You are on page 1of 3

Roy Benedict Delgado Gng.

Susan Cantones
4-St. Joseph Filipino 4

Suring Basa
I.PAMAGAT NG AKDA: Moses, Moses

MAY AKDA:
ROGELIO R. SIKAT
Isinilang noong 1940, Rogelio R. Sikat, iniwan niya ang San Isidro, Nueva Ecija noong
1950’s para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging campus
writer at literary editor ng The Varsitarian , tinuloy niya hanggang maging isa siya sa
mga sikat na pioneers ng Philippine literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino
bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat.

Ang mga gawa ni Sikat, na nagpabangon sa nakagawiang panitikan natin at


nagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na
Liwayway. Nakakuha siya ng parangal sa Palanca awards noong 1962, at noong 1965
lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto, sumunod sa mga magagaling na
manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya sa literary history bilang
fictionist, playwright at professor, at ang pagiging dean sa University of the
Philippines Diliman.

PINAGKUKUNAN: Sa libro

II. MGA TAUHAN:

1. Gng. Regina Calderon- isang balong maestro, ina ng tatlo.


2. Tony- panganay na anak ni Regina, matulungin at mapag-aruga sa mga kapatid.
3. Aida- nag-iisang anak na babae ni Regina, masayahin.
4. Ben- bunsong anak ni Regina, laging seryoso.
5. Ana- kapatid ni Regina.

III. Tagpuan:

Ang tagpuan ng istoryang ito ay sa korte.

IV. Buod

Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana. Napag-usapan nila ang tungkol sa


nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo’y hindi
parin makapasok sa paaralan dahil siya’y na-trauma at wala siyang maiharap na
mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya’t kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo
upang mabantayan niya si Aida.

Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasma ang isang Konsehal.
Naproon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais
nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si
Regina dahil akala niya’y hustisya ang mananaig.

Ng umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni


Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya
ay hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya,
sila ang lagging mananaig. Ang nias na laman ni Tony ay mapatay ang anak ng
Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang
ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin
ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.

Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping nanaman si


aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya’y kumalma. Kaya’t nagpabili ng
gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasi ni Regina kay Ana na
malaki na ang pinagbagi ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung
nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang
baril si Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si
Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.

Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at


naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y nabasag.
Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang
gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina
kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng
umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya’t tinimplahan siya ni Regina ng
gatas.

Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang


umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng
taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo’y
hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang
makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni
Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag
silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya
ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si
Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi
sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si
Regina dahil sa kasalanan niya.

V. Panunuri

A. Kaisipan ng Akda at Patunay

“Moses, Moses” ni Rogelio Sikat ay tungkol sa isang guro, si Regina Calderon,


na naniniwala sa “Philippine Justice System” na malutas ang kasong pagkagahasa
ng kanyang anak ,si Aida, ng anak ng alkalde. Tinanggihan niya ang inialok ng
alkalde para ipaurong niya ang kaso. Pero inilagay ng kanyang pinamatandang anak,
si Tony, ang batas sa kanyang mga kamay. Parehong humarap sa nakakalungkot na
pangyayari sa huling bahagi ng akda .

B. Balyu

“Ang hustisya ay hustisya lamang kung ibibigay ito ng mahusay, pantay-


pantay at matiwasay”, isang kaisipan o balyu na ipinahayag sa akdang ito.
Importante talaga ang hustisya dahil sa hustisya umiiral ang katotohanan.

VI. Rekomendasyon
Inaaanyahan ko ang lahat ng mga mambabatas at mga abogado na bumasa
sa akdang ito. Mabuti itong basahin dahil malalaman talaga ng nagbabasa ang mas
malalim na kahulugan ng hustisya sa buhay ng isang tao.

You might also like