang isang masining na panitikan,
naglalahad ng isang pangyayari ang maikling
kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi
kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling
kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan
nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na
matipid sa paggamit ng mga pananalita.
Buhat sa salitang Kastila na
cuento- anumang salaysay,
nakalimbag man o hindi. (Ayon
sa U.P. Diksyunaryong Filipino
(2001)

or.
Kwentista,
mangangatha, o
tagapagsalaysay ang
tawag sa mga
manunulat ng maikling
kwento
DEOGRACIAS A.
ROSARIO
ama ng maikling
kwentong
Tagalog
KATANGIAN AYON KAY EDGAR
ALLAN POE
Isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni na hango sa isang tunay na buhay
na nangyari o maaaring mangyari
Nababasa sa iisang upuan lamang
Ang pangyayaring isinasalaysay ay tuluy-
tuloy mula sa simula hanggang sa wakas
Nakapupukaw at mabisang
nakapagpapadama o nakapagkikintal ng
diwa o damdaming may kaisahan
KATANGIAN AYON KAY
GENOVEVA EDROZA-MATUTE
isang salaysay na tumatalakay sa madulang
bahagi ng buhay
hindi pinaikling nobela
may isang pangunahing tauhan na may
mahalagang suliranin
may isang mahalagang tagpo
mabilis na pagtaas ng kawilihan patungo sa
kasukdulan na madaling sinusundan ng wakas
may isang kakintalan
Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at
suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-
sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano
ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring
bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa
tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan
ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento. At
ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan
ng problemang haharapin ng pangunahing
tauhan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan,
tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan
ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang
tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng
pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o
ang kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at
katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo
ng kuwento mula sa maigting na pangyayari
sa kasukdulan. At ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging
resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi
laging winawakasan sa pamamagitan ng
dalawang huling nabanggit na mga
sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng
may-akda na mabitin ang wakas ng
kuwento para bayaang ang mambabasa
ang humatol o magpasya kung ano, sa
palagay nito, ang maaring kahinatnan ng
kuwento.
Uri ng Maikling Kuwento
Sa kwento ng tauhan inilalarawan an mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng
kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.

Sa kwento ng katutubong kulay
binibigyang-diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.

Sa'kwentong bayan nilalahad an mga
kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan
ng buong bayan.

Sa kwento ng kababalaghan pinag-
uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.

Naglalaman ang kwento ng katatakutan
ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

Sa kwento ng madulang pangyayari
binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa
tauhan.

Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa
mga mambabasa ang damdamin ng isang
tao sa harap ng isang pangyayari at
kalagayan. Ito ang uri ng maikling
kwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa
balangkas ng pangyayari ang interes ng
kwento.

Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa
mambabasa ang kwento ng katatawanan.

Pagpokus sa Istruktura:
(Paggamit ng Padron o Pattern)
Ang Orasan
Ang Rebentador
Ang Sayaw
Ang Analisis

Ang Orasan
Tulad ng pag-ikot ng kamay ng isang
orasan, ang padrong ito ay nagsisimula
mula sa unahan ng magkakawing na mga
pangyayari hanggang sa kahuli-hulihang
pangyayari, maari ring magsimula sa
hulihan at mag-flash back, o maaaring
magsimula sa gitna at gumalaw pauna o
pahuli.
Ang Rebentador
Sa padrong ito, ang isang pangyayari ang
siyang sanhi ng mga nalikha pa ng mga iba
pang pangyayari. Kung walang unang
pangyayari maaaring hindi maganap ang
mga sumunod nitong pangyayari
Ang Sayaw
Sa padrong ito, ang mga nagaganap ay
pabalik-balik sa kani-kanilang mga
panahong may kani-kaniyang mga tagpuan
Ang Analisis
Sa padrong ito, iniharap ang lahat ng mga
datos, susuriin ang mga ito saka sasabihin
ang isang lohikal na kongklusyon

You might also like