You are on page 1of 23

Wastong Nutrisyon

para sa mga Mag-aaral ng


Paaralang Elementarya
Pagplano ng Pagkaing Masustansya
para sa mga Nanay
Mga Pag-uusapan
Mga problemang hinaharap pagdating sa ng
anak
Ang pagkaing LiKAM
Ano ang LiKAM, bakit ito mahalaga at paano
ito gagawin
Paggawa ng sariling LiKAM na pagkain


Problema na kinakaharap sa
pagpapakain ng mga bata
Kaunti ang Badyet
Pihikan sa pagkain
Mabilis magkaroon ng sakit
Ang LiKAM
Proseso ng pagplano ng pagkain na
Ligtas
Kaakit-akit
Abot-kaya
Masustansya
LIGTAS
Kailangan ligtas ang pagkain ng mga anak
upang makaiwas sa sakit

Kaligtasan sa Pamimili
Siguraduhing sariwa ang mga bibilhing pagkain
Hindi bulok o naninilaw ang gulay
Hindi amoy malansa ang isda o karne


Kaligtasan sa Paghahanda
Maghugas ng kamay bago magluto
Lutuing mabuti ang pagkain

Kaligtasan sa Pagtatago
Ang lutong pagkain ay maaaring nasa labas
nang hindi umaabot sa apat na oras
KAAKIT-AKIT
Kailangan kaakit-akit ang pagkain upang
mahikayat ang mga bata na kainin ito
Mga paraan para gawing kaakit-akit
ang pagkain
Lagyan ng makukulay na sangkap na pagkain
(hal. gulay)
May ibat ibang hugis at laki
May ibat-ibang lasa at texture
Mga paraan upang maging abot-kaya
ang pagkain
Bumili ng mga pagkaing napapanahon
Maglagay ng extenders sa pagkain (i.e. harina
sa meatballs)
Magtanim ng mga gulay o mag-alaga ng hayop
ABOT-KAYA
Kailangan abot-kaya ang pagkain upang
matugunan ang nutrisyonal na
pangangailangan ng pamilya na naaayon sa
badyet
MASUSTANSYA
Kailangang masustansya ang pagkain para sa
Tamang paglaki at pag-unlad ng mga anak
Pagpapalakas ng kanilang resistensya laban sa
sakit
Pagtulong na maging matalino at alisto ang
mga bata
Gamitin ang Plate Model
Isang modelo na
nagpapakita ng ibat
ibang grupo ng
pagkain at
proporsyon nito na
kailangang nasa
plato ng mga bata

Grupo ng Pagkain sa Plate Model
1. Karne at isda


2. Kanin at kagrupo


3. Gulay at prutas


Tamang pagkakahati ng grupo ng pagkain
1) Karne at isda
= 1/4 ng plato
2) Kanin at kagrupo
=1/4 ng plato
3) Gulay at prutas
=1/2 ng plato

Pagplano ng Pagkaing LiKAM
Panuto
1. Igrupo ang mga kalahok sa limang tao sa
isang grupo.
2. Bigyan sila ng market list na mayroong
listahan ng mga sangkap at presyo ng
pagkain, papel at bolpen.
3. Magplano ng pananghalian na LiKAMpara sa
limang tao sa loob ng 5 minuto.
4. Ipaliwanag ang naplanong pananghalian.

Pagbubuod
Ang paggamit ng LiKAM ay makakatulong na
masolusyonan ang mga problemang
hinaharap pagdating sa pagpapakain ng bata
Kailangan alalahanin ang LiKAM sa pagplano
ng pagkain.
Gumamit ng plate model upang matiyak ang
tamang uri at proporsyon ng inihahaing
pagkain.

You might also like