You are on page 1of 1

Tamang panahon at paraan ng pag-aani

1 Ang tamang panahon ng pag-aani ay isang susi upang maging maganda ang kalidad ng bigas.
2 Ang maaga o huling pag-aani ay parehong hindi maganda ang maidudulot sa bigas na maaani.
3 Mapupulbos ang mga butil kung maaga ang pag-aani at masosobrahan naman ng tuyo at
4 madudurog ang mga ito kung huli na ang pag-aani.
5 Anihin ang palay kung 85% ng mga butil sa uhay ay hinog na. Maaari rin itong
6 malaman sa pamamagitan ng paghati sa uhay sa limang bahagi. Kung ang mga butil sa apat na
7 bahagi mula sa itaas ng uhay ay dilaw ang kulay at matigas, maaari na itong anihin.
8 Nakababawas din sa kita ang maling paraan ng pag-ani kung kayat mahalagang malaman ang
9 mga ito. Igsihan lamang ang putol sa uhay kung de-makinang panggiik ang gagamitin at habaan
10 naman kung hampasan.
11 Subalit bago mag-ani, alalahanin ang mga dapat gawin tulad ng pagpapatuyo sa bukid. Mas
12 mabilis at mas madali ang pag-aani kung tuyo ang bukid lalo na kung gagamit ng makina.
13 Gayundin, magiging mas maganda ang kalidad ng palay. Maiiwasan din ang pagkabasa ng mga
14 butil o mataas na halumigmig na siyang nakakasira sa palay kung tuyo ang bukid bago umani.
15 Patuyuin ang bukid 10 hanggang 14 na araw bago mag-ani. Kailangan ding may sapat na bilang
16 ng taong mag-aani upang maani ang mga butil sa takdang araw. Iwasang lumampas sa isang
17 araw ang paggigiik upang hindi uminit ang ilalim ng bunton.
18 Para sa karagdagang impormasyon, maaari mag-text sa PhilRice Text Center20 sa
19 0920-911-1398. #

You might also like