You are on page 1of 2

Ang Buwan ng Wikang Pambansa

Odylon P. Villanueva
Guimba East Central School
Guimba, Nueva Ecija


Ano nga ba ang wikang pambansa? Naisip nyo ba kung gaano ito kahalaga sa
atin? Ang wikang pambansa ay ang wika ng ating sinapupunan; ang wikang Filipino.
Ito ay napakahalaga sa lahat ng mga mamamayang Pilipino dahil ito ang wikang
ginagamit natin sa pang-araw-araw na pagsasalita at pakikisalamuha sa ibat-ibang uri
ng tao sa ating lipunan. Napakahalagang gamitin ng ating wikang pambansa. Dahil sa
iisang wika nagkaisa at nagkaunawaan tayong mga Pilipino na ipagtanggol ang ating
bansa laban sa lahat ng mapang-aping dayuhan na dito ay napadpad.
Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ng mamamayang Pilipino ang Buwan
ng Wikang Pambansa. Ito ay paraan ng pagpapakita ng bawat Pilipino ng paggalang at
pagmamahal sa sariling wika. Naipapakita ito kasabay ng pagdiriwang sa lahat ng mga
pribado at pampublikong paaralan sa ating bansa. Sa pagsapit ng buwan ng Agosto
naghahanda ang mga paaralan ng mga gawain para sa mga mag-aaral patungkol sa
pagdiriwang ng wikang pambansa. Isa na rito ang paligsahan sa balagtasan, pagsulat
ng sanaysay, paggawa ng kartelon, na pawang ukol sa Buwan ng Wika. Ang ilan
naman sa atin ay ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng mga
banyagang salita sa pakikipag-usap sa loob ng paaralan simula sa pagpasok ng buwan
ng Agosto, maliban sa sarili nating wikang Filipino.
Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagkakaroon ng paminsan-minsang pag-
aaway at gulo tayong mamamayang Pilipino ay nagpapakita ng tunay na pagmamahal
at paggalang sa ating wikang pambansa. Panatilihin sana natin ito sa ating pusot
isipan dahil itoy isang tunay na yaman ng ating kultura. Matuto sana tayong mga
Pilipino na ipagmalaki ang sarili nating wika saan mang panig ng mundo tayo
mapadako. Bawat isa sa atin ay Pilipino at dapat na matuto ng sariling wika dahil itoy
isang obligasyon sa bansang Pilipinas. Huwag natin itong ikahiyang bigkasin mapunta
man tayo sa ibang panig ng mundo. Gamitin natin ito sa bawat Pilipinong
makakasalamuha.
Ipagpasalamat natin ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa dating
pangulong Manuel L. Quezon. Siya ang taong nagtadhana na ang wikang Tagalog,
dahil sa mas higit ang bilang ng mga taong nagsasalita sa kapuluan at sa angkin nitong
katangian na mas madaling maunawaan ng lahat ang siyang naging batayan upang
maging wikang pambansa. Dahil dito, si Manuel L. Quezon ang tinaguriang Ama ng
Wikang Pambansa.
Sagisag ng ating lahing Pilipino ang pagkakaron ng isang wika. Sa pamamagitan
nito ay madali tayong nagkakaunawaan. Ito ang dahilan kung bakit sa ating mga
kurikulum na mula elementarya hanggang kolehiyo ay mayroong asignaturang Filipino.
Malayu-layo na rin ang ating narating sa pagpapayaman ng ating wika. Hindi
maikakaila ang ating malalim na pagpapahalaga sa biyayang ito ng pagpapahayag.
Ang Buwan ng Wika ay isang selebrasyong nauukol sa ating tunay na pagiging
Pilipino . Isang pamanang-lahi maitatangi at patuloy na dadaloy sa ating pusot kaluluwa
at maipapasa sa mga darating na henerasyon. Wika nga sa isang kawikaan , Wikang
Filipino ay sagisag ng Bayan ko ikararangal ko kahit na kanino , mananatili sa puso ko
saan man ako magtungo.

You might also like